I heard someone chuckled kaya kunot noo akong nagmulat ng mata at diretso ang mata ko kay Evan na nakangiti at napapailing. Napakurap kurap ako. Tinignan ko kung saan ako nakaupo and I gulp at agad na napatingin ulit sa mukha niya. Biglang uminit ang aking pisngi nang dahil sa posisyon namin. Nakatulog pala akong nakapatong sa kanya. And now I am sitting in his... Uhm... Basta down there niya. And I can feel his hardness. Napalunok ulit ako. My breathing became deep at saka naramdaman ko ang  mabilis na pag iinit ng katawan ko.

"Uhm..." Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. At agad agad akong umalis doon. "Pasensiya na nakatulog ako sayo. S-sige." Sabi ko at dali daling pumunta sa may banyo ko. Napatampal ako sa noo ko! "Damn! Why does my body reacts so fast?!" Inis na tanong ko sa sarili ko. Napahawak ako sa tapat ng puso ko.  Ramdam ko na naman ang pagkalakas lakas na tibok nito.  Napabuntong hininga na lang ako. Pero nagulat ako noong may kumatok sa pintuan ng CR. Napamura ako ng dahil doon.

"Bruha, bumaba ka na mamaya. You need to eat. Tanghali na." Sabi niya, narinig ko na lang ang papalayo niyang mga yabag. Tinapik tapik ko ang aking dibdib.

"Kalma ka lang ha heart. Galit kapa sa kanya. May problema pa kayong dalawa." Pagkakausap ko sa aking puso. Damn! How I hate this! Namimiss ko na din ang maglambing sa kanya. Yung mga cuddle time naming dalawa. I really miss those. At saka bakit ba parang gustong gusto kong amuyin siya.
Napabuntong hininga nalang ako. Ang hirap ng sitwasyon ko.

Inayos ko na ang sarili ko at bumaba na. Nadatnan ko siya sa kusina na inaayos ang mga niluto niya. Tanghali na talaga. Its already noon. Kaya pala ginising na niya ako.

Nginitian niya ako noong mapansin niya ako. Kinunutan ko siya ng noo and keep a stern face.

"Kain ka na. I ordered this dahil wala ng time pa para magluto." Sabi niya na nakangiti na parang nininerbiyos. Why is he here by the way?
Kunot noo parin ako  habang umupo sa upuan na inadjust niya. Tinignan ko ang mga nakahandang pagkain dun. Umuusok pa iyong sinigang na nasa malaking mangkok at meron pang chapseuy. Every dish is a filipino cuisine. Pero yung sinigang ang gusto kong kainin. Kumulo ang tiyan ko. Umupo na din siya sa isang upuan. Gaya lang noon, yung parang at home na at home siya sa bahay ko at parang wala kaming problema.

Bakit niya to ginagawa?

Hindi ko muna masyadong inisip yon at inuna muna ang nag aalburuto kong tiyan. Im hungry, nagsandok na ako ng kanin at nilagyan yung maliit na mangkok ng sinigang and started to eat. Ganun din siya.

"Bakit ka nga pala nandito?" I ask him. Halatado sa boses ko ang pagtataray. Natigilan siya sa pagsubo at saka niya ibinaba ang kutsara at mataman niya akong tinitigan. He sigh.

"I told you, that I will come back into your life." Sabi niya sa akin. "At sinabi ko din sayo that don't make me leave dahil hindi ko gagawin yun." Seryosong sabi niya. "And besides kailangan mo ng kasama dahil sa kalagayan mo." Sabi niya and he continue eating. Mas lalong tumaas ang aking kilay. Siya yung nakasakit pero bakit parang masdominant siya sa akin. Hindi ko talaga siya maintidihan.

"Are you only doing this because Im pregnant?" Tanong ko.

"No. Let's talk later on. Kumain ka muna." Sabi niya sa akin at sinandukan niya ako ng gulay sa aking plato. Seryoso na din ang mukha niya. Ayoko! magtatanong ako dahil baka makaligtaan ko na naman hanggang sa hindi ko na maitanong sa kanya.

"Alam ba ni Renee na nandito ka? Baka may masabi siya ayoko naman na-"

"Siera." He said in his warning tone.

"What?" Pagtataray ko sa kanya. " as I was saying ayoko naman na ako yung lumabas na mang aagaw dito." Sabi ko sa kanya. Napapikit siya ng mariin at saka huminga ng malalim.

Bikini Try On (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz