MAS PINILI ANG MALI

37 2 0
                                    


Hindi ko lubos maisip na bigla mo na lang akong iiwan,

Ipinagpalit mo ako sa pansamantalang kalandian.

Mas pinili mo ang panandalian kaysa pangmatagalan,

Hindi mo man lang naisip ang ating matagal na pinagsamahan.


Darating ang panahon na maiisip mo na sana hindi mo ako niloko,

Na sana hindi mo sinira ang iyong mga pangako.

Na sana ako ang magiging ina ng mga anak mo,

Na laong sana hawak mo pa rin ang mga kamay ko.


Nasa tama ka nang tao pero mas pinili mo ang mali,

Nang iwan ka niya eh gusto mo na sa aking bumalik muli?

Tama nga siguro ang kanilang sabi-sabi;

Na laging nasa huli ang pagsisisi.

Mas Pinili ang MaliWhere stories live. Discover now