Wakas

238 72 126
                                    

Kasama ko ngayon ang girlfriend ni Jay dito sa coffee shop malapit lang rin sa campus namin. Sya naman talaga ang nag-ayang magkape kami kaya pinagbigyan ko dahil may sasabihin daw sya. Pero hanggang ngayon ay pareho lang kaming tahimik at nakikiramdam sa mga kilos ng isa't isa habang sumisimsim ng kape.

Actually, nagsisimula na nga akong mabagot dahil hindi ko alam kung may balak pa ba syang kausapin ako o gusto nya lang akong makasamang magkape.

"Ahem, ano nga pala iyong sasabihin mo?" Hindi ko na natiis na itanong sa kaniya sa sobrang pagkabagot.

"Gusto mo ba si Jay?" diretsahang sabi nya na ikinatigil ko.

"Ano bang tanong iyan?" sabi ko nang makabawi.

Baka mamaya pagsinabi kong may gusto ako kay Jay mag-ala kingkong sya sa galit.

"The truth is, I'm just Jay's cousin. I just really want to see your reaction when I will introduce myself to you as his girlfriend. And to tell you, your reaction was really epic," natatawang sabi nya na syang ikinagulat ko naman.

So, wala talagang girlfriend si Jay?

"Mabalik tayo. So, may gusto ka ba sa pinsan ko?" muling tanong nya.

"Bakit mo naman gustong malaman?" naghihinalang tanong ko pabalik.

"Because I just want to help. Alam kong may gusto ka sa pinsan ko, dahil nakita ko sa reaksyon mo noong nagpakilala ako sa'yo as girlfriend ni Jay."

Alam naman palang may gusto ako sa pinsan nya, tinanong nya pa. Pero naisip ko lang, bakit hindi man lang kumontra si Jay no'ng magkunwaring girlfriend itong pinsan nya?

"Good question. Kaya hindi sya kumontra sa'kin ay dahil wala naman syang dahilan para magpaliwanag sa'yo."

Nagulat ako sa isinagot nya sa tanong na nasa isip ko lang sana. Mind reader pala ang gaga.

"You know, it doesn't matter who will confess first. The purpose of confessing doesn't require feedback. It's just letting that person know about your feelings," makahulugang sabi niya; bago naglagay ng barya sa lamesa at iniwan akong nakatulalang nakatingin sa pwestong inuupuan nya.

'Di nagtagal ay tumayo na rin ako at lumabas ng coffee shop. No'n ko lang napansing umuulan pala ng malakas kaya namumroblema tuloy ako kung paano makakauwi. Wala pa naman akong dalang pera.

Sa huli, napagdesisyunan kong tumambay na lang muna sa labas ng coffee shop habang umaasang huhupa ang malakas na ulan. Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon, muli kong namataan si Jay sa kabilang gilid ng kalsada na may hawak na payong at matamlay na naglalakad.

"You know, it doesn't matter who will confess first. The purpose of confessing doesn't require feedback. It's just letting that person know about your feelings."

Biglang sumagi sa isip ko iyong sinabi ng cousin nya. Kaya kahit ang lakas ng ulan ay nilusong ko ito, makapunta lang sa kabilang gilid ng kalsada kung saan naglalakad si Jay.

Nang makalapit ng tuluyan sa kaniya ay agad akong humarang sa dadaanan nya.

Nagulat sya sa ginawa ko pero ngumiti rin nang makabawi.

"Hi?" Panimula ko na nginitian din sya.

"Bakit ka nagpapaulan? Iyan tuloy, mukha ka ng basang sisiw," sabi nya at kaagad akong isinilong sa payong nya. Pero wala namang silbi iyon dahil basang-basa na ako ng ulan. Kaya muli na lang akong bumalik sa harapan nya.

Paano ko pala sisimulan? Bahala na nga.

Nakita ko ang unti-unti nyang pagtataka sa ikinikilos ko kaya hindi ko na pinatagal pa. "Gusto kita," diretsahang sabi ko.

Kumidlat ng malakas, iyong tipong kidlat na napapanood sa mga horror movie. Kasunod niyon ay dumagundong rin sa tenga ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Tipong halos mahingal na ako sa lakas ng pagkakakabog niyon.

Nakita ko kung paanong sumeryoso ang ekspresyon nya sa mukha habang nakatitig sa'kin. Kaya ninerbyos ako at feeling ko pinagpapawisan ako kahit malamig naman ang paligid at basang-basa na ako ng ulan.

"Matagal na kitang gusto at.." Natigil ako sa pagsasalita dahil sa kaseryosohan ng ekspresyon nya sa mukha.

Galit ba sya dahil may gusto ako sa kaniya? O baka naman, hindi nya naiintindihan ang mga sinasabi ko sa kaniya?

Mukhang ito na talaga ang huli naming pag-uusap. Wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya pagkatapos nito. Tsaka, wala na naman akong dahilan na kausapin sya dahil nasabi ko na ang gusto kong sabihin.

Bumagsak ang mga balikat ko dahil sa pagkadismaya sa naging reaksyon nya lang. Hindi ko na itinuloy pa ang sasabihin. Unti-unti na akong tumalikod sa kanya at hinay-hinay na naglakad paalis. Pero hindi ko maitatangging mayroon pa rin sa loob ko na umaasang hahabulin nya ako.

Hanggang sa nadismaya ulit ako dahil hindi pa rin sya humabol kahit malayo na ang nalakad ko.

Parang tanga naman nito!

Papalapit pa lang ako sa gate ng bahay namin nang may biglang humila sa'kin sa braso dahilan para mapaharap ako dito. At gulat na gulat nang mapagtantong si Jay pala iyon na basa na rin ng ulan ang kabuuan at humahangos habang nakatingin sa'kin.

Hindi ako nakapagsalita sa sobrang pagkagulat at nanatiling nakatitig lang sa kaniya.

Sa puntong ito, gumagana na naman ang pagiging assuming ko na baka magtatapat na rin sya ng feelings nya sa'kin.

"Lyn," pagsisimula nya nang unti-unting maka-recover sa pagkakahingal.

"Bakit?" tanong ko habang taimtim na hinihintay ang mga susunod nya pang sasabihin.

Nang tuluyan na talaga syang makabawi mula sa pagkakahingal ay tumayo sya ng maayos at tumitig sa'kin ng seryoso. Maya-maya lang ay may kinuha sya sa bulsa nya at inabot sa'kin.

"'Pa-Panyo mo, nahulog mo kanina," sabi nya habang nakaabot sa'kin ang isang maliit na piraso ng tilang puti na pag-aari ko nga.

Muli na naman akong nadismaya. Akala ko magtatapat na rin sya. Assuming lang pala talaga ako. Dismayado kong kinuha ito sa kaniya.

Kainis! Bakit ba lagi na lang akong naga-assume pagdating sa kaniya?

Nang makuha ko na ang panyo ay nagulat ako nang bigla na naman nya akong hilahin sa braso at mahigpit na niyakap. " Gusto rin kita," bulong nya na tuluyang nagpatigil ng mundo ko.

Meant To Be SilaWhere stories live. Discover now