Elehiya para sa Namayapa kong Minamahal

226 2 0
                                    

Isang magiting na lalaki

Na nais maging manggagamot sa kanyang paglaki

Ika'y puno ng pangarap

Kahit alam mong buhay ay mahirap




Masaya kang nag-aaral ng mabuti

Dahil gusto mong sayo ay bumilib kami

Ngunit naglaho ang lahat ng pangarap

Nang isang di-inaasahang pangyayari ay naganap




Ang mga ngiti mong ka'y tamis

Ay di na muling masisilayan

Ang mga mata mong nagninigning

Ay naglaho na ng tuluyan




Bawat oras na maaalala ka

Ay nagbabalik ang lahat ng sakit buhat ng ika'y mawala

Bawat araw na maiisip ka

Ay di maiwasang itanong kung bakit ikaw pa




Pero alam ko naman

Na hanggang dito na lang

Hindi ka na maibabalik

Dahil tuluyan ka ng kinuha sa amin

TULA 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon