Si Ninong (Parts 1 & 2)

Start from the beginning
                                    

Nagulat daw si ninang kasi tahimik na nagse-cellphone daw si Kyle habang naglalaro si Jasper. Lumapit daw siya kay ninong at tinanong kung ano ang problema, kalma niya naman daw siyang sinagot ni ninong na may hangover daw siya. Ilang araw daw ang lumipas na parang palaging balisa daw si ninong. Minsan daw kausap niya pa nang maayos pero bigla siyang iiwan na parang hindi siya nito nakita.

May isang gabi nga daw na tulog na sila ninong at ninang sa kwarto nila. Nagising daw si ninang dahil wala sa tabi niya si ninong, tinignan niya daw kung nasa cr pero wala kaya lumabas daw siya ng kwarto pero wala rin hanggang sa lumabas siya ng bahay at nagulat na lang daw siya ng makitang nakatayo sa harap ng pintuan si ninong, wala naman daw hawak na stick or espada pero parang nakikipagpaluan or nakikipagespadahan ang pwesto ng kamay na winawasiwas sa ere. Sobrang takot na takot daw si ninang non kaya tinawagan niya yung kapatid ni ninong at nagpatulong siya para maipagamot. Nag-suggest daw yung kapatid ni ninong na dalhin muna sa albularyo o manggagamot kahit na ang gusto ni ninang ay sa Doctor o Psychiatrist na dalhin. Pumayag naman daw siya, hanggang sa ang sinabi ng albularyo na nanggagamot kay ninong ay nakulam daw ito, na baka daw sa pagkain o inumin inilagay ang lason kung bakit ganoon ang nangyari kay ninong. May mga binigay at ipinainom daw na kung anu-anong gamot kay ninong, mga halamang gamot. Naging maayos naman daw ang kalagayan ni ninong, nakakausap naman na daw nila ulit nang maayos at bumalik na sa pagtatrabaho.

Ngunit makalipas lang daw ang ilang linggo, parang bumalik na naman daw sa dati si ninong. Bibihira na naman daw itong kumain at madalas ay natutulala, kung hindi pa tatapikin o kakausapin ay parang hindi pa daw babalik sa wisyo. May isang araw daw na naglalaba si ninang sa labas ng bahay at pinababantayan niya kay ninong yung nga bata na naglalaro sa loob ng bahay nila. Maya-maya daw, umiiyak na yung bunso nila at takot na takot na tumatakbo palapit sa kanya, nagsusumbong na si Kyle (panganay na anak) daw ay binubugbog ng papa nila. Agad naman daw pumasok si ninang ng bahay at inawat si ninong, iyak daw nang iyak si Kyle at takot na takot sa tatay niya. Tinanong niya daw si ninong kung anong nangyari pero ang sagot daw ni ninong ay pinagtatawanan siya ng mga anak niya. Kinausap niya daw ang mga anak niya pero ang sagot nila ay tahimik lang daw silang naglalaro. Kahit si ninang daw ay natatakot na kay ninong. May isang gabi pa daw na nagising na naman si ninang nang madaling araw at wala si ninong sa tabi niya. Narinig niya na bukas ang gripo sa cr nila kaya inisip niya na baka umiihi lang pero wala pang ilang minuto, nagulat siya kasi may tumatawa daw sa loob ng cr, as in ang lakas-lakas daw ng tawa. Agad daw siyang pumunta sa cr at nakita niya si ninong na basang-basa ng tubig at bahang-baha na sa cr nila.

Marami pang kinuwento si ninang na nakakatakot at may mga nakakatakot na nangyari rin sa ilang linggong pag-stay namin sa bahay nila ninong. Masyado nang mahaba kaya sa susunod ko na lamang ikukwento kapag may pagkakataon. Salamat po kung sakaling mapo-post ito.

Part 2

Mahaba pa po yung mga napagkwentuhan namin nila ninang at tinanong ko po siya kung napatignan na ba nila sa Paychiatrist si ninong kasi kahit ako nahalata ko agad na there's something serious in my ninong's case.

Nung nagpagamot daw sa albularyo si ninong tapos gumaling naman and bumalik ulit yung nangyayari sa kanya, nag-consult na talaga sila sa Psychiatrist nung 2018 at dinala nila si ninong sa mental hospital para ipa-confine at mapainom ng medicine regularly. Naging okay naman daw ulit si ninong then after 6 months lang yata, pinauwi na si ninong at dinala na siya sa Cavite kung saan doon nakatira yung parents nya para daw mabantayan lalo at masuportahan ng mga gamot kasi ang trabaho ni ninang noon ay nagtitinda ng mga ulam at iba't ibang products, si ninong talaga ang maganda ang trabaho pero dahil sa nangyari sa kanya, nalubog sila sa utang.

Going back, after 6 months sa mental, gumaling daw ulit si ninong at doon na siya tumira sa Cavite kasama yung parents niya, palagi naman daw bumibisita doon sila ninang kasama yung mga bata kahit na takot na kay ninong.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now