CHAPTER 23

162 6 3
                                    

BARBARA'S POV

"ano ba Steven wag mo naman ilipat yung channel nung T.V. nanunuod ako oh" singhal ko sa kanya

"Barbie hindi pwede ang pangit nung pinapanood mo oh" sabay turo niya dun sa T.V. gamit yung remote.

"arrrrgh dun ka sa movie house sa taas nanahimik ako dito sa kwarto ko nanunuod eh, bwisit ka alis umalis ka ditooooooo!!!" sigaw ko sa kanya naiinis na talaga akooo 

-______________________________________-

ayan yung eksena namin ngayon, ang saya dibaaaa? grabe talaga to. Teka nga lilinawin ko muna ang lahat last last week diba niyakap ako ni Mark sa mall niloko niya pa ako at pinahawak yung abs niya? tapos nakita ni Steven? kung nakita niyo lang siya nagaapoy yung mata sa galit. 

FLASHBACK

dali daling pumunta sakin si Steven habang yakap yakap ako ni Mark. Hinatak niya ako hanggang sa mapunta kami ng parking lot.

sobrang nagulat ako sa pangyayare hindi na ako makapagsalita. Naiwan na nga namin sila Kate at Mark dun, hindi man lang ako nakapag paalam kay Mark. 

"Sabi ko bukas pa tayo mag-uusap pero hindi ko na kaya mga nakikita ko eh, ayusin na natin to hindi ko kaya ng hindi tayo nagpapansinan. Sorry kung lagi kitang nirereject kapag sinusubukan mong kausapin ako, sorry kung tinatakbuhan kita lagi hindi ko naman yun sinasadya at yung nasigawan kita sorry nabigla lang talaga ako nun, gustong gusto kitang lapitan pero nag iisip ako baka hindi mo na ako kausapin dahil sa kahihiyan na ginawa ko sayo. Sorry kasi hindi ko pinakinggan yung side mo." sinabi niya ng seryoso at nakatingin lang sa mata ko.

hindi ako makapaniwala sa nangyare yung kaninang luha na pinipigilan ko simula sa pag alis namin ni Mark hanggang sa cinema, bumuhos na hindi ko na napigilan.

halo halong emosyon yung nararamdaman ko gusto ko siyang sapakin tadyakan dahil sa nangyare pinahirapan niya pa ako, pero wala ang nagawa ko lang dun umiyak ng umiyak.

unti unti niya akong niyakap..

ang sarap sa pakiramdam ng ganito. 

niyakap niya ako habang hinahaplos yung buhok ko, nakasubsob lang yung muka ko sa dibdib niya ang bango niya, hindi pa din nagbago, ganun pa din yung amoy na hinahanap hanap ko.

"ste- ven. wala yun ikaw kasi e-- di mo man lang- ako pinakinggan--" sabi ko habang hinahabol yung hininga ko dahil sa pag iyak.

"shhhh shhhh tama na nandito na ako, sorry na po" sabi niya yan sa malambing na tono.

hinalikan niya ako sa noo at tuluyan na kaming umalis sa parking lot.

END OF FLASHBACK

odibaaaaa? sa parking lot kami nag drama nitong baklang to. hahaha

2 weeks na siyang nangungulit dito sa bahay, anytime pwede pwede na siya pumasok, kaya kahit anong gawin kong bawal sa mga maids at body guards dito pinapayagan pa din siya pumasok. Kinausap niya kasi si Daddy and Mommy na kung pwede daw ba siya pumunta anytime dito sa bahay.

Ginamit niya ang charms niya kay Mommy, bwisiiiiit si mommy kasi gustong gusto siya, 

Wala nga pala parents ko ngayon nasa business trip sila so etong baklang to nangungulit dahil wala siyang magawa sa condo niya. Si kuya naman nandun sa condo niya ako lang nasa mansion namin. 

"Baby gusto mong popcorn??" tanong niya.

"popcorn mo yang muka mo, layas dun ka sa movie house sa taas" sabi ko sa kanya may movie house kasi kami dito sa mansion, sa baba naman bar type yung buong floor kaya anytime na gusto mo mag party may bar sa bahay.

"Baby hindi pwede tayo na nga lang dalawa dito sa bahay maghihiwalay pa tayo" sagot niya ng may nakakalokong tono.

may iniisip na naman tong hindi maganda kaya lumipat ako sa kama ko, kanina kasi nasa couch lang kami nakaupo. Sinundan niya ako umupo din dun siya sa kama.

"Lecheee ka Steven lumayo ka sakin, alam ko iniisip mo. Hindi porket tayong lang dalawa dito sa mansion magagawa mo ang gusto mooooooo!" sigaw ko sa kanya habang lumalayoo.

"baby wag kang maingay naiistorbo mo sina manang sa labas. baka pasukin tayo hindi natin magawa ang dapat nating gawin" papalapit siya ng papalapit sakin niyan habang sinasabi niya. 

my ghaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaad!!!!! ilayo niyo po sakin tong baklang toooo.

"hooo-- ooooy baliw ka wag mo ko lapitan bakla kaaaaaaa!" sigaw ko nakasandal na ako sa headboard at nauutal na ako sa mga sinasabi ko kasi ang lapit na ng muka niya sa muka ko. Eto na naman yung ayokong eksena eh, namumula na siguro muka ko.

"sinong baklaaa?" naningkit yung mata niya kaya lalong lumapit sakin.

*gulp

*gulp

O_____________________________________O

O_______________________________________O

>_________________________________________<

"IKAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAW!!!!!" sigaw ko sa kanya nagimbal yung buong kwarto kooo.

*booooogsh

kinuha ko yung unan sa gilid ko at hinampas ko yung muka niya bago pa niya magawa ang kalokohan niya. 

TUMINGIN SIYA NG MASAMA SAKIN AT TSAKA SUMIGAAAAW~!

"RUN FOR YOUR LIFE BABYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!" SIGAW NIYA.

buong araw lang kaming naghahabulan sa mansion pagod na pagod na nga ako hindi pa din ako tinitigilan isipin niyo 2 weeks kaming ganyan kagulo. 

I really missed his presence kaya nga ngayon kahit napaka gulo niya ayos lang mas gusto ko to kesa wala siya.

SWEET :'>

You're Weird, I Like You! (under revision)Where stories live. Discover now