Chapter 9

11 2 0
                                    

                    Chapter Nine

Arlyn P.O.V

        Maingat nitong tinanggal ang ribbon sa kahon saka tinanggal ang takip. He beamed when he saw the necklace. Nakaemboss ang letrang "B" sa gitna nang pendant at sa likod niyon ay ang larawan nilang dalawa.
" Wow! Arlyn, this is too much. " Bulaslas nito. Nagpalipat lipat ang tingin nito sa pendant at sa kanya.

Natawa siya sa hitsura ni brad. Kinuha niya ang necklace dito at tinanggal ang pagkaka-lock niyon.
" Lapit ka, " Utos niya rito na bantulot na lumapit sa kanya. Ipinalibot niya ang kanyang mga braso sa leeg nito saka kinapa ang lusutan ng lock. Noon niya napansin na iilang pulgada na lamang ang distansya nang kanilang mukha.

Hindi naman siya dapat maasiwa subalit bigla siyang na-conscious sa sobrang pag kakalapit nila. Pinigilan niyang huminga at minadali ang pag lock sa kuwintas. Ngunit nataranta siya kaya lalong hindi niya iyon maisara. Gusto na niyang magmura sa inis sa sarili.

Nang sa wakas ay nai-lock na niya ang necklace , agad siyang dumeresto ng upo. Ganoon parin ang pwesto nito. Nakayukong tinitingnan ang pendant nito. Nang mag angat ito nang tingin ay nginitian siya nang matamis.
" Thank you really. "
" Youre wel-----" Naputol ang sasabihin ni arlyn nang lumapit ito nang husto sa kanya at binigyan siya ng mabilis na halik sa mga labi. Namula ang pisngi niya dahil ito ang pangalawang halik na iginawad nito sa kanya. Ang bilis ng tibok nang puso niya.
" Its just a thank you kiss. " Balewalang sabi nito at bumaba na ito nang sasakyan. Nasaktan siya sa sinabi nito. Ngunit ngumiti siya rito ng peking ngiti.

Pinagbuksan siya ni brad ng pinto at inalalayang makababa. Iginaya siya nito papasok sa restaurant. She was delighted with the place. Hindi close wall ang restaurant at greek-inspired ang design sa loob niyon. May veranda pa iyon sa gilid kung saan tanaw na tanaw ang taal volcano at lake. " Ang ganda! "
" Im happy that you like it. " Nginitian niya si brad ng pasasalamat. Dapat siya ang mag so-surprise dito dahil ito ang may kaarawan , subalit ito pa ang nag paradam sa kanya na siya ang espesyal sa araw na iyon.

Nang may lumapit na waitress sa kanila upang tanungin si brad kung may reservation sila ay ibinalik niya ang tingin sa paligid. Subalit biglang nag laho ang sayang nararamdaman niya nang may makita siyang isang pamilyar na mukha. Natuptup niya ang kanyang dibdib, sigurado siyang hindi siya pinaglalaruan ng kanyang paningin.

Nakita niya ang kanyang ex na si harold na may kasamang maganda babae. Kinapa niya ang dibdib kung may nararamdaman pa siyang sakit nang makita ito. Ngunit nabigla siya sa natuklasan niya sa kanyang sarili na naka move on na siya. Tinignan niya ang dahilan kung bakit siya masaya ngayon. Si brad.

Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kanya. Mukhang nakita narin nito si harold.

(Im thankful cause Jesus never forget me...감 사 핲 니 다..)

Brad And The Social GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon