Chapter Two: Oh my G.

Zacznij od początku
                                    

Hindi siya nakapagsalita.

"Ba't hindi ka makapagsalita? Kasi tama ako, 'di ba? Paulit ulit lang 'yung cycle natin. Akala ko nga hinihintay mo lang na ako ang bumitiw kasi noon kahit ano'ng gawin mo hindi ako bumibitiw sa iyo, pero ngayong ako na 'tong nakipaghiwalay ayaw mo naman akong iwanan. Ano ba'ng problema mo, John? Hindi pa ba sapat 'yung mga naranasan ko sa iyo? Ano pa ba ang gusto mo sa akin?"

Huminga ako nang malalim at saka pinunasan ang mga luhang kumawala na sa mata ko. Sabi ko nang dumating ako dito hindi na ako iiyak, pero ano na naman 'tong ginagawa ko? Umiiyak na naman ako dahil sa pesteng lalaki na 'to.

"Ilang beses ko pa ba kailangang umiyak nang dahil sa iyo, John? Minsan naiisip ko na wala nang lalabas na luha, pero maisip lang kita at 'yung mga pambabalewala mo sa nararamdaman ko. 'Ayan, o. Automatic na silang lumalabas. Parang nga silang running water na nanggagaling sa bundok. Walang tigil. Hindi nauubos."

"Liezl?"

Sabay kaming napatingin sa tumawag sa akin.

"Are you alright? Why are you crying?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kuya Shaw at saka siya lumapit sa akin. "What happened?"

Mabilis na pinunasan ko ang mga luha ko. "Kuya Shaw, kailan ka pa dumating?"

"Kanina lang, I was calling you but I can't reach you. Are you alright?" Tumingin siya kay John. "Hobby mo talaga ang paiyakin si Liezl, 'no? Kailan ka ba magsasawa?" inis na tanong niya.

"Huwag mo nga akong igaya sa iyo, Shaw. Alam natin pareho na mas malala ka sa 'kin," walang ganang sagot naman ni John.

Akmang kakantiin na ni Kuya Shaw si John, pero pinigilan ko siya. "You should leave," sabi ko kay John. "Ayaw na kitang makita pa ulit."

LUMABAS ako sa balcony ng bahay nila Ate. Hindi ko kaya ang ka-sweet-an nilang dalawa. Lampungan dito, lampungan doon. Parang walang ginawa si Kuya Shaw. Parang hindi siya pinabayaan nitong manganak ng mag-isa. Parang hindi siya binaliwala nito. Parang walang nangyari sa kanila.

Pareho sila ni John. Pareho silang hindi marunong mag-stay sa isang babae. Kahit nand'yan na si Ate Beth, naghahanap pa rin siya sa iba. Siguro ang pinagkaiba lang nila ay si Kuya Shaw ay nagbabago na kahit papaano at si John ay gano'n pa rin.

Hindi na ako aasa na magbabago pa siya. Hindi na ako aasa na may pag-asa pa. Kahit sabihin ko man ngayon na wala na akong nararamdaman para sa kanya, alam kong magsisinungaling lang ako. Pero alam ko namang mawawala rin 'to. Hindi na 'to magtatagal dahil itatatak ko na sa kukote ko na wala na talaga.

Naningkit ang mata ko nang makita ko si John sa puno sa harapan ko. Papasok na sana ako nang pigilan niya ako.

"Wait! Hindi ako umakyat sa puno na ito para lang baliwalain mo," sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi mo ba naintindihan 'yung sinabi ko kanina? Tagalog naman 'yon at nakakaintindi ka naman ng tagalog."

"Liezl, I'm really sorry. I'm sorry for neglecting you. I'm sorry for not reaching out. I'm sorry for everything I did. I'm such a fool. Please, take me back. Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa akin kung wala ka," seryosong sabi niya. "Take me back."

"Take you back? Tingin mo dahil sa humingi ka na ng sorry, na super late na, okay na? It's not enough, John. At noong sinabi ko na tapos na tayo, tapos na. Ayaw ko na. Tama na."

"I promise that I will do everything if you will take me back. Lahat gagawin ko. Lahat ng gusto mo gagawin ko. Just take me back. I love you, Liezl. You're the only person that I love. Alam mo naman 'yon, 'di ba? Ikaw lang ang babaeng mahal ko. Ikaw ang unang babaeng sinabihan ko ng I love you, ikaw ang unang babaeng pinakilala ko sa family ko because I'm so damn serious about you!"

"Wow!" Napapalakpak ako dahil sa narinig ko sa kanya. "You are so damn serious about me? Oh my G. Is that right? Is that what you said?" Tumango-tango siya. "Really? So, ang pagiging seryoso mo pala ay ang mambabae. Kasi 'yon 'yung nakita ko o pinakita mo sa akin nitong nagdaang tatlong taon na in relationship ka sa akin."

"Kanina mo pa sinasampal sa akin na nambababae ako, napatunayan mo na ba 'yan? For God sake! Hindi kita niloko! Ikaw lang talaga ang babae sa buhay ko. I'm an artist, Liezl. All girls are all over me. Hindi ko kasalanan na sila ang lumalapit sa akin."

Na-speechless ako sa mga sumunod na narinig ko sa kanya. Gusto ko siyang sabunutan kung malapit lang siya sa akin. Ang kayabangan niya ay hindi nabawasan. Nagdadalawang isip na ako ngayong kung seryoso ba siya sa pag-so-sorry niya o ginogoyo na naman niya ako.

Napailing na lang ako sa kanya at tinalikuran na. Papasok na sana ako sa loob nang may narinig akong bumagsak. Patingin ko sa puno wala na si John kaya nataranta ako at napatingin sa ibaba.

"John!"

The Cliché: Only Learned Bad ThingsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz