KABANATA XLVIII:ANG BAGONG HARA NG LIREO

Comincia dall'inizio
                                    

PAOPAO:Dumating na ang araw na kinatatakutan ko Lira,na baka mawala ka sa akin

LIRA:Di ba nangako tayo sa isa't-isa na kahit na anong mangyari ay walang magbabago sa relasyon natin?

PAOPAO:Oo ngunit sa loob ng maraming taon ay may posibilidad na baka magbabago aking pagtingin mo sa akin.

Hinawakan ni Lira ang kanyang magkabilang pisngi.

LIRA:Paopao kahit na anong mangyari ay hindi magbabago ang pagtingin ko sa iyo tandaan mo iyan.

PAOPAO:Paano kung..

May sasabihin pa sana siya ngunit pinutol siya ng dalaga.

LIRA:Huwag tayong mag-isip na kung ano ano diyan ang importante ay mahal natin ang isa't-isa.

Sa gitna ng kanilang paguusap ay hindi nila namamalayan na nakikinig lang pala si Amihan sa kanila sa kabilang sulok ng Azotea ilang segundo lang ay lumapit siya sa dalawa.

AMIHAN:Diyan lang pala kayo bumalik na tayo sa loob.

PAOPAO:Kanina ka pa po dito?

AMIHAN:Hindi naman,ngunit may narinig akong konting parte ng inyong usapan di naman na nangingialam ako sa relasyon niyong dalawa ako ano man ay meron kayo ngayon ay huwag na huwag niyong bibitawan

PAOPAO:Avisala eshma po sa payo Ate Amihan.

LIRA:Pumasok na po tayo sa loob baka hinahanap na tayo doon.

Ilang oras nakalipas ay nagsibalikan na ang mga Hara,Rama,Rehav,at Diwani ss kanilang kanya-kanyang kaharian maliban sa pamilya ni Danaya sapagkat sa Nathaniel na sila maninirahan.

SA PINAKAILALIM NA PARTE NG BALAAK

EMRE'S PROVERBS

Naisipan kong magtungo sa balaak upang balaan si Ravana tungkol sa kanyang masamang hangarin laban sa mga Diwata parte man ito sa kanilang pagsubok ay hindi ko pa rin nanaisin na may buhay na masayang ng dahil lang sa mga Bathalumang walang ibang nais kundi pumaslang.

RAVANA:Avisala Emre daang taon din na hindi tayo nagkita,bakit ka napadalaw dito?!Nandito ka ba upang parusahan ako?

EMRE:Nagtungo ako dito upang balaan ka tungkol sa iyong planong paghihiganti!

RAVANA:Bakit Emre natatakot ka ba na baka mapaslang ko ang mga pinakamamahal mong mga diwata?!(Sabi niya sa mapangutyang tono)

EMRE:Hindi ako natatakot,sinabi ko palang sa iyo ngayon na hindi ka magtatagumpay!

RAVANA:Tingnan lang natin kung sino ang matitira!

At nag-ivictus ako pabalik ng Devas.

KINAGABIHAN

KAHARIAN NG LIREO

LIRA'S PROVERBS

Nasa dating silid ako ngayon naghahanda para sa seremonya na magaganap kinakabahan ako na ewan iba talaga kapag sa iyo na isusuot ang korona pagkat sa iyo nakasasalay ang kaligtasan at kinabukasan ng buong Encantadia at nakita kong pumasok si Mira.

MIRA:Handa ka na bang maging maging Reyna bessy?

LIRA:Sa katunayan bessy hindi ko alam kung handa na ba talaga ako.

MIRA:Bakit naman?

LIRA:Alam naman natin bessy na kapag Reyna ka konting pagkakamali mo lang pwede ng ikapahamak ng lahat ayaw na ayaw kong mangyari iyon.

MIRA:Masasanay ka rin niyan promise.😁

LIRA:Wow supportive ha.. 😑

MIRA:Joke lang iyon ang seryoso mo kasi!😊(hinawakan niya ang magkabilang kamay ko)Alam mo Lira nasa iyo na ang lahat ng katangian ng isang Reyna at sigurado ako na magiging maganda ang kinabukasan ng buong Encantadia sa iyong pamumuno.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora