CHAPTER 47 ~ Hermes ~

110K 1.7K 45
                                    

CHAPTER 47

FIERCE'S POV

Nag-inat ako ng bumaba na kami mula sa van. Sumakit ang likod ko dahil hindi ko na napigilan yung antok ko kanina. Buti na lang hindi ako pinabayaan ni Cloak na kung saan lang sumandal.

Nakayakap siya sakin sa buong durasiyon ng biyahe. Buti na lang..kung hindi baka kung saan-saan ako gumulong gulong. ang bilis pa namang mag maneho ni Craige.

"HELLO WOOOORLLLD!"-thea

"Quiet."-craige

kumuha ng dalawang malaking box si Craige at parang wala lang na binuhat niya yon papasok. Inambaan siya ng suntok ni Thea ng nakatalikod na siya pero napatigil din siya at umakto na nag e-exercise ng biglang lumingon si Craige.

"get a box Althea and hurry up."

"Yes, sungit- boss!"

naningkit yung mga mata ni Craige pero tumalikod na lang siya at pumasok don sa Orphanage. Nagdadabog na bumuhat ng dalawang box si Thea at nagulat ako ng katulad ni Craige ay parang wala lang na binuhat niya yon.

Samantalang may laman na mga can goods at kung ano-ano pa na mediyo mabigat yon. Ibang kalase din si Thea minsan..parang amazona na ewan.

bubuhat na sana ako ng box ng biglang mawala yon sa kamay ko. Tinignan ko yung kumuha...si Cloak. Umiling siya at binuhat saisang kamay yung box na hawak ko kanina. Yung isa niyang kamay ay hinawak niya sa kamay ko.

"Cloak..."

"Hindi ka pwedeng mag buhat ng mabigat."

"but-"

"no buts."

The Camp: His Secret Agent Apprentice (Book 2)Where stories live. Discover now