Chapter 5

14 2 1
                                    

                    Chapter Five

Brad P.O.V

        Napatiim bagang siya nang makitang umiiyak ang babaeng mahal niya. Sinabi nang kambal kung ano ang nang yari kay arlyn. Niyakap at inalo niya ito, nalungkot siya nangyari rito.

" Shhhh.. Hindi kita iiwan, ano man ang mangyari. " Aniya rito.

Binantayan niya ito mag damag, pinag papahinga siya nang magulang nito ngunit hindi siya umalis. Gusto niyang siya ang unang makita nito pagmulat ng mga mata nito.

Nagising siya nang maramdaman niyang may humahaplos sa pisngi niya. Nagmulat siya nang mata, sumilay ang ngiti sa labi niya ng makitang gising na si arlyn.

" Hey what do you feel. "

" Para kang baliw, syempre ayos lang ako. " Nakangiting tugon nito. Ngumiti siya dahil alam niyang ayos na ito.

" Alam mo dapat mag shopping tayo kasama sina camille, payag ka ba?. " Wika nito.

" Yup. Tawagan ko na sila ha. " Aniya.

Tumango ito tinawagan niya ang barkada para samaan sila. Pumayag ang mga ito.

" Lets go. " Sabi nito. Nagtataka niya itong tinitigan.

" Hep hep di ka pwedeng umalis na ganyan ang suot mo. " Sabi niya habang tumatawa. Nakasuot kasi ito nang t-shirt na nakalagay pa si winny the pooh sa harapan. Sumimangot ito sa kanya.

" Hmmf dont mock at me brad!. "

" Hindi naman kita tinatawanan eh. " Nakangiting sabi niya. Pinisil niya ang ilong nito.

" Sige na mag bihis ka na. Naghihintay na ang mga iyon sa atin. "

" Okay. "

Arlyn P.O.V

        Nang makarating sila sa kingdom mall ay sinalubong sila nang kaibigan nila. Pinag usapan nila ang kasal nina chesca nang may maalala siya.

" Hey brad. Thanks nga pala sa binigay mong gift kina mom and dad." Pasasalamat niya rito. Hindi siya makapaniwalang na mag bibigay ito nang mahal na gift sa magulang niya. Kuripot kasi ito. Hehehe

" Wala yon baby hahaha. " Tuwang tuwang sabi nito.

Pumunta sila sa palaruan nang mall, kumanta sila at nag laro nang basket ball, tawa siya ng tawa dahil hindi marunong mag shoot sina camille at angelika. Inaasar niya ang mga ito at hindi siya nag kamali maasar agad ang mga ito. Maswerte siya dahil mayroon siyang kaibigan katulad ng mga ito.

        Ngayon ang araw nang kasal ni chesca at thorne. Gaganapin ang pag iisang dibdib nang mga ito sa beach resort sa batangas.

Maraming tao ang nag tungo sa simbahan para ipakita ang pagsuporta ng mga ito sa pag iisang dibdib nina chesca.

Napakaganda ni chesca sa suot nitong pangkasal.

Nang matapos ang kasal ng mga ito ay tumungo sila sa reception nang mga ito.

Ngayon papalapit sa kanya si brad. Hinagod niya ito nang tingin. Napaka gwapo nito sa suot nitong amerikana lalong tumingkad ang ka gwapuhan nito. Namula ang kanyang pisngi nang titigan siya nang mataman ni brad.

" Goodness! How could anyone looks so good everytime?. " Bulong niya sa isip niya. Her heart just could'nt stop beating fast now at kagagawan lahat iyon ni brad.

" Hi darling you are so lovely. " Sabi ni brad. Namula siya sa sinabi nito.

" Talaga lang ha. ? " Kinakabahang usal niya.

" Of course. " Anito.

Tinawag na silang mga kababaihan para saluin ang flower na hawak nang bride.

" Kunin mo ang flower para sa akin. " Nakangiting sabi nito.

" Okay, kunin mo rin ang garter ha. " Ganti niya rito.

Nasalo niya ang flower. Paanong hindi niya masasalo eh siya lang ang pumila na sasalo sa flower wala siyang ka agawan. Nakasimangot niyang binalingan ang bride na si chesca. Nag peace sign lamang ito at tinuro ang kambal. Napaungol siya nang ito pala ang plano nang mga ito at siya ang malas na napag tripan nang mga ito. Nag kibit balikat na lamang siya. Nasa kanya narin naman ang flower eh. Ngumiti siya kay brad nang makita ito, pinakita niya ang flower dito. Nakikipag agawan ito sa mga kasama nito nagawa nitong saluin ang garter na hinagis ng groom. Tinawag nang host sa kasal ang nakasalo sa flower at sa garter, tinukso sila ng mga kaibigan nila. Pinaupo siya sa upuan na nakalaan para sa nakasalo ng flower.

" Ngayon handsome ang gawin mo ay ipaloob mo sa binti niya ang nasalo mong garter. " Anang host kay brad.

Pinasuot nito ang garter sa binti niya. Napaigtad siya nang dumampi ang palad ni brad sa makinis niyang balat.

" Higher..."

" Higher..."

" Higher..."

" Higher... " Sigaw nang mga kaibigan niya.

" Higher daw honey. " Sabi nito. Namula ang mukha niya. Tumibok nang napakabilis ang puso niya. Napahawak siya sa tapat nang puso niya. Tinitigan niya ang nakangiting mukha ni brad. Ang gwapo nito sa paningin niya. Hindi kaya tama ang hinala niyang in love siya sa best friend niya. Nagtaka siya dahil hindi siya nasaktan sa panloloko sa kanya ni harold ay dahil hindi niya ito minahal hindi tulad ni brad mahal niya ito bata pa lamang sila. Naghiyawan ang mga tao nang tapos na nitong ilagay ang garter sa binti niya.

" Request naman. " Sabi nang kambal na si kristel kinakabahan siya sa ngisi nito.

" Ano naman yon beautiful girl?. " Sabi nang host kay kristel.

" Pwede bang halikan ni brad sa pisngi si arlyn. " Sabi nito.

" Oo naman kasama talaga iyon pag may kasalan. " Tinignan sila nang host. " Kiss youre bride. " Dugtong nito. Hindi siya handa sa gaanong bagay bumaling siya kay brad nagulat siya nang dumampi ang labi nito sa mga labi niya. Nagkahiyaan pa sila nang mag hiwalay ang labi nila. Ngumiti ito sa kanya at pinisil ang pisngi niya kaya napangiti na rin siya. Ito ang araw na hindi niya makakalimuta.

( yuhooo...natapos ko na ang chapter na to hehe thanks God..

Hintayin nyo po ang next ud ko thank u God bless...)

Krisniel1524

Saranghae..<3

Brad And The Social GirlWhere stories live. Discover now