CHAPTER 1: Encoding Contacts

48 0 0
                                    

Epic Fail talaga kapag nagdecide ang mga magulang mo na bigla na lang lumipat ng bahay at itransfer ka sa ibang university kung kailan third year mo na.

Nakakainis talaga. Wala naman akong magawa kundi sumunod.

Enrollment period and all I need to do is try my best not to do something scandalous sa bagong university na balak kong pasukan.

"Ma, alis na po ako .."

"Sige Daff, mag ingat ha . Ayaw mo talaga magpahatid ?"

"Opo Ma, magcommute na lang po ako para mafamiliarize din sa lugar .. "

"Okay. Text mo na lang ako pag nasa school ka na ha? "

"Sige po. Bye! " I kiss her goodbye tapos binitbit ko na yung knapsack ko.

Grabe ang traffic. Mukhang inabutan ako ng rush hour .

Magtatagal ata ako dito sa jeep na 'toh, ayos pa soundtrip ni manong driver.

Ganito ba talaga dito sa Cavite ?.. Hmm .

Pagbaba ko sa tapat ng Cavite State University, napanganga ako sa dami ng estudyante.

Iba-iba ang porma at mga itsura, masasabi mo sa isang tingin pa lang kung sino ang may sinabi sa buhay, yung nagpupursiging makatapos, yung mga social climber at yung mga puro hangin lang ata ang meron sa katawan.

"Ahmm. Excuse me po. Good morning po, Manong guard, mag enroll po sana ako, san po ba dito yung admin ?"

"Ahh Hija, bago ka lang ba ? "

Si Manong naman, nagpapatawa 'ata. Malamang bago ako, kaya nga nagtatanong diba ?! ..

"Opo. " yun nalang sinagot ko, baka pag initan ako nito kapag binara ko pa ..

"Diretsuhin mo lang yang way na yan. Tapos liko ka sa unang kanan na way na makita mo, yung sa pathway ha.. May nakalagay na dun na names ng mga building. "

"Salamat po .. " tugon ko. Sabay sulat ng pangalan ni manong guard na nakita ko sa uniform nya, sa notebook ko.

"A. Mojica" hmm. May kilala na kong isa .. :))

Nilakad ko lang yung way, at para sigurado, may mga nakita akong mukhang mag eenroll din, sinundan ko na lang.

Medyo mahaba ang pila, at seryoso. MAHABA TALAGA ..

"Miss, eto ba yung last ng pila para sa mga mag eenroll?" tanong ko.

"Ahh Oo, tapos mo na ba mga requirements ?" sabi nya pagkalingon.

"Requirements? " hala. Mukhang eto na yung simula ng negative vibes sa araw ko ..

"Oo,teka. Freshman ka ba ?"

"Ay hinde. Transferee ako. "

"Ahh. Dapat dala mo yung transcript of record mo from your previous school, tapos need din ata ng NBI, hindi ko sigurado. Itanong mo na lang dun sa Office of Student Affairs. "

"Ah ganun ba ? Buti na lang pala nasabi mo kaagad. Thank you ha. San nga pala yung Office of Student Affairs ? "

"Dun yun sa may Oval. Mula sa gate, sa kanang part.. "

"Thank you ulit. Punta na lang ako dun .. "

"Welcome .. :D "

Aalis na dapat ako. Ng bigla akong may naalala.

"Ahmm Miss. "

Lumingon lang ulit sya ..

"Sky Daffodil Dacer nga pala. Ikaw ? " sabay extend sa kamay ko ..

BewilderedМесто, где живут истории. Откройте их для себя