PROLOGUE

18 7 0
                                    

Lumaking nakikita ang kapalaran ng isang nilalang at may kakayahang magbasa ng iniisip ng isang tao si Rina. Sya na lamang ang natitirang nagdadala ng kanilang lahi na mga manghuhula matapos mamatay ang kanyang mga magulang dahil sa nasunog ang mga katawan nito nang mangyari ang bushfire sa Amazon Rainforest, kung saan ay nagbakasyon ang dalawa roon upang ipagdiwang ang kanilang ikadalawampung anibersaryo ng kasal. Kahit sila ay nasa lahing manghuhula ay 'di maikakailang nanggaling din sya sa mayamang pamilya.

Sa katunayan ay nakita na ni Rina sa kanyang pangatlong mata na mangyayari ang ganoong klaseng trahedya ngunit hindi nakinig sa kanya ang mga magulang nito at nagpatuloy sa pinagplanuhang bakasyon. Labis na ikinadurog ng kanyang damdamin nang maidala pabalik sa bansa ang mga labi nito at pinagpasyahang ipacrimate na lamang ang mga katawan dahil sa natamong napakaraming sugat. Di tuloy nya maiwasang magtaka kung bakit hindi nakita ng kanyang ina ang kapalarang sasapitin nila sapagkat isa din naman itong manghuhula.

Ngunit kagaya na nga lang ng sabi ng kanyang lola, nabulag ang pangatlong mata nito dahil sa labis na pag-ibig ng kanyang ina sa kanyang ama. Namatay din ang kanyang lola Emilda pagkatapos nitong maggraduate ng 4th year higschool kaya ngayon ay nag-iisa na lamang syang heridera ng pamilya Guzon. Nag-aral sya ng Senior High School at kumayod mag-isa hanggang sa naabot nito ang 1st year college at kinuha ang BS course kung saan ay hinahangad nya ang Bachelor's Degree in Biomedical Science upang maging isang Neurosurgeon.

Simula noon ay hindi nya tinuunan ng atensyon ang buhay pag-ibig sapagkat isang sumpa sa isang manghuhulang kagaya nya ang magmahal at baka ito pa ang magdala sa kanya sa kamalasan.

Matitiis kaya nyang hindi magkagusto sa kung sino man ang lalaking makatagpo nya? O kusa nyang mararamdaman na may naiibigan na syang lalaki na hindi nya nakikita sa kanyang mga mata?

The Psychic's Destined LoverWhere stories live. Discover now