Hay naku pero sinasanay ko naman na ang sarili ko sa ganito ikaw ba naman kasi ang maraming pangalan diba at ang matindi sa kanila ay iba ibang pangalan ang alam

Kung pwede nga lang sabihin na pwede po tawagin nyo nalang ako Angelina or Angel para naman hindi ako nalilito

Imagine sariling pangalan ko na nalilito pa ako

Balik tayo sa topic,tama na rekamo self!

"Mommy,kasi napag usapan namin ni Eric ang about sa wedding and kung okay lang po sana na next year nalang namin gawin ang wedding"
Myhalong kaba ko pang sabi

Sila kasi ni Daddy masyadong excited sa kasal

Yung totoo parang sila ang ikakasal sa sobrang hands on sa lahat even the venue,foods,rings wedding gown and sa mga abay at ninong in short lahat ay sila ang nag aasikaso

But still thankful kasi hindi din namin maintindi ni Eric dahil sa busy sched namin

"Oh akala ko ba gusto niyo ng ikasal"
Nagtataka naman niyang sabi

Napangiwi nalang ako ng inabot niya ang kamay ko

"Alam mo anak okay lang sa akin kung kelan niyo gusto magpakasal actually sa amin ng Daddy mo. To be honest nabigla din kami noong magpropose si Eric pero we have no choice nakita namin na mahal ka niya and mahal mo siya"

"Ayaw naman naming maging hadlang sa kung saan ka masaya anak kasi nga diba doon lang tayo sa masaya"
Nangingiyak na niyang sabi

Ano ba bakit ang drama naman ng morning ngayon

"Nung gabi na yun,alam mo bang nagdrama pa ang Daddy mo sa akin"
pareho pa kaming natawa sa sinabi niya

Imagine si Daddy mag dadrama parang never ko pa siya nakita atang nagdrama sa harap namin ni Mommy tho nakita ko na siyang umiyak

"Bakit Mommy paanong nagdrama"
Naghalumbaba naman ako at tutok sa mukha ni Mommy na tawang tawa pa din

"Naku kasi syempre lalaki,Daddy mo yun nag iisa ka naming prinsesa even me naiyak din ako kasi anak diba parang hindi pa ganun katagal ng maging amin ka ulit,nang makasama ka ulit tapos kukunin kana agad sa amin ni Eric so ayun nalungkot lang kami ng Daddy mo pero masaya naman kami na makita kang masaya"
This time nagsikawala na ang mga luhang kanina pa nagbabadyang magsilandas

"Sabi ko nga sa Daddy mo hindi ka naman mawawala lilipat lang ng bahay pero prinsesa ka pa din namin and soon magkakaroon na ng little princess and prince"

Nadala na din ako sa drama ng Mommy kaya pati ako ay naiyak na din

"Mommy naman ang aga pinapaiyak mo ako"
Pagrereklamo ko pa

"Pero Mommy magpapakasal lang ako and sinigurado ko naman na doon ako sa lalaking pasok sa inyo ni Daddy yung approved ninyo. Hindi naman din kami nagmamadali ni Eric and pwede namang dito kami minsan para kasama niyo pa rin kami"

Natawa naman siya sa pagbawi kong drama at pinunasan ang luha ko

"Mommy always remember na mag iiba lang ang last name ko pero ako pa din yung forever princess niyo ako pa din yung Chrisgine na minahal at mahal ninyo. Dito lang ako kahit my asawa na ako hindi ko kayo iiwan ni Daddy"
Dagdag ko pa

Tumayo naman ako at niyakap siya sa pagkakaupo

Hindi ko naman inaasahan na myganitong tampo pala sila Mommy and Daddy

Parang ayaw ko na tuloy muna na mag asawa tama si Eric baka mas okay na next year nalang

"I love you Anak tandaan mo din yan mahal ka namin ng Daddy mo and nandito lang kami palagi para sa inyo ni Eric"

PERPETUITY Where stories live. Discover now