"Hindi rin magtatagal to...ayoko eh."Taka niya naman akong nilingon.

"You don't want to be friends with me?"She asked.

' Hindi yun...it's not what I meant.Ang gusto kong sabihin,hindi rin magtatagal na magkaibigan tayo.Magiging akin ka rin.Hindi man ngayon baka balang araw.'

"Siyempre gusto ko,ambait mo kaya at ang sarap mong kasama."Nakangiting sabi ko.

'Wag magmadali Ivan...step by step lang,hindi mo pa nga nililigawan eh...chill.'

Maya maya dumating yung inorder naming pagkain.Mukhang masasarap tong mga to,nakakagutom.Mamaya ako lang rin makaubos nito,napakapatay gutom ko naman ata ngayon.Masyado ata akong ginanahan kumain.

"Kain na tayo?"Si Cassy.

"Oo naman,let's eat."Sabi ko at nilagyan siya ng pagkain sa plate niya.

"Thanks,kain na."Aniya at nilagyan din ako ng pagkain sa pinggan ko.

"Kumain ka ng marami."Sabi niya.

"Dahil ikaw ang nagsabi,kakain ako ng marami hahaha!"Sabi ko na ikinatawa niya naman.

"Ganda mo kapag nakangiti...lalo na kapag tumatawa ka."

Natapos na kaming kumain dalawa ay nagrest muna kami saglit at nagkwentuhan tsaka ko siya inihatid sa mansion nila.

"Cassy,salamat sa pagsama sa akin magbreakfast ah.I really appreciate it."Nahihiyang tugon ko pa at may pakamot ulo pa akong nalalaman,kalalaking tao.

Nakakadiri tong inaasta ko! Si Cassy lang nakpagpapagawa sa akin ng ganito eh!

"No,ayos lang ano ka ba! Salamat rin sa treat pasensya na hindi ko nadala yung wallet ko...don't worry,babawi ako next time."Nakangiting aniya.

"Ayos lang...pero sige,treat mo ko kapag may time ka hehe."Biro ko pa.

"Sure...sige pasok na ako,salamat ulit."Sabi niya.Kumaway naman muna ako sa kanya bago siya pagbuksan ng napakalaking gate nila.

"Ingat."Pahabol pa nito bago pumasok.

"I will..."I said at ngumiti.Iiling iling akong pumasok sa loob ng kotse ko at pinaandar ulit ito.

Nang biglang may tumigil na kotse sa harapan ng kotse ko.

"What the hell?!"Inis na sabi ko at inopen ang bintana at sinilip yung kotse.

"Hoy!"Sigaw ko pa.Maya maya nagtaka naman ako ng may lumabas na isang driver at binuksan ang passenger seat at iniluwa ang isang pamilyar na babae.

"Hey Ivan..."Sambit nito.Taka naman akong bumaba ng kotse ko.

"How do you know my name?"Kunot noong tanong ko.Ngumisi ito at tinanggal ang pagkalaki laking sumbrero sa ulo niya at ang glasses niya.Halos mapaatras ako ng makita ko ang mukha niya.

"A-Allisa?! What are you doing here?! b-bakit ka nandito?!"Gulat na tanong ko.

"Bakit parang gulat na gulat ka.I'm looking for someone at kilala mo kung sino ang tinutukoy ko.Where is he?"Tanong ni Allisa.I really hate this damn girl.

"Who?"I asked seriously.

"Come on,Ivan...magkakaibigan tayo--"I cutted her words.

"Dati...'DA-TI' yun,hindi na ngayon.Kahit kailan wala kang tinuring na kaibigan sa'ming anim! You're a demon! Sa tagalog demonyo ka!"Seryosong sabi ko at idiniin pa ang salitang dati.

"Don't be mean,Ivan.May pinagsamahan rin naman tayo kahit papano..."Ngisi pa nito.

"Wag mo nga akong matawag tawag sa pangalan ko.Nakakadiri kapag ikaw ang nagsasabi!"Inis na tugon ko.Di niya ako pinansin at tinignan lang ako.

"So,where is he?"Pag uulit niya.

"Wala akong maisip na dahilan para magkausap pa tayo,lalo na at sabihin ko kung nasaan kami nag i-stay ngayon at kahit kailan di ko babalaking sabihin sa iyo."Sabi ko at papasok na sana ng kotse nang magsalita pa siya.

"Fine! Wag mong sabihin sa akin.Mahahanap at mahahanap ko pa rin kayo---siya!"Pahabol nito pero di ko siya pinansin at pumasok sa loob ng kotse ko mabilis na pinaharurot yun.Isa pang baliw ang nagpakita! Agad kong tinawagan sila Lukas.

"Oh,napatawag ka?"Unang sumagot si Lukas.

"Bro,nandito na si Allisa."Sabi ko.Saglit pa siyang natigilan sa kabilang linya bago ulit magsalita.

"Tsk! Bakit nandito yung babae na yun?! Ano na namang plano nan? Hindi pa ba siya tapos sa atin? Paanong nandito yan?"Galit na tonong tugon ni Lukas.

"Kahit ako di ko alam,okay! Di rin ako makapaniwala!"Sigaw ko at mas binilisan pa ang pagmamaneho.

"Di ko alam gagawin ko ngayon,bro! Ganito na lang,kitakits na lang tayo sa bahay mo tutal ikaw naman ang may pinakamalayong bahay.Sige na,usap tayo mamaya at baka nakabuntot na sa akin tong babaeng to dito!"

"S-sige bro,ingat ka.Kita kita na lang tayo,ako na bahala mag-inform sa kanila."

"Sige,bro! Salamat."Sabi ko at inend ang call.Taena! Mahuhuli ata ako ng enforcer sa bilis ng speed ko.Paniguradong pati enforcer hindi ako mahahabol!

CASH POV

Nasa school ako ngayon at nakatambay sa rooftop.Medyo nainis kasi ako kay Ivan kanina,ang ganda ng mood ko sa paglalaro at tungkol sa kahapon tapos kakausapin niya ako tungkol kay Cassy.Halatang halata na nga siya,tamang tama pa hinala ko all this time.Get some fresh air here is nice nang biglang magring ang phone ko.

"Oh,what's up?"Takang tanong ko.

"Cash,bad news.Pumunta ka agad dito sa bahay ko mamaya."Sagot niya sa kabilang linya na ikinataka ko.

"Anlayo ng bahay mo,pwede ba sa bahay na lang ni Adrian or Ivan para mas malapit? Ano bang bad news yan,pwede mo naman atang sabihin ngayon dito sa phone."Sabi ko.

"No,Cash.Kailangan kasi dapat kompleto tayong kapag usapan natin ang tungkol dito."Sabi ni Lukas.

"About what?"I asked.

"Damn it,Cash! Just come to my house now at nang mapag-usapan na agad!"Sigaw nito sa kabilang linya.

"Ano bang problema?!"Inis na tanong ko.

"Damn it! It's all about Allisa,okay? Si Allisa,nandito siya ngayon sa Pilipinas!"Nabigla ako sa narinig ko.Di ako nakaimik agad.

"I'm on my way.Papunta na ako."Sabi ko at mabilis na bumaba ng rooftop at tumakbo sa parking lot na saktong nadaanan ko naman si Adrian.

"Oh? Nandito ka pala? Pauwi ka na,hintayin mo na ako,kukunin ko lang yung natitirang gamit ko sa locker."Sabi niya.

"There's no time for that.Let's go."Sabi ko at hinila pa ang braso niya.

"Huy bro,anong kabaklaan yan? Saan mo ko dadalhin."Biro pa niya.

"Wala akong oras makipagbiruan sa'yo Adrian. Nandito si Allisa sa Pilipinas at alam kong may plano at balak siyang gawin dito."Seryosong tugon ko.

"A-ano kamo?! Bakit nandito yung baliw na yun?! H-halika na! Saan ba tayo pupunta!?"Takang tanong niya.

"Sa bahay ni Lukas tayo.Kailangan nating pumunta dun ngayon,kotse ko na lang gamitin natin."Sabi ko.

"Ano pa bang itinatayo-tayo natin dito?! Halika na ah!"Sabi niya at dumiretso kami sa kotse ko at agad na sumakay at inistart ko ang engine at pinaharurot papunta sa bahay ni Lukas.

To Be Continue...

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now