CHATTING: 21

1.2K 52 2
                                    

[A/N: This chapter contains sexy scene/mature content, which is not suitable for young readers.
—MrGlensWP]


Burnokz POV:

Kasalukuyang naka upo ako ngayon sa bangko dito sa waiting shed. Ilang minuto na akong naghihintay dito ngunit hindi pa rin dumadating ang taong hinihintay ko. Sabik na sabik na akong makita ang taong palagi kong nakaka chat. Palaging kumakausap sakin.

Bumuntong hininga ako at itinuon ang atensyon sa screen ng aking cellphone, hinihintay ang chat ni Mr. Anonymous.

Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit wala ni isang tao akong nakikita. Mga sasakyan lamang ang nagkalat sa paligid.

Tumayo ako at pinagpag ang aking puwetan. Nag inat pa ako ng ilang beses at napahikab pa ako ng ilang ulit.

~~~~~

Mr. Anonymous:
Nandito na ako sa likod ng waiting shed.
Teka ikaw ba yang nakatayo?
Yung nakatalikod?

Burnokz:
Oo ako nga 'yon. Teka nasaan ka ba?

~~~~~

Inilibot ko ang aking paningin hanggang sa mahagip ng paningin ko ang isang lalakeng nakatayo malapit sa nakaparadang kotse. Nakatitig sakin na para bang hindi makapaniwala at mukhang natuod na sa kanyang kinatatayuan.

Ganun din ako ng makita kung sino ang nasa aking harapan. Pumikit pa ako ng ilang beses para siguraduhin na hindi ako na mamalik-mata. Hinilot ko pa ito ng ilang beses ngunit pag mulat ko. Sya at sya pa rin ang lalakeng nasa harapan ko.

Bigla na lamang binalot ng kaba ang aking dibdib. Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko. Nanlamig ang aking mga palad.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari.

Hindi ko inaasahan na sya ang lalakeng palagi kong ka chat.

Napangiti ako ng mapakla habang nakatitig lamang sa lalakeng papalapit sa kinatatayuan ko.

"Burnokz?" -Sya

"Mr. Anonymous?" -Ako

"Pinsan?" -Ako

"Pinsan?" -Sya

"Teka, ikaw ba talaga si burnokz?" Takang tanong nya sakin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Pakiramdam ko umurong ang aking dila. Nawalan ng lakas ang aking bibig upang ibuka para mag salita.

Nanlambot bigla ang aking tuhod at paki wari ko'y mabubuwal ako sa aking kinatatayuan.

"Hoy! Joseph, ikaw ba talaga si burnokz?" Salubong ang kilay na tanong nya. Pinantaasan nya pa ako ng kilay at sinuri ang buo kong katawan. Pinasadahan ako ng tingin mula paa hanggang ulo.

Wala akong lakas ng loob para sagutin sya kaya ibinigay ko sa kanya ang aking cellphone.

"Potaena!." Mura nya nang makita nya ang conversation namin. Sa loob ng ilang buwan. Hindi ko man lang nalaman na si Mr. Anonymous at si justin ay iisa.

Mr. Anonymous (chatting) [COMPLETE]Where stories live. Discover now