Dito ko muna ipopost Funjisolicsz
_______________________
"Dazen ano matagal pa ba tayo?" tanong ko sa kanya. Halos kami na lang kasi ata yung nahuli doon sa resort. Bus yung ginamit nung iba at ito kotse kami.
"Malapit na. Ayan oh TanTan's Villa Resort" turo nya sa sign. Napatahimik naman nang makita yung sign. Katabi ko sa kotse ay sila Red at Cassy, nasa harap sila Dazen at Adonis.
Nagising ako nang huminto yung sasakyan akala ko ay nandito na kami sa resort nila Ethan kaso hindi pala. Bigla akong kinabahan ng may dalawang nakamaskarang nakaharang sa harap ng sasakyan namin.
"Haha ano ito trick or treat?" natatawang sabi ni Adonis. Nagising din yung dalawang katabi ko halos mga nagtataka pa kung anong nangyayari.
Binaba ni Adonis yung salamin ng sasakyan at saka sumigaw ng 'Alis kayo dyan mga pre dadaan kami e'. Kaso mga parang istatwang hindi gumagalaw. Medyo nainis si Adonis kaya naman baba na dapat sya nung pinigilan sya ni Dazen kaso wala e makulit si Adonis at bumaba pa rin.
"Mga pre ano ba?! Alis sabi diba? Mga bingi ba kayo o need ko pang--" hindi na natapos ni Adonis ang sinabi nang tapyasin ng isa sa nakamaskara ang ulo nya. Dahilan para mataranta kaming lahat. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.
"TANGINA! ANONG NANGYAYARI?!" sigaw ni Dazen. Nanginginig ako sa takot sila Cassy naman ay Red ay ganoon din ang naging reaksyon.
"UUWI NA AKO!" sigaw ni Cassy saka lumabas ng sasakyan. Tinawag ko pa sya pero hindi talaga sya nagpatinag. Agad syang tumakbo papalayo pero hindi rin nagtagal ay may dumating na isa pang nakamaskara na pula at dala dala si Cassy nakaducktape ang bibig, kamay at paa nito at halatang wala rin syang malay.
Napasigaw na lang kami nang biglang hampasin ng palakol ang harapan ng kotse ni Dazen.
"DAZEN IATRAS MO!" sigaw ko sa kanya. Tinignan nya ako na para bang nababaliw ako.
"TANGA KA BA?! BANGIN YANG NASA LIKOD NATIN ISLA!" galit nyang sigaw sakin.
"MAMATAY TAYO SA MGA DEMONYONG YAN KUNG HINDI MO IAATRAS!" buong lakas na sigaw ko sa kanya saka itunuro yung tatlong nakamaskara, nakasuot ng itim na costume at may hawak ng palakol.
Walang nagawa si Dazen kungdi iatras ang kotse. Kailangan naming mabuhay para sa mga kasama naming nasa loob ng resort! Kung hindi iaatras ni Dazen ito ay lahat ay malalagay sa kapahamakan!
"KUMAPIT KAYO!" sigaw ni Dazen. Napapikit na lang ako saka niyakap si Red. Kung saan saan tumama ang katawan ko at biglang dumilim na ang lahat.
_________________
