Ang unang makikita sa paligid ay pinong puting pulbos na nahuhulog sa kalangitan, nababalot nito ang paligid na parang isang kumot at ang mga punong nakatayo ay nagmumukhang mga poste na lamang dahil sa mga tuyong dahon na malamang ay natabunan na ng nyebe. Makulimlim rin ang langit pero may sapat na liwanag para makamasid sa paligid.
Mula sa bakal na sahig ng elevator ay tumapak siya sa niyebe,agad napasok ng lamig ang kanyang mga kamay pero nanatiling mainit ang kanyang katawan, malamang ay dahil sa ipinasuot sa kanila. Lumingon siya sa kaliwa at nakita ang isa ring kalahok, Terry Serravo ata ang pangalan nito, na inaayos ang dalang armas na isang crossbow. Ng mahalata nito ang presensya niya ay itinutok nito ang pana sa kanya kaya inilabas na ni Trace ang kanyang Photon Dual Sword.
“Ops Ops Ops!” tumigil silang dalawa ng marinig ang pamilyar na boses ni Tina Clyne na parang dagundong ang tunog. Galing ito sa daang-daang speaker na nasa itaas,”Huwag muna kayong magpatayan! Pumunta muna kayo sa gitna ng platform!”
“Platform?” litong tanong ni Serravo,”Anong platform?”
As if on cue, unti-unting tumaas ang isang malaking parisukat na hugis ang marahang umangat mula sa pagkakabaon sa ilang talampakang yebe. Umaagos mula sa hagdan na nakapalibot dito sa gilid ang mga naipon sa itaas na animo’y asukal na binuhos sa lamesa pababa sa sahig. Tumigil ito at nakita ni Trace ang buong sukat nito, kasinglawak nito ang buong plaza ng Festung at mga sampung talampakan ang taas, walang makikita sa itaas mula sa ibaba. Nagkatinginan silang dalawa at marahang umakyat sa medyo madulas na baitang. Ng maabot nila ang ibabaw ay nakita nila ang iba pang kalahok na nakatabi lamang ang sandata.
Nang makita ang maraming bag na iba-iba ang hugis sa gitna ng platform ay doon niya napagtanto kung ano ito, hindi siya masyadong nanonood ng mga games kaya hindi nahalata ni Trace kung ano ang mangayayari, ang bloodbath height.
Ang parteng ito ang masasabing elimination round ng laro, sa mga bag nakalagay ang mga essentials tulad ng pagkain, tubig at karagdagang sandata para sa mga kalahok na matapang, magaling o sobrang tanga para kagatin ang pain na ito. Muling nagsalita ang boses ni Tina na ipinapaliwanag ang rules at purpose ng mga bags. Pero wala siyang pake, gusto lamang niyang makaalis bago pa magpatayan ang mga ungas na ito. Habang umaapak siya sa semento ay napansin niyang madulas ito. Nakaisip ng plano si Trace kung paano siya makakuha kahit isa man lang sa mga bag.
“Ok, mga hunters!” masiglang ika ni Ms. Clyne,”On my mark!” inilabas na ng lahat ang mga sandata, palingat-lingat ang cornea ng kanilang mga mata sa isa’t-isa. “Go!”
Sa hudyat na iyon ay tumakbo si Trace ng ilang hakbang at nagpadulas sa basang semento habang ang mga contestants ay nag-patayan na. Tatlo agad ang bumagsak ng barilin ni Quick Draw Drew ng kanyang pistola at muntik pa siya matamaan sa ulo ng bala mula rito pero mabilis ang pagdulas niya. Sa wakas ay nadaanan niya ang pile of bags at nakadekwat ng isa at dumulas hanggang sa dulo kung saan siya nahulog sa malambot na yebe, mamaya na niya poproblemahin ang laman ng nakuha niya. Tumakbo siya sa direksyon ng gubat habang naririnig ang putukan at patayan sa likod. Nagsubok siyang tumingin at nakita ang ilan pang sinusubukang tumakas na pinapatay ng mga nakatayo sa itaas. Siguro ay nag-alyansa muna ang mga ito para patayin ang mga mahihinang players tapos ay sila-sila ang magpapatayan sa huli.
Narating ni Trace ang isang kuweba na napapaligiran ng mga punong walang dahon na animo’y mga guardiang nagbabantay sa magkabilang gilid. Naisip niyang dito muna tumuloy kaya pumasok siya pero ng papalapit na si Trace ay nakarinig siya ng isang mabangis na ungol, nilabas niya ang kanyang photon dual sword at saktong nagpakita ang isang Grizzly Bear na sumugod sa kanya. Ng makalapit ay umiwas lamang siya sa tabi at itinarak ang liwanag na mula sa espada sa katawan ng oso at hinayaang mahiwa ng espada ang katawan ng hayop dahil sa pagabante nito. Ilang hakbang lang ang tinagal ng Grizzly bago bumagsak sa lupa at tumulo ang maitim-itim na dugo mula sa hiwa. Kakaunti lamang ang dugong dahil naisara ng enerhiya ng photon sword ang karamihan sa sugat.
YOU ARE READING
Hunter/Gem
Science FictionIsang pagkikita ng isang hunter at isang nilalang ang magbabago sa kanilang mga buhay, paano maapektuhan ang buhay ni Trace at ng mga taong nakapaligid sa kanya ang pagkakadiskubre rito
