prólogos

14 1 0
                                        


January 28, 2017


"Hanggang kailan ka ba diyan sa pampanga? Kailan uwi mo?" Rinig kong sabi sa kabilang linya. 


"Sayo ako uuwi." Sabay tawa ko ng mahina. Tamang landi lang, malay mo kiligin. Pero siguradong babarahin ako nito e.


"Bakit? Wala ka bang bahay?" Sabi ko na nga ba. Inaasar lang siguro ako nito para itago kilig nya. 


Pero oo nga, 'no? Ang bahay diba...... Kaya natatawag na tahanan 'to dahil doon ka komportable, na pakiramdam mo yun lang yung tatanggap sayo pagkatapos ng isang napakahaba't nakakapagod na buhay. Yun lang yung gusto mong uwian pagkatapos ng nakakaubos na byahe sa araw araw. 


Pakiramdam mo doon ka ligtas. Ipaparamdam no'n sayo na hindi mo kailangan mangamba at magsasabi sayo na 'wag ka ng magalala'. Doon mo paulit ulit na pipiliing bumalik at umuwi kasi alam mong nandoon lang siya kung saan mo siya huling nakita, kung saan mo siya huling naramdaman. 


"Alam kong masyadong tipikal pero ikaw ang tahanan ko, lex. Sayo ako uuwi." Napangiti ako ng bahagya dahil alam kong nakangiti rin siya ngayon.

"I love you, zero." Doon na ko napangiti ng todo. Pag sinasabi niya yon parang paulit ulit akong nahuhulog sa mga ulap sa sobrang saya kasi dati ko lang 'tong pinangarap.


"In Perpetuum, lex."




__________________

:]]]

Something in the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon