CHAPTER 06: The Hidden Reason

Start from the beginning
                                    

"Oy, hindi no!"

"Duwag!"

Nagkulitan kaming dalawa. At agad ding natigilan nang mapansin naming halos kaunti na lang ang layo ng mukha namin. Ay, ang taray! May ganitong ganap ako!

"Tara na nga, Dianne."

"Saan pupunta?"

"Mamamasyal. Ayaw mo?"

'Sorry may pupuntahan ako."

"Saan punta mo?"

"Uuwi akong Pampanga, okay? Kailangan kong lumayo sa mga makukulit na kutong lupa gaya mo! Bye!"


GAYA nang plinano ko, umuwi ako ng Pampanga. Pagdating ko sa ancestral house namin, bukod kay Mama at Papa, Lolo, Ninang, Ninong, Tita, Tito, at sangkaterbang pinsan, nagulat ako nang nakita kong isa sa mga sumalubong sa akin ay ang ulupong na lalaking 'to!

"Honeeeeeeeeeey!" at yumakap siya sa'kin kaya itinulak ko siya palayo!

"Ano ba? Kadiri ka! Pawis na pawis ka! Eew! Saka paano mo nalaman ang lugar na 'to? NBI ka ba?"

"Hala honey hindi! Tinanong ko kay Chloe. Atsaka kaya ako pawisan kasi nagsibak ako ng kahoy."

"What?!"

"Nag-igib din ako! Ako nga rin nagluto ng merienda ng pamilya mo, eh."

Tinignan ko ang buong angkan ko at lahat sila ligayang-ligaya sa buhay nila! Mygadd! Tinignan ko ng masama si Harry, inirapan at, nag-walk-out papasok sa loob ng bahay. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay sinundan ako ni Mama.

"Mama, naman! Bakit niyo naman po pinatuloy 'yung lalaking 'yun dito sa bahay?! Paalisin niyo na nga siya!"

"Anak, bakit ka ba nagiging mailap ka na sa mga lalaki? Hindi maganda 'yan."

"Hindi naman po sa pagiging mailap sa mga lalaki! Ayoko lang talaga sa kanya! Masyado siyang makulit!"

"Ayaw mo sa kanya dahil makulit siya? O ayaw mo lang talaga buksan ang puso mo? Dahil hanggang ngayon nakakulong ka pa rin sa nakaraan mo?"

Natigilan ako. "Mama naman, eh."

"Anak, bakit hindi mo subukan ulit? Alam ko namang hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin, eh. Pero anak, 'wag kang mapagod. Buksan mo ulit ang puso mo bago pa mahuli ang lahat."

Niyakap ako ni Mama. Bakit nga ba hindi ko bigyan ng pagkakataon ang sarili ko? Si Harry? K-Kaming...kaming dalawa? Subok lang naman, eh. Wala naman sigurong mawawala. At hindi ko naman pipilitin ang sarili ko.


KINAGABIHAN habang kabilugan ng buwan ay umupo ako sa ilalim ng puno ng manga at nagte-text. Bakit ba ang hina ng signal dito? Kulang na lang umakyat ako sa puno!

"Pst."

"Ikaw lang pala."

"Bakit? Takot ka no?"

"Asa ka naman."

Umupo siya sa tabi ko.

" Ano ginagawa mo dito? Pumasok ka na nga sa loob."

"Sungit mo talaga, honey."

"At 'wag mo kong tawaging honey! Bwisit na 'to!"

"Eh, bagay kaya sa'yo honey."

"At bakit?!"

"Because I'm a bee. And you're my honey. Hehe."

"Pakshet ka! Lumayo ka nga sa'kin!"

"Hindi na nga po. Pero seryoso Dianne, sobrang saya dito sa inyo."

"Paanong 'di magiging masaya? Eh, napakalaki ng angkan namin."

"'Yun na nga eh, ang laki ng pamilya niyo kumpara sa'kin."

Napatingin ako sa kanya. "Bakit? Maliit lang pamilya niyo?"

"Ulila na ko, Dianne."

Syet. Parehas sila ni Keirvin.

"Kwentuhan mo ko, Harry..."

Ngumiti siya at tumingin sa buwan. "Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sa'yo na sa edad na 8 yrs. old, na-in love na ko?"

Paano bang hindi ako maniniwala? Eh, seven years old pa nga lang din ako feeling ko may puppy love na ko ganun din si Chloe. So no judgment at all. Napangiti ako sa naalala ko. Asan na nga kaya 'yung puppy love ko? Siguro aso na 'yun ngayon. "Oo naman," sagot ko. "Naniniwala ako."

"Eight years old pa lang ako nahulog na ang loob ko sa isang batang babae. Masungit siya parang ikaw, mataray, suplada. Kaso crush din siya ng bestfriend ko, eh."

"In all fairness ang aga niyong lumandi."

Natawa kami pareho.

"'Yung tatay ko saka ng tatay ng bestfriend ko, mag-bestfriend din. Sad to say, sabay pinatay ang mga magulang namin ng bestfriend ko. Magkakasama kaming kumakain, then out of nowhere, kitang-kita namin kung pano pinatay ang mga magulang namin sa loob ng restaurant."

"Sobrang traumatic, Dianne. Hanggang sa iwanan na rin ako ng bestfriend ko at sumama siya sa relatives niya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit sila pinatay. Wala akong kaalam-alam."

Natahimik ako. The story is quite familiar. 'Yung puppy love ko may bestfriend din na lalaki, and their parents were also bestfriend. Pero wala namang patayang naganap. Wala na rin akong balita sa kanila since lumipat kami ng bahay. Hindi ko na nga maalala itsura nila. Bakit kasi hindi uso selfie noon, kahit tuloy pictures wala kami.

"Umiiyak ka ba?"

"Pasensya na Dianne, hindi ko lang talaga napigilan. Kahit bata pa ko noon, naaalala ko bawat pangyayari."

"Sorry, Harry. Hindi na dapat ako nagpakwento pa—"

"It's okay. Ginusto ko ring malaman mo ang lahat ng tungkol sa'kin."

"Salamat, Harry. Salamat sa pagtitiwala."

"Teka nga. Masyado na tayong madrama."

"Oo nga. Pasok na tayo sa loob, nagluluto na rin ata sila para sa celebration nina Mama bukas. And ikaw, umuwi ka na. Anong oras na, o. May pasok ka pa bukas."

"Gusto pa kitang kasama."

"He! Tigilan mo ko!"

He just smiled so I smiled back at him. I just hope this is a new start. Bago kami makapasok ay sunod-sunod na nagdatingan ang mga text. Dito lang pala sa pinto malakas ang signal.

I browsed the senders of the messages until I saw an unregistered number. Binuksan ko ang message at binasa ito.


You wanna know the hidden reason why Keirvin died?


Aba gago 'to, ah! Wala na nga 'yung tao ginagamit pa sa kalokohan! I've been receiving mga prank text since time immemorial pero ito na ata ang pinakanakakainis!

I replied to the jerk's message.


Whoever you are, pwede bang respetuhin mo 'yung taong wala na? Hindi nakakatawa!

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Where stories live. Discover now