Napaiwas ako ng tingin, hindi malaman kung ano ang isasagot sa kanya.

"Pero huwag po kayong mag-alala, marami naman po kaming mag-aasikaso sa inyo rito kaya hindi niyo kailangang umalis kaagad. Oo nga po pala," nagmamadali siyang umalis sa tabi ko kaya nagmadali rin ako para sundan siya.

Hinintay ko siyang lumabas sa isang kwartong pinasukan. Sa paglabas niya ay kumunot ang noo ko ng makita ang hawak niyang isang itim na box.

"Ipinabibigay nga po pala ito ni Sir Asher," Tulala ko iyong tinanggap. "Ang sabi niya po ay tatawag na lang siya diyan at huwag raw po kayong aalis dahil may aasikasuhin lang siya."

Tuluyan na akong natulala sa latest na iphone na naka-sealed pa at sa asul na sim card na aking hawak.

"Is he coming back soon?" tuliro ko pa ring tanong na ipinagkibit niya ng balikat.

"Wala po talagang nakakaalam kung kailan siya babalik," sinundan ko siya pababa sa grand staircase. "Sabi ko nga po, hindi na pumupunta 'yon rito. Noon pa naman ay madaling na siyang narito pero nang pumanaw ang girlfriend niya ay hindi na talaga bumalik."

Marami pa sana akong gustong itanong ngunit nawalan na ako ng pagkakataon dahil sa pag-ibis namin patungong kusina.

"This way po." she said politely guiding me to the dining area.

I was greeted by two other maids before a man stood up from sitting comfortably at the center of a long marble dining table.

Mabilis akong nagpaskil ng ngiti at nahihiyang binati ang matangkad at matikas na lalaking nakasuot ng magarang suit, like he was about to go to the office. Mas lalong kumabog ang puso ko.

"Good morning, Mr. Tan..." lumapit ako sa kanyang gawi at tinanggap ang kamay niyang agad na inilahad.

"It's nice to meet you, Hija..."

"Zydney, my name is Zydney Jianlin, Mr. Tan."

Nakita ko ang agarang paghinto niya ng marinig ang sinabi ko.

"Of Shunde Conglomerate?" namamangha niyang tanong na agad kong tinanguan.

"Yes, Mr. Tan." I answered hesitantly.

Hindi dahil ayaw kong pag-usapan ang malaking negosyo ng pamilyang pinanggalingan ko kung hindi dahil noon pa man ay wala na talaga akong amor sa business world.

Kuminang ang mga mata niya at hindi naitago ang excitement at tuwa sa pagkakilala sa akin. Of he knew me because he is in the business world. My family is something public too. Isang click lang sa internet ang history ng pamilya ko ay naroon na ang lahat ng lehitimong detalye kung saan kami nagsimula.

The family's business started when my great grandfather invest in a small courier service with only nine employees. It started in Guangdong China, nagta-trabaho pa ito noon sa isang dyeing manufacturing company when they had problems with long shipping delays kaya naisipang pasukin ang shipping service. With only just two years of the business, my great grand father employed over half a million people. Hindi doon nagtapos ang paglago ng negosyo at yaman ng pamilya ko, being swamped with riches became their only goal. My grandfather, my great grand father's only son, invested in real estate, e-commerce and much more leading my father to be in charge of the Jianlin's legacy... that soon, will be passed to me.

"It's a pleasure to meet you, Zydney," aniya nang makaupo na kami. "It's uncommon for me to meet someone who came from an unreachable clan but I'm more surprised that Asher came home yesterday with someone... With a girl."

Nahihiya akong napayuko.

"We're just friends, Mr. Tan," mabilis kong sagot kahit na wala namang masyadong judgement sa tono niya. He was just laying facts but I'm too defensive. "I'm his deceased girlfriend's cousin."

The Bachelor's Vices ( TBS 3  - Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon