Chapter 1

20 3 0
                                    

I screwed up.

Bad trip akong nagmamartsa sa sidewalk papuntang eskwelahan na sinundan ni Cyrus, pinsan ko. Palagi nalang. Palagi nalang ako yung pinagbibintangan, eh kuhang kuha naman na si Florence yung nakabasag sa heirloom ni lola.

It's not just a simple problem though kasi lahat daw kaming magpipinsan ay pinapatawag ni lola para sa isang family meeting mamaya.

Here we go again with the meetings. Last week, nagkaroon din ng family meeting kasi pinatawag daw si Tito Herodotus kasi napaaway si Chad sa skwelahan and as we expected, sinabon kaming lahat ng tanong ni lola kahit na si Chad lang naman yung nasangkot sa gulo.

Lola is a really strict grandmother. Simula ng pumanaw si lolo ay umiba na si lola. Hindi na siya gaanong nakikisali sa kasiyahan ng pamilya. She believes kasi na dapat manaig ang disiplina sa pamilya, kasi 'daw', isa kami sa mga kilalang pamilya dito sa Trevena.

"Hey Greece, aminin mo na kasi para di damay lahat" Saad ni Cyrus sa likod ko pero di ko siya pinansin.

"Tsss, suplada" Rinig kong bulong niya kaya napahinto ako at liningon siya habang nakataas ang isang kilay. I heard Chad whistle kaya liningon ko rin siya.

"Sure, aaminin ko na na si Florence talaga yung nakabasag and she framed me up para ako yung mapagalitan mamaya, happy?" I sarcastically smiled and continued walking, tinawanan lang nila ako at mas lalong inasar na sasabunin ako ni lola mamaya.

Tss, as if I'm scared... well, a little. Well, um, to tell you honestly. I'm reaaalllyyyy scared. But, nah, whatever happens, life goes on.

Kung papagalitan, edi papagalitan. As if it's the end of the world, right?

Nakabusangot pa rin ako habang nagmamartsa papasok sa school gates, hindi pa rin nila ako tinatantanan at ang mas nakakabadtrip pa, they're making fun of my face again.

"Hey Greece, stop frowning baka magkamukha na kayo ng unggoy kapag pinagpatuloy mo yan" Kantyaw ni Chad.

"Edi magkapatid na tayo nyan" I answered back dahilan upang mapatawa si Cyrus at nabaling kay Chad ang pangiinis.

"Unggoy ka pala Chad eh, pano ka sasagutin ni Reese kung magkapatid kayo ng unggoy?"

"Shut up Cyrus, magkapatid tayo." And that shut their mouth.

Nang nakapasok na ako sa classroom, agad akong sinalubong ni Reese- my bestfriend at ang nililigawan ni Chad. Reese is too pretty for Chad, Chad is maitim, and he's not gwapo. Reese is pretty, she has those brown eyes, curly hair, those pointed nose and the red heart-shaped lips. Walang wala kay Chad. Pero ok, boto rin naman ako kasi pinsan ko.

"Hey, magandang umaga Greece, is Chad here na?" Tanong ni Reese na mas lalong nagpainis sa'kin. Maganda nga, conyo lang.

"Can- can you please shut up Reese? Kahit ngayon lang? Bad trip ako eh." Saad ko kaya mas lalo itong lumapit sa'kin.

"Why? Did you and Chad away ba?" Tanong nito kaya nanggigigil akong naptingin sa kanya.

"Nanggigigil ako sayong babae ka, lumayo ka sakin, nandidilim paningin ko sayo." And finally, she left me.

Inner peace.

The good thing about Reese is kapag tinakot mo siya o ipapakita mo sakanyang frustrated ka ay bibigyan ka niya agad ng space, pero pipilitin mo muna.

Napaupo na ako at agad ibinagsak ang bag ko sa sahig, and just in time, pumasok na ang science teacher namin, agad akong napabuntong hininga.

Ang aga aga dudugo agad yung utak ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Worlds ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon