Bakit Hindi na lang Ako?

62 2 4
                                    

Bakit hindi na lang ako?

Bakit hindi na lang ako ang isama mo sa mga lakad mo?

Bakit hindi na lang ako ang magpasaya sayo?

Bakit hindi na lang ako ang magmahal sayo ng solo?




Bakit nga ba hindi na lang ako?

Samantalang kaya ko namang gawin ang lahat ng ito

Kaya kong gawin lahat ng gusto mo

Kahit pa buhay ko ang maging kapalit nito




Bakit hindi na lang ako?

Eh kaya ko namang isakripisyo lahat para sayo

Kung kinakailangan ko ngang tumalon sa building ay gagawin ko

Mapakita ko lang sayo na lahat gagawin ko para sa ikasasaya mo




Bakit hindi  na lang ako ang piliin mo?

Handa naman akong magpakatanga para sayo

Kaya kitang hintayin kahit sobrang tagal mo

At kaya kitang samahan kahit san mo gusto



Bakit kasi hindi na lang ako ang mahalin mo?

Wala naman akong ibang mamahalin bukod sayo

Sayo lang rin iikot ang mundo ko

At kaya ko ring ipakita at iparamdam sayo kung gano kalaki ang halaga mo




Hindi pa ba sapat lahat ng ito

Para mapakita ko sayo kung gano kita kamahal ng totoo?

Lahat naman ay gagawin ko

Para lamang sa ikaliligaya ng taong mahal na mahal ko

TULA 101Where stories live. Discover now