"Ang akala ko ba ay si Rozen ay may gusto kay Coreen and the feeling is mutual?" Nagtaas siya ng kilay.

Napawi ang ngiti ko at napatingin sa kanya. "Well, iyon ang sinabi niya. I believe him, though. I know he's probably in hysterics when he told me that but he looked sure and happy."

"Kaya ba mukhang Biyernesanto naman ang isang iyon dahil iniwan ni Rozen?" Tanong ni Everlyse sa akin.

Well, I don't really care at all kaya imbes na ipagpatuloy ko ang pag uusap namin ni Everlyse ay nakisali na ako sa mga kantyaw nila doon sa lalaking mga gwapo ngunit mukhang bisexual.

"Not that it's wrong to be a bi... sayang lang talaga." Iling ni Wella.

"Marami namang gwapo riyan na hindi bi. Ang dami. Why don't you take a look at our high school yearbook. Ang dami nila at puro successful na ngayon." Usal ni Mara.

"Mas maraming successful at guwapo sa mga nag daang batch pa sa atin." Dagdag ni Aubrey. "Rozen Elizalde, Stefan Cruz, marami!"

"Sinong hindi magiging successful? They own those business!" Giit ni Thea. "Kung talagang pinahawakan lang ni dad sa akin 'yong negosyo namin ay tiyak na naging maganda na rin ang takbo ng buhay ko."

"Thea, kaya mo namang maging successful without depending on anything or anyone." Ani Wella.

Sumarap ang aming usapan tungkol sa mga nangyari sa iilang kakilala namin. Maraming nabanggit na iilang kilala ko at ngayon ko lang napagtanto na marami pala talagang nag bago.

"Mabuti pa itong si Meg, paniguradong kanya ang Moon Records." Lingon ni Thea sa akin.

Umiling agad ako. "My mom and dad won't trust me with their business. Maniwala kayo. Ni ayaw nila akong humawak ng kahit ano. My lines in Digital Communications and Media, may koneksyon naman pero iba parin talaga pag magaling sa business ang humawak. Kaya naman sigurong matutunan iyon."

"Ah! Those kind of parents! Alam ko na iyan. I heard pahirapan din daw bago nakuha ni Ysmael 'yong kompanya ng dad niya." Tango ni Wella.

Ngumuso ako. "Ysmael?"

Napatingin sila sa akin. Kahit hindi nila sabihin ay alam kong may naaalala sila tungkol sa aming dalawa ni Ysmael. It may be short lived but I'm sure they still remember.

"Oo, si Ysmael Aboitiz. Hindi ba ay nanligaw iyon sa'yo, Meg?" Nagtaas ng kilay si Wella.

Ngumuso lang ako ng patuloy at nag isip. Ayaw kong kumpirmahin ang tanong niya.

"Well, Spanish 'yong daddy niya, hindi ba. Malaki 'yong business nila and you know, he's the only child pero pinahirapan parin. Parang ikaw lang din siguro." Tango ni Wella.

Naiwala namin ang usapan na iyon nang biglang mas dumami ang tao sa bar. May iilan na kaming mga kakilala. Nagulat pa nga kami at may grupo ng college girls na may dalang banner para sa Zeus, nasa harap na sila at mukhang handang handa na para sa gig na ito.

"Malaki na ang fanbase nila, no?" Nangingiti namin silang pinapanood.

Naaalala namin ang mga sarili namin sa kanila. May nilingon sila sa likod at nakakabinging hiyaw na ang bumalot. Tumigil ang pop music sa stereo at napalitan ng mas mahinang trance. Nilingon ko ang pintuan ng resto bar at una kong nakita si Joey na nakikipag apir sa mga taong malapit sa pintuan.

Worthless (Published Under MPress)Where stories live. Discover now