Introduction

6 0 0
                                    

December 31, 2018

Tunog ng kampan ang patuloy na bumabatingawngaw sa pandinig ko, madilim, napakadilim, maraming tao, nagkakagulo sila, maging ang paring kanina'y nagmimisa ay napuno din ng takot at tumakbo paalis ng pulpito. Hindi ko na ininda ang sakit ng tama ng bala sa kaliwang binti ko, binilisan ko ang pagtakbo...sa isip ko..."..di ako mamatay ng di nakukuha ang first kiss ko"

Namamanhid na ang katawan ko, nangangatog ang tuhod ko...unti unti na ring nawawala ang pandinig at paningin ko, hindi na ko mamimili ng gwapo. Eto na to, kumapit ako sa balikat sa harap ko, pinihit ko siya, binuhos ko ang buong lakas ko...tuluyan kong pinikit ang mga mata ko at idinampi ang labi ko sa estranghero sa harap ko.

December 22, 2020

"Kala ko patay na ko, nagulat ako nakadilat pa ko tas nakita ko si mama, papa at Grey sa harap ko."

"Alam mo Tin, isa lang masasabi ko...lande mo teh! Eh kung inuna mo sanang humingi ng tulong baka di ka pa nalumpo!" - Shayne (Gay friend ko), nagtawanan ang mga kaklase namin, napaisip ako sa sinabi niya, hanggang ngayon di ko parin matanggap itong sinapit ko...ang volleyball na passion ko, memory nalang dahil lumpo na ko.

"Shayne, be sensitive enough, know what to say and not." - Olivia (Smart friend), napatahimik lahat kahit na yung mga boys na apakaiingay.

Kita sa mukha ni Shayne na naguilty din siya sa sinabi niya, pag talaga nag English na si Olivia tiklop na siya😂

May biglang nagbukas ng pinto ng room at binalibag pasara

**************Boogsh***************

"Stop whatever you're doing na walang kaugnayan sa subject ko and go back to your proper seat now! Mainit ang ulo ko, don't try me." - Sir Keith.

Padabog pang nagsibalikan sa kanya kanyang upuan ang mga kaklase ko, naudlot nanaman kasi ang paglalaro namin ng spin the bottle. Ngayon sleeping time nanaman with our Media and Information Literacy (MIL) subject teacher na laging may period.

-----------------------3:40pm-------------------------

"Uy sis, pasensya na kanina ah...lamo na kasi naman ikaw eh hahahahahaha" -Shayne habang naglalakad kami pauwi, actually siya lang naglalakad kasi tinutulak niya lang ang wheelchair ko.

Malapit lang naman yung bahay naming tatlo dito sa school. Si Oliva lang talaga yung kailangan pang sumakay ng tricycle dahil napakatamad maglakad kaya siya nananaba eh, pero maganda siya, maputi, mahaba ang buhok lagi nga lang nakabraid kasi daw buhaghag pag nakalugay siya. Si Shayne naman gwapo sana, katamtaman lang ang tangkad, maputi, at isa siya mga beking namumutok ang abs at muscles sa edad na 18 years old, imagine diba!!

Mas malapit ang bahay nila Shayne pero hinahatid niya muna ko samin pauwi, pano nalang talaga life kung walang mga gantong kaibigan hays.

"Teh, pwede favor?minsan lang...tignan mo di pa yan papayag oh." Sabi ni Shayne with blinking eyes at pacute pa. "Stay muna ko dito sa inyo, oks lang?"

"Oks lang pero bakit muna? Siguro nagkakacrush ka na sakin no? Ano? Aminin mo?" Biro ko sa kanya habang dahan dahang nilalapit ang mukha ko sa mukha niya.

Natulak niya ko bigla, sakit din sis. "Kadiri ka teh! Mga naiisip mo, ang halay mo! Huhuhu." napakaOA ng reaksyon niya, may pahimas pa sa dibdib niyang parang pinagsamantalahan."...kaya nga ayoko pang umuwi kasi for sure si Kimmy nasa bahay nanaman..sinabi ko ng di kami talo eh, idunno what to doooo."

Natawa nalang ako sa kanya, Ewan ko ba dito kay Shayne, magjowa sila dati ni Kimmy, isa sa mga "famous" sa Smosh High. Then that day na nakabalik ako dito samin after that incident, wala na sila tas beki na siya pero atleast naging close kami.

Naalala ko tuloy ulit yung gabing yun, nagpilit akong umalis ng bahay non kahit tutol sila mama at papa para makipagkita sa lalaking kachat ko sa neargroup for 5 months na nung mga panahong yun. Nung nagising ako sa ospital, hinanap ko agad yung cellphone ko, chineck yung neargroup ko....the last message na nakalagay sa chat ng lalaking yun na hindi ko man lang alam ang pangalan ay...

Hindi ka nagpunta, I waited so long. Maybe we're not meant for each other, Goodbye my mistery girl.

END CHAT

"Huy! Hahaha lutang ka nanaman teh." si Shayne nanamang tawang tawa pa sa pagkakatulala ko.

"Ang ingay mo..umuwi ka na kaya." pagsusungit ko sa kanya.

"Ay attitude ka sis ah" sabi niya tas naglakad lakad sa bahay namin, kinakalikot mga gamit namin. "Ano to Court? Pwede ba tong hawakan??"

"Waaag!"at nahawakan niya na nga. WAAAAAAH...



______________________________________

THANK YOU FOR READING
LOVE YOUUUU.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mission: Find Mister First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon