CHAPTER 42 ~ Very Soon ~

110K 1.7K 48
                                    

CHAPTER 42

FIERCE'S POV

Nagising ako ng maramdaman ko na may humahaplos sa pisngi ko. Hindi lang ako nag mulat kaagad ng mga mata dahil inaantok pa talaga ako.

Pero ng maramdaman ko na may humahalik na sa pisngi ko..sa noo..sa talukap ng mga mata..sa labi...napamulat na ako. Baka may nanghahalik na sakin na hindi ko kakilala.

makakapatay talaga ako-

...

...

"Cloak?"

ngumiti siya sakin. Inilibot ko yung paningin ko. Ang alam ko napilitan akong bumalik sa kwarto ko non..napagalitan pa nga ako ni Tita Sage at kinabitan narin ako ng dextrose dahil nilagnat ako.

pinalitan narin yung gauze ng sugat ko.

Kaya nakakapagtaka kung bakit ako nandito. At hindi lang yon...pinagdikit yung hinihigaan ko sa kaniya para magkatabi kami. Itinaas niya yung kamay niya at inihaplos sa pisngi ko.

"Good morning, angel."

"M-Morning..."

nanglaki yung mga mata niya ng nakita niyang unti-unting naluluha yung mga mata ko. Hindi lang kasi ako makapaniwala...naaalala ko pa yung takot ko kahapon.

yung pakiramdam na akala ko wala na siya...I dont want to feel that way again. Ayoko ng maramdaman yung hirap na naranasan ko kahapon.

"Angel?....shhh. Nandito na ko."

hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan. Ngumiti ako sa kaniya at pinahid ko yung luha ko. Tama..nandito na si Cloak...hindi na siya aalis ulit.

The Camp: His Secret Agent Apprentice (Book 2)Where stories live. Discover now