Chapter 2: The Meet up

853 19 5
                                    

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

bakit kaya ang sama ng tingin ng mga babae sa akin

sniff... sniff.......snifff

Bat ang bango naman ng pader.. expected na ba nilang mababangga ako dito??

"Hindi ka pa ba tapos?"

O___O namamaligno ba ako? Bakit nagsasalita ito? Unti-unti akong tumingala para malaman kung pader nga ba ang nabangga ko. And WATDAPAK MOTHAAA!! Hindi padeer kundi...

"Ano tititig ka na lang ba?" Medyo inis at cold niyang sabi.

Hell bakit ang gwapo nito? Ang puti nya grabe tapos ang tangos ng ilong. At higit sa lahat ang pula ng lips nya.

"ANO??"

Napa ayos ako ng tayo ng sumigaw sya. Eeh sakit sa tenga.

"Grabe ang kapal naman ng mukha nya"
"oo nga, di naman maganda"
"I know right"

Yan nanaman sila. Bulong dito, bulong doon. Rinig ko po mga ate. Hellooo!! -_-

"Tss such a waste" sya sabay lakad paalis habang nakalagay ang mga kamay nya sa bulsa.

Eeeh ang cool nya puu Amp..

Ang tangkad nya pa. Ang kinis din Lels xD.

nasa gitna ako ng pagnanasa ko kay kuyang pogi ng...

Boooogshh

"Araaaaay" marahas kong tiningnan ang nambatok sakin. Nabangga na nga nabatukan pa? Huhu T__T

"Anong kabaliwan yun Skye Ramirez?"

Tiningnan ko yung nambatok sakin and Oooh ang aking oh so great best friend pala. Habang nakataas ang isang kilay at nakapameywang pa.

"Anong sinasabi mo dyan? At bakit ang taray mo?" Balik tanong ko sa kanya. Nagsimula na din kaming maglakad papunta sa room namin.

Tiningnan nya ako na parang di makapaniwala. Ano bang problema neto?

"Ang pula ng lips niya" she said dreamily habang papikit pikit pa. Bigla naman siyang tumingin sa akin at nagroll eyes.

Tumigil ako sa paglalakad at tinitigan sya ng nakakunot ang noo. Di yata madigest ng utak ko yung sinabi nya.

After 72947163826462 years

"Waaaah" shiit of paper from paper tree. Sinabi ko ba talaga yun? Sa isip ko lang yun ah.

"Best.. sinabi ko ba talaga yun?? Sa isip ko lang yun best e." Sabi ko sa kanya. Malay mo jinojoke lang ako neto e.

"Hello? Rinig ng sambayanang Pilipino tapos sa isip mo lang? Joke mo ba to?" Mataray nyang sabi sakin.

"Best, alam kong makalaglag panty at bra yung si Blue, isama mo na ang panga at mata. Pero pwede bang magpakipot ka kahit konti?" Sabi niya

"Eh malay ko bang masasabi ko ng malakas yun?" Katwiran ko

"Tss. Bahala ka. Ang dami pa namang fangirls nun. Patay ka tingnan mo oh." Itinuro nya yung mga babaeng masamang nakatingin sakin habang nagbubulungan.

"Hayaan mo sila. Mamatay sila sa inggit.. tsaka di ko na naman siguro makikita yung supladong mukang palaka na yun nuh."

Nagkibit balikat na lang sya tsaka kami nagpatuloy sa paglalakad. Pagdating namin sa room namin ay wala pang teacher kaya dumiretso kami sa likod at nagkwentuhan.

Oww.. By the way, high way, siya nga pala ang best friend ko, si Zia Sabrina Morente. Unlike me, maganda sya at sexy. Famous din sya sa school at teacher's pet,  kaya nga di ko alam kung bakit ako ang binuburaot netong bruhang to.

Kung itatanong nyo naman kung famous ba ako? Oh c'mon ako? Si Skye Ashley Ramirez?? Hindi famous? You must be kidding me.. Hahaha -_-

Ako lang naman ang paboritong ibully ng mga estudyante dito. Lagi akong laman ng clinic at guidance office dahil sa mga pambubully na yan. At alam ba to ng nanay ko?? Syempre hindi. Ayaw kong mageskandalo si Mama dito sa school. Grabe pa naman ang pagka maldita nun. At lalo na sa kuya ko, baka mawalan ng trabaho lahat ng teachers at principal dito sa school pag nalaman nya yun. Kaya WAG NA LANG.

"Good Morning, Mam Marcel" nagulat ako ng biglang tumayo si Zia pati na rin ang mga kaklase ko at sabay sabay na bumati sa nasa unahan. At dahil sa tulala ako ay di ko napansin si Mam na pumasok na pala sa room namin.

At kung sineswerte nga naman ako ngayon nakita ako ni Mam at sinita.

"Ms. Ramirez, do you have something to say?" Mataray nitong tanong. Pansin nyo lagi na lang ako tinatarayan ng mga tao dito? Ganyan ako kakawawa sa school na to. Tsskkk.

Tumayo naman ako at bumati.

"Good Morning Mam. Sorry po" sabay yumuko pa ako ng onti para muka akong korean. Hehehe

"Looks like your mind is flying somewhere Ms. Ramirez. Care to share?" Ngumiti na lang ako kay Mam. Tsismosa naman neto. Sauce ko.

Uupo na sana ako ng may pumasok sa room namin. Nakalagay sa bulsa niya ang mga kamay niya habang naka pokerface. Familiar ang pose nya e. Pansin nyo?

Waiit... si ano to e. Si....

"Good Morning Blue!!! " bati ng mga kaklase ko sa bagong dating. Wala naman siyang reaction. Pokerface parin.

Suplado talaga neto. Tama kayo si Blue. Yung nabangga ko kanina at nasabihan ko daw ng ANG PULA NG LIPS NYA!! Ang saya lang diba??

Tumingin ako kay Zia sabay tingin din kay Blue. And there, ang sama ng tingin nya sakin. Nakilala nya yata ako.

Mag-iiwas na sana ako ng tingin ng mahuli ng mata ko ang ngiti nya. Pero wait.... wag kayong kiligin.. huhu dahil ang ngiting yun ay nakakatakot. Parang may masama siyang balak sakin. .

Napalunok naman ako ng tuloy tuloy...

Help me.. Bestie? Kuya? Save me pleaseee >.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Happy Reading ^.^ Lels..

Hi nga pala kay Bby Tea :*

~Urur33

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms. Panget meets Mr. SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon