Wagas na Pagsinta

25 5 0
                                    

Ang pag-ibig ng isang makata

Ay sing-kinang ng mga tala,

Mas matamis pa sa ating inaakala,

At mas matatag sa kahit na ano pa

Kapag nagmahal ang isang makata,

Wala siyang ibang gagawin kundi pasayahin ka

Lahat ng nais niyang iparamdam sayo ay isusulat niya

Bawat detalye ng pag-iibigan niyo ay ilalagay niya sa bawat tula niya



Ang mahalin ng isang makata ay masaya,

Dahil kasama ka sa bawat sulok ng kanyang akda

Ang mahalin ng isang makata ay masaya,

Dahil lahat ng isinusulat niya ay nangangahulugan ng isang wagas na pagsinta



Ipaparamdam niya sayong mahal ka niya,

Sa lahat ng tulang sayo ay tanging handog niya

Ipaparamdam niya sayong ikaw lang at wala ng iba,

Gamit ang mga akda niyang tinatangkilik ka



Ang pag-ibig ng isang makata

Ay walang katumbas na halaga,

Dahil sa bawat akdang sayo ay iniaalay niya

Ramdam mong tapat ka niyang sinisinta

TULA 101Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz