Maaga akong nagisimg dahil sa ingay ng alarm clock ko, alasais na pala ng umaga. Kelangan ko na kumilos para maagang makapasok sa eskwela.
Pag katapos kong maligo magbihis at magsuklay, uminom muna ako ng kape at tsaka umalis na ng bahay.
Medyo malapit lang ang aming bahay sa aking eskwela kaya nilalakad ko lang ito. Malapit nako sa school ng biglang may bumusina ng napakalakas
Aba! Kakaiba rin to ah, napakalaki at napakaluwag ng daan kelangan pa talagang bumusina ng napakalakas. grr
Hey, you! Bulag ka ba? Can't you see, na dadaan ako!? Sigaw niya sa'akin. At siya pa talaga ang may ganang magalit ah. Nakakainis ang isang to.
Hoy, lalaking akala mo kung sino! Hindi kaba makadaan!? Ha? Napakalaki at luwag oh! Singhal ko sakanya. Aba, kung akala niya na hindi ko siya papatulan. Nag kakamali siya.
Hindi mo ba 'ko kilala!?
Loko rin 'tong isang 'to ah. Anak ba siya ng presidente para dapat makilala!! Aba!
Lumakad nalang ako palayo, dahil wala akong oras makipag usap sa mga taong walang modo.
Habang nag lalakad ako, nakita ko nanaman ang mga babaeng napaka arte. 'kala mo naman mga sobrang ganda. tse!
Look who's here, buhay pa pala ang nerd na 'yan turo niya sa'akin. Aba! Nag sabado't linggo lang. Mamamatay na? Jusko...
Nilagpasan ko nalang din dahil alam kong wala naman akong mapapala sakanila. Sanay na akong ginaganon. Binubully, dahil sa itsura ko. May malaking salamin, mahaba ang palda tapos mahaba din ang medyas. Gusti ko lang naman kase yung komportable ako sa suot ko.
Samantalang sila, halos makita na ang mga panloob sa sobrang ikli ng palda. Hindi rin naman ganon kahaba ang buhok ko, sakto lang. Medyo malapit na sa bewang. Hindi rin ako pala tali ng buhok, dahil ayokong masyadong nakikita ang mukha ko. Nahihiya ako. Dahil hindi naman ako kasing ganda tulad ng iba.
Pag kapasok ko, andon na ang prof namin. Si Sir Pabustan
Ms Ferrer late ka nanaman, lunes na lunes! Sabi nito
Pasensya na po
Umupo ka na don, everyone. May ipapakilala nga pala ako sainyong bago niyong kaklase. May pumasok na isang maangas at gwapo na lalaki. Aba! Eto yung dahilan kung ba't na late ako ah.
Hmp, at kaklase ko pa talaga siya ngayon. Just wow!
Mr. Feerse, ipakilala mo ang sarili mo please. Sabi ni sir pabustan
Inirapan lang siya nung lalaki, at tsaka umupo sa tabi ko. Hell no! Gosh eto dito lang kasi sa tabi may bakanteng upun dahil nga ayaw nila akong katabi, at baka mahawa daw sa pag ka nerd ko.
Pag kaupo niya, nag lagay lang siya ng air pods. Jusko. Ang mahal mahal ng tuition dito tapos, hindi siya makikinig!? iss. Bahala nga siya.
Hindi ko nalang din nilingon pa 'tong suplado na to. Bahala siya. Malamang ay hindi rin naman niya ako napansin. May naririnig din ako na iilang sitsitan ng mga babae. Dahil nga syempre, gwapi at mukhang mayaman ang isang to.
Natapos na ang klase, at dumiretso muna ako sa library para mang hiram ng iilang libro, para sa mga assignments na ipapagawa sa'amin. Pag katapos kong makuha ang mga libro ay kaagad na akong dumiretso sa canteen para kumain. Nakita ko ang isang kaibigan ko na si Siz Cardashian, half american.
Nakilala ko nung binully ako nina Amber, Jeesie at Ayesha. Siya ang tumulong sa'akin. Mabait si Siz, maganda din. Matalino, at maraming mga lalaki na nag kakagusto sakanya.
Louuuuuuuuu namiss kitaaa :(( sabi niya sabay yakap sa'akin
Ano kaba hahahaha parang dalawang araw lang tayong 'di nag kita e. Eto talagang isang to hahahaha.
hay nako! Kumain na nga tayo. Libre ko! Sabi niya sabay hila sa'akin papasok ng canteen.
Kumain kami, at nag kwentuhan. May mga nabanggit din siya sa'akin na mga ginawa kiya noong sabado't linggo. Hindi kami mag kaklase dahil ibang strand ang kinuha niya. Bread and pastry ang tinake niya. Mahilig kasi siyang mag bake ng mga cupcakes. Minsan na kong nakatikim nito dahil ginawan niya ako.
Ay oo nga pala lou, balita ko kaklase mo daw si tyren? Tyren? Sino kaya 'yon, hmm. Ah siguro siya yung supladong lalaki kanina.
ha? Sinong tyren? Tanong ko, dahil hindi pako sigurado.
Duh! Si TYREN KLEIN FEERSE. ang pinaka gwapo, dito sa campus natin. Ang captain ball ng Red Jaguars
Sabi niya, na kinikilig pa. Ahh yon, di naman kasi ako masyadong nakikisalamuha sa iba. Kaya hindi ko masyadong alam ang mga ganon. Masyado kasi akong nag fofocus sa pag aaral.
Well, alam ko naman na may mga larong ganon dito, at team by team yon. Alam ko din naman na sikat ang red jaguars. Pero hindi ko alam sino ang mga miyembro non.
Nag patuloy lang kami sa pag uusap at, hindi na namalayan ang oras. Oras na pala para sa next sub.
Pag kapasok ko sa room ay puro discuss discuss lang, hmm. Hindi pumasok yung bago ah. Lunes na lunes nag cutting.
Pag katapos ng napaka-habang klase. Uwian naa. Dumiretso nalang ako sa pag lalakad at pag karating sa bahay ay agad ng natulog dahil sa pagod. Hindi na muna ako nakapasok sa pinapasukan kong part time.
Kaagad akong nakatulog ng hindi man lang namamalayan.
