Kabanata 18:Sakit Ni Zafira

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumaas ang kilay nito "Ahh naaalala ko na siya"anito na may nahihiyang ngiti" Pasensya ka na po hehehe. Uuwi na po ba tayo?"

"Ayus lang. Oo binibini, uuwi na tayo"

Sumakay na sina Ginoong Mordred at Zafira. "Ginoong Cepheus, sumama ka na samin dahil gusto kang makita ng Alkalde" saad ni Ginoong Mordred kaya tumango siya at sumakay sa karuwahe

Sa totoo lang ngayon lang siya nakasakay ng karuwahe dahil puro kotse ang nasa syudad na tinitirhan niya. Ngayon lang din siya nakapunta rito sa probinsya dahil sa kanyang kapatid na si  Sextans. Ito lang ang  close niya sa lahat ng kapatid niya dahil palagi silang naggagala kahit saan at ito ang sumasama sa kanya pagpupunta siya sa hospital.

PALAGING NAKANGITI si Zafira dahil para may kung anong nagpapangiti sa kanya. Nakarating na sila sa mansyon at sinalubong sila ng isang medyo matandang lalaki. Sino ito? Familiar sa kanya ang lalaki pero hindi niya maalala ang pangalan.

"Saan ka galing. Hydra?" tanong nito

"Sa.........." tinignan niya si Cepheus dahil hindi niya maalala kung saan sila galing. "Saan nga tayo galing kanina?"

"Sa parke"

"Ahhh oo sa parke po kami galing matanda" aniya

Kumunot ang noo ng matandang lalaki  "Anong tawag mo sakin?"

"Matanda. Hindi ko kasi maalala ang pangalan mo kaya pasensya" nainis siya rito kaya umalis siya

Dumiretso siya sa silid-tulugan niya at nag hinga. Dahil sa pagod, madali siyang nakatulog.

*****

BAGOT NA BAGOT si Zafira na bumangon sa kama. Para ring dinaganan ng malaking sasakyan ang katawan dahil sa hindi malamang kadahilanan. Paminsan-minsan may nararamdaman siyang kakaiba sa ugali niya. Nagiging makakalimutan siya, nagkakaroon siya ng mood swings at madali siyang mainis pero binalewala niya lang ito. Parating si Cepheus ang kasama niya nitong nagdaang araw at ito ang imiintindi sa mga mood swings at pagiging nakakalimutin niya. Sa kabilang banda, hindi parin siya naaalala ni Sextans at habang patagal nang patagal, pasakit nang pasakit ang nararamdaman pero buti nalang nandiyan si Cepheus para damayan siya. Pinayuhan siya nito na huwag munang makipagkita kay Sextans para hindi siya masyadong masaktan.

Bumababa siya sa at ang una niyang nakita ay ang inaama niya at si Cepheus na seryosong nag-uusap. "Magandang umaga sa inyo!" nakangiting bati niya rito

Tungkol pala noong nakalimutan niya ang inaama at tawaging matanda, para siyang nakapatay ng tao dahil sa parusa nito. Ikinulong lang naman siya sa kwarto ng dalawang araw. Walang pagkain at walang tubig. Maski si Cepheus ay walang magawa para palayain siya.

Seryosong tumingin ang inaama niya sa kanya "Halika mag-usap tayo"

Kumunot ang noo niya "Tungkol po saan?" tanong niya habang umuupo paharap sa kanyang inaama.

"Babalik na si Cepheus sa syudad at gusto kong sumama ka sa kanya" anito

"Bakit po?"

"Gusto ko kasing patignan ka sa isang espesyalista dahil nag-aalala ako sa mga pagiging makakalimutin mo nitong nagdaaang araw"

Tumango lang  siya dahil tama ang desisyon nito, kailangan niya na talagang magpatingin sa isang doktor para malaman ang dahilan ng kanyang pagiging makakalimutin. Walang sinasayang na oras ang inaama niya kaya ngayon ang alis nila. Nag-imapake na siya at napagpasyahan niyang manatali sa iniwan niyang mansyon sa syudad pagnarating na siya. Gusto niyang malaman ang kalagayan din ng mansiyon nila ng mga magulang niya at gusto din niyang makita ang nanay niya- si Lhacerta.



Nagmahal Sa Maginoong ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon