Nagdaan ang ilang araw at tsaka ko lang napansin na hindi na napapadaan si Lloyd dito sa Auditorium. Doon lang ako nagkaroon ng pagtataka dahil ang alam ko ay ayos na uli ang samahan namin at wala na kong atraso sa kanya dahil pumayag na rin naman na kong diskartehan nya si Liza. At ngayon pang pumayag na ko, dapat ay mas madalas na syang nakadikit kay Liza ngayon pero bakit wala man lang sya dito. Halos ilang araw ko na rin syang hindi nakikita. Ngayon ko lang yun napansin dahil sa sobrang busy namin sa pag eensayo. Nilapitan ko si Liza at pasimple ko syang tinanong tungkol doon.

"Uy Liz..pansin ko lang. Bakit parang wala ata si Lloyd ngayon? At tsaka nung mga nagdaang araw eh hindi ko na rin sya nakikita? Nag away ba kayo?"

"Ha? Ah eh...hindi. hindi kami nag away. Siguro eh abala lang din sya sa pag aaral nya." Sabi ni Liza.

"Ah ganun ba...hmmm siguro nga. Eh kumusta naman kayo? Ahm...nanliligaw na ba sya sayo?"

"Anung ibig mong sabihin?" Sabi ni Liza.

"Ahm...ano...ahm....nagtapat na ba si Lloyd sayo ng pag ibig nya?"

"Pag ibig? Sakin?" Sabi ni Liza.

"Puro ka naman patanong eh. Syempre kanino pa ba?"

"Ahm....diba sabi ko sayo ay kailangan natin minsan ng mga pribadong bagay sa buhay natin. Hahaha muntik mo na kong mahuli ah. Lihim ko na lang yun." Sabi ni Liza.

"Tsss...oo nga pala."

"Hahaha sige mag ensayo na tayo uli." Sabi ni Liza.

Hindi pa rin umubra ang pa simple kong pagtatanong sa kanya. Ayoko naman nang mag isip ng kung anu ano dahil ako lang ang mamomroblema. Sasakit lang ang ulo ko sa mga hindi naman importanteng bagay. Ginugol na namin ang mga natitirang araw sa batakang pag eensayo. Pagkatapos din ng pagtatanghal ay final examination na rin kaya talagang binatak ko na ang sarili ko. Dumadaan daan din ako sa klase ko at nanghihingi ako ng reviewer at extra activity. Kahit dedicated ako sa pag eensayo para sa nalalapit naming pagtatanghal, hindi pa rin ako nakakalimot sa responsibilidad ko sa pag aaral. Pag sapit ng huling araw namin ng pag eensayo, doon na namin ibinuhos lahat. Sinulit namin ang huling araw ng masayang pag eensayo. Bago matapos ang araw na yun, tinipon kami ni mr. Abalos at nagbigay sya ng paalala samin bago kami magsi uwi.

"Guys, tomorrow is a big day. Bukas na ang araw na kung saan ay ipapakita na natin ang mga pinagpaguran natin sa loob ng halos tatlong linggo na pag eensayo. Hindi ako kinakabahan. Ang totoo nga nyan ay sobra na kong nae excite dahil maipa pakita ko na uli sa buong paaralan kung gaano ka talentado ang mga estudyante ko. Sobrang proud ako sa inyo. Nung hindi pa man tayo nakakatagal sa pag eensayo, naipamalas nyo na sa akin kung gaano kayo kagagaling lahat kaya hindi na ko kinakabahan dahil alam kong mas magaling pa ang maipapamalas nyo bukas. Nae excite na talaga ako. Alam ko rin naman na hindi nyo ko bibiguin kaya proud na proud ako sa inyong lahat. Sana ay maging successful ang gagawin nating pagtatanghal bukas. Naway gabayan tayo ng diyos sa gagawin natin. Goodluck sa ating lahat. Are you guys ready for tomorrow's show?" Sabi ni mr. Abalos.

"Opo sir!! Ready na kami!!!" Sigaw naming lahat.

Nagnining ning ang mga mukha ng mga kasamahan ko dahil sa sobrang excite at tuwang nararamdaman nila para sa gagawin namin bukas. Kahit ako ay ganun din ang nadarama. Sabayan pa ng pagtitig ko sa mga ngiti ni Liza, talagang nagagalak ang kalooban ko. Pagka dismissed sa amin ni mr. Abalos, dumiretso na agad kaming umuwi. Pagkahatid ko kay Arianna, niyaya pa namin si Aling Maria na manood sa amin bukas. Natuwa naman kami dahil pumayag sya. Pagkatapos nun ay umuwi na rin kami agad dahil kailangan na naming magpahinga. Habang papauwi kami, nakaisip ako uli ng isang bagay. Tutal maaga pa naman, nagpasya akong bumili muna ng ice cream.

in Another LifetimeWhere stories live. Discover now