I.

18.8K 351 71
                                    

Di ko alam kung anong gagawin.

Patuloy ako sa pagtakbo sa hallway dito sa building ng College of Social Sciences. Maya't maya akong titigil, magtatago, sisilip muna at sisiguraduhin kung mayroon bang kung sino o ano sa dadaanan o sa papasukang room.

Pumasok ako sa isa. Ni-lock ang pinto at sinirado ang mga bintana. Naglagay ako ng maraming upuan sa tapat ng pinto upang pangharang. Saka ako umupo sa sahig, tinanggal ang suot na backpack at binuksan para tignan lahat ng kung ano anong bagay na pinupulot ko sa mga nadadaanan papunta rito.

Napansin ko ang suot na relo, gasgas na ito sa ilang beses kong pagkakadulas o dapa. 5:38 PM. Malapit nang dumilim. Mas nakakatakot sa gabi.

Hayaan mong ikwento ko kung anong nangyare.
Dalawang araw na nang magising ako magisa sa infirmary ng university. Dalawang araw na akong paikot ikot sa mga buildings ng iba't ibang colleges, nagbabakasakaling may makita akong ibang tao.

Inilibas ko ang laman ng backpack, naghahanap ng makakain. Inilibas ko ang notebook na noong una ay para sa pagsusulat lang ng notes sa mabibigat kong subjects this semester. Pero iba na ang laman nito ngayon. Sa dalawang araw na paikot ikot ako sa buong university, isinusulat ko na sa notebook lahat ng dapat kong tandaan.

Una, wag gagawa ng ingay. Dito ka nila mas madaling mahahanap. May mga pagkakataon, kapag maingat ka talaga, malalampasan mo sila at di ka nila mapapansin.

Pangalawa, be resourceful. Lahat ng maaring magamit na makikita o madadaanan ay dapat hindi pinapalampas.

Pangatlo--- napatigil ako nang may narinig. Mula sa labas. Pero di ko matukoy. Tumayo ako at lumapit sa pinto.

Dahan dahan kong inalis ang mga upuan na pinangharang ko sa pinto. Ito ang pangatlo- mas maganda ang open space. Kung magtatago man sa isang lugar, siguraduhin na may escape route. Mas maganda na ang maligaw sa labas na may pagasang makalayo sa kanila kaysa ang ma-trap.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Wala namang kung ano sa labas. Pero hindi pa rin ako mapakali dito, baka dapat sa ibang building na lang muna ko tumuloy. Naglakad ako sa hallway, lingon nang lingon sa kung saan saan upang masigurado na walang sumusunod sa likuran ko o kung may makakasalubong sa harapan. Pangapat, be observant. Makinig nang mabuti, tumingin nang mabuti. Napatigil ako nang may marinig muli.

Iyak. Mula sa isang babae yata. Ngayon, ito ang panglima. Sa katapusan ng mundo, wala na sigurong mas masama sa ginagawa sa ating mga tao ngayon. Kung bakit sa ganitong paraan tayo tatapusin, hindi ko rin alam, pero mas maganda na harapin ito nang hindi nagiisa.

Maghanap ng makakasama. Kaya naman nagpatuloy akong maglakad kung saan tingin ko nanggagaling yung iyak. Nakarating ako sa dulo ng hallway. Babae. Punong puno ng dugo. May sugat siya sa braso at binti. Hindi ko siya nagawang lapitan.

Bakit? Kasi hindi lang basta sugat ang nasa katawan niya.

Mga kagat.

Para siyang nagdedeliryo, umuubo at may dugo na lumalabas sa kanyang bibig. Hindi na mo gumawa pa ng hakbang papalapit. Alam ko na kung anong mangyayare.

Niyakap niya ang sarili. Tinanggal ang suot na sling bag at hinagis papunta sa akin. Napaatras ako.

Tumingin siya sa akin.
May dugong tumutulo sa noo niya. Nangingitim ang kanyang labi. Dumuwal siya muli. Nanginginig akong inabot ang bag na hinagis niya.

Maya maya ay tumigil siya sa paggalaw. Ito na. Naghanda na ako sa pagtakbo nang bigla siyang bumangon at naglakad papunta sa akin. Napatili ako ng makita ang matatalas niyang ngipin, parang hindi sa isang tao.

Sinipa ko siya palayo nang bigla niya kong inabot. Napaupo ako sa sahig at agad agad akong naghanap ng kung anong bagay sa paligid na pwede kong gamitin. Hinablot ko ang bag na hinagis niya at nagmamadaling binuksan ang laman.

Baril. Inabutan niya ko ng bag na may lamang baril. Umungol siya at sinubukang abutin ako muli.

Dahil sa panic ay hinawakan ko ang baril, kinasa at nagpaputok. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ko. Hindi ba isang kasalanang moral ang pumatay?

Napahiga siya sa sahig, parang walang nangyare kahit na tinamaan ko siya sa bandang tiyan. Nagbadya itong tumayo ulit. Itinutok ko ang baril sa noo ng babae.

Tumingin siyang muli sa akin. Itim na itim ang kaniyang mga mata. Sumigaw siya habang patayo upang sunggaban ako.

Then I clicked the trigger.

Legion Of The UndeadWhere stories live. Discover now