Isang magandang umaga nanaman ang sumalubong sa'akin.
Ako nga pala si Louise Ferrer 17 years old. Grade 12. Mag isa na lang ako sa bahay, bata palang ako namatay na ang mga magulang ko dahil sa aksidente. Kaya nag sisikap ako para mapag aral ang aking sarili, wala akong kapatid. Medyo may kaya naman kami sa buhay kaso hindi 'yon sapat para sa pang araw araw ko at sa tuition. Tourism student ako, nag aaral sa Harvey university. Isa sa pinaka magandang school dito sa'amin. Doon ko napiling pumasok dahil andoon ang kursong gusto ko, ngayon ay tourism student ako. Estudyante sa umaga, nag papart time job sa gabi. May part time ako sa isang bar, waitress ako don.
Simple lang ang buhay ko, papasok tuwing mon-fri. Tapos mag hapon na trabaho sa sabado. At ang linggo naman, yun ang pahinga ko. Chill lang sa bahay.
Pero...
Nagulo na ang lahat simula nang may makilala akong isang babaero, famous, mayaman, gwapo na lalaki.
