Chapter(11): True Feelings

2.3K 89 0
                                    

Danielle Breel's POV(Dareel)...

"Dareel paabot naman nung remote."utos sakin ni Gab kaya kinuha ko ang remote sa coffee table at inabot sakanya.

Nandito kami ngayon kila Stan, as usual. Naglalaro kami ng mobile legends, as usual den. At bukas ang TV kahit na walang nanonood, as usual parin yon.

"Tang*na mo ka! Gago!"sigaw ni Jasp kaya nakatikim sya ng batok galing kay Eliza.

"Makamura ka ah!"sigaw den nito.

Kita ko ang sakit at pagpipigil sa mukha ni Jasp. "Ano lalaban ka?!"

"Wala naman akong sinabi ah!"sabi ni Jasp at nagpatuloy na sa paglalaro.

Lahat kami ay gulat na napatingin sa pinto ng pabalibag iyong bumukas. Pumasok si Shane na galit na galit. Binuhat nya ang maleta nya at walang ano ano ay binalibag sa gawi namin.

"Damn it! I've been calling you all for a day and yet you didn't answer! What the fvck are you doing?!"galit na galit na sigaw ni Shane.

"S-Shane, easy ka l-lang."sabi ko sabay tago sa likod ng sofa ng kunin nya ang flower vase at akmang ibabato na naman.

"Shaniah."mariing sambit ni Shane.

"Ano bang problema mo?! Muntik na kong tamaan ng cheap mong maleta."maarteng sabi ni Aly.

Nagulat kaming lahat ng walang ano ano ay ibato ni Shane ang flower vase sa gawi ni Aly. Buti nalang ay mabilis na tumakbo si Dex at sinalo iyon.

"Lahat kayo lumabas! Maiwan kayong mga lalaki kayo!"sigaw ni Shane pero walang kumilos sa mga babae. "Don't let me count or else..."

"Psh! As if naman na may magagawa ka."sabi ni Aly sabay irap.

You're making things worst idiot!

"One."nagsimulang magbilang si Shane kaya tumakbo na sina Eliza, Coleen, Joan, Leesa at Rosé. Wala si Trish at Blake kasi wala na sila.

"Two."

Oh no!

"You'll not gonna like this. Three!!"sigaw ni Shane saka lumapit kay Aly.

Hinawakan ni Shane ang paa ni Aly at iniangat ito dahilan ng pagkakasaldak ni Aly sa tiles. Si Shane naman ay parang wala lang na hinila si Aly kahit na nagsusumigaw iyon at naglulupasay na. Hindi namin inaasahan ang sunod na ginawa ni Shane, binato nya si Aly sa labas ng walang pagaalinlangan.

"Stay there, or better yet, stay out and never come in."sabi ni Shane saka malakas na sinara ang pinto.

Nung lumingon sya ay nagtago lang kaming lahat sa likod ng sofa maliban kay Dex na sobrang lapad pa ng ngiti.

"Dre baka gusto mo pang mabuhay?"sarkastikong ani ni Jasp.

"I'm ready to die."nakangiti paring ani nito at umupo pa ng padekwatro.

Lumapit samin si Shane. "Get out of there."

Walang ni isa ang gumalaw samin. Ramdam ko ang takot ng bawat isa sa amin. Kakaiba nga naman kasi ang kaseryosohan ni Shane ngayon. Kala mo kaya nya kaming patayin.

The Gangster's Princess: Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now