Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)

Start from the beginning
                                    

Hello guys. Kumusta? It's me, Cassiopeia.

Grade 6 na kami ni Mara nang may nag-transfer sa klase namin from Manila. Sa lugar namin, bihira lang magkaroon ng transferee from Manila. Probinsya kasi medyo malayo sa City. Kailangan ka pang bumiyahe ng 2 hours papuntang siyudad. Magaan ang loob ng mga classmates ko sa kanya. Maganda sya, maputi at palangiti. Sobrang maaliwalas ang mukha nya. Siya yung tipong happy-go-lucky lang. Siya si Alyana. First day palang ng klase namin pero marami na syang naging kaibigan. Habang kausap niya ang isa kong classmate ay nahuli kong seryosong nakatingin si Mara kay Alyana. Yun bang parang kinikilatis niya ito. "Hoy, bakit ganyan ka makatingin kay Alyana? Hindi naman siguro sya multo, diba?" Tumatawa pa ako habang nagbibiro sa kanya. Aware na kasi ako sa third eye thingy nya. "Cass, anong tingin mo kay Alyana?" Tanong niya sakin pero seryoso pa rin syang nakatingin dito. "Normal naman sya sa tingin ko. Ikaw lang naman ang abnormal dito. Hahaha joke lang friend. Love pa rin kita." Tawa lang ako ng tawa. Kasi naman, ang seryoso ng mukha ni Mara. Parang ang tingin nya kay Alyana ay isang naliligaw na kaluluwa dito sa mundo. "Cass, parang may mali akong nararamdaman sa kanya. Iba yung aura nya." Napakunot ang noo ko kaya nilingon ko si Alyana. Sa tingin ko okay na okay naman ito. Wala akong makitang problema. "Mag-ingat ka sa kanya Cassie. Iba talaga ang kutob ko sa kanya." Hindi ko nalang sinagot si Mara pero nakatatak talaga sa isipan ko ang mga sinasabi nya. Biglang may nabuong plano sa utak ko. Kailangan kong obserbahan si Alyana. Kailangan kong malaman kung ano ang iba sa kanya.

2 weeks na ang nakalipas, wala namang maling nangyayari. Mas lalong dumami ang friends ni Alyana. Pati mga lower grades naging friends na rin nya. One time, sabay kaming pumasok ni Mara sa comfort room. Katatapos lang naming kumain ng lunch nun kaya maghuhugas kami ng kamay. Nasa pintuan pa kami pero napansin kong parang natigilan si Mara. Napaatras pa sya ng konti. Ramdam kong nakakita na naman sya pero wala akong idea kung ano ang nakikita nya. Base sa mukha nya parang sobrang takot ang nararamdaman nya. "Mara, okay ka lang?" Hindi nya ako tiningnan. Hindi rin nya ako pinansin (pareho lang talaga sila ng crush ko hindi namamansin). Hinawakan ko ang balikat nya "Hoy, anong nangyayari sayo? May nakikita ka na naman ba?" Kahit di ko nakikita ang nakikita nya sa loob ng comfort room ay natakot na rin ako. "Huwag mo nang pansinin yan. Wala lang 'yan." Pinapakalma ko si Mara. Kahit natatakot sya at pati na rin ako natatakot na din, pumasok pa rin kami. Kung may makakita lang samin sa loob ng comfort room, siguro matatawa sila. Ang laki naman kasi ng comfort room pero magkadikit kami ni Mara. Nagmamadali akong maghugas ng kamay. Tatalikod na sana ako pero bigla akong napatili habang nakatingin sa salamin na nasa harap ko. Jusko naman! Bigla naman kasing sumulpot sa tabi ko si Alyana. Pakiramdam ko parang gusto nang lumabas ang puso ko sa gulat. "Sorry kung nagulat kita." Jusmiyo! Sobrang gulat talaga ako. Tiningnan nya si Mara. "Alam kong nakikita mo sya kaya ganyan nalang ang reaction mo." Napataas ang kilay ko. Ano kaya itong mga pinagsasabi ni Alyana? Tiningnan ko si Mara. Nanginginig pa rin sya habang nakatingin kay Alyana. "Kahit gusto mo man silang iwasan, susundan at susundan ka pa rin nila." Napakunot ang noo ko sa mga sinasabi nya. "Oy, huwag mo ngang takutin si Mara." Grabe naman ang babaeng 'to. Kita na ngang takot na takot si Mara, tatakutin pa. "Bakit ko pa tatakutin si Mara kung nakikita naman nya ang kinatatakutan nya?" Kinilabit ko si Mara pero hindi ako pinansin (okay, pareho talaga sila ni crush, hindi namamansin). "Alam kong nakikita mo ang nakikita ko ngayon, Alyana" Napatingin ako kay Alyana dahil sa sinabi ni Mara. Hala may third eye din si Alyana? OMG! Hindi sinagot ni Alyana si Mara. Tumingin lang sya sakin at ngumiti. Oh my God! Alam kong maganda sya pero bakit ang creepy ng ngiti nya? "Anong tingin mo dito sa loob ng comfort room, Cassiopeia?" Nagtakang nilibot ko ang paningin ko sa loob ng comfort room. Ayos naman. Wala akong nakitang problema. comfort room pa rin naman. "Gusto mo bang makita ang nakikita ni Mara sa comfort room na 'to?" Kinabahan na ako ng bongga. Idagdag pa sa sobrang creepy na ngiti nya. "Alyana, huwag mong gawin yan kay Cassie. Huwag mo syang idamay." Nalilito na talaga ako. Hala anong nangyayari? Bakit ganito kung makapagsalita si Alyana? Saka pansin ko lalong natatakot si Mara pagdating sa presensya ni Alyana. May alam ba sya tungkol kay Alyana? "Ano ka ba Alyana? Hindi ka naman siguro multo, diba?" Nakangiti lang sya sakin. Kinakabahan times two na talaga ako ng dahil sa kanya. Pakiramdam ko ibang Alyana itong kaharap ko. Nakakatakot ang mga ngiti nya. Bigla nyang hinawakan ang braso ko. Nagulat naman ako sa ginagawa nya. "Tumingin ka sa paligid mo." Ako naman itong si uto-uto, sinunod rin ang iniutos nya. WTF!!! Waaaaahhh! Napatili talaga ako ng bonggang-bongga. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang babaeng nakalambitin sa harap ko. May nakataling makapal na lubid sa leeg nya. Ang dulo ng lubid naman ay nakatali sa kisame. Maluha-luha na ako sa kasisigaw. Mahaba ang buhok ng babae na hanggang beywang, nakasuot ito ng parang uniform ng teacher. Sobrang putla ng balat nya na naging kulay gray na sa paningin ko. Gusto kong himatayin nang makita ko ang itsura nya. Nanlilisik ang mga mata habang nakalawit ang dila nya. Ayoko na talaga! Iyak ako ng iyak nung dumating ang mga teachers, classmates, schoolmates, manong guard pati na rin si Mr. Principal. Binitiwan na ni Alyana ang braso ko. Pinalabas kaming tatlo sa comfort room. Umiiyak lang ako habang tinatanong ako ng principal at class adviser ko tungkol sa nangyari. Hindi ko magawang sumagot sa kanila. Nararamdaman kong niyakap ako ni Mara. Sobrang nanginginig ang katawan ko sa takot. Feeling ko lumalabas na talaga ang puso ko sa katawan ko. Pinasundo ako ng mga magulang ko. Sinabay ko na rin si Mara dahil alam kong takot pa rin sya kahit hindi man nya sabihin sakin.
Nilagnat ako kinagabihan. Hindi ko magawang matulog ng maayos. Kada pikit ko ng mga mata ko, parang nakikita ko pa rin ang pagmumukha ng babaeng nakabigti sa loob ng CR. Kung makatulog man ako, mapapanaginipan ko pa rin yung babae. Iyak ako ng iyak. Sinabi ko sa mama ko ang nangyari. Pinapatahan lang nya ako. Ilang buwan ko ring napapanaginipan ang babaeng yun. Mula noon, hindi na ako pumapasok sa CR na iyon. Iniiwasan ko na rin si Alyana kahit ilang beses na syang humingi ng sorry sa akin.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now