" Oo, have'nt you heard of that?"

" Inoscent nga di ba?"

" Ang pa-Virgin mo talaga friend... Wag mo na nga intindihin yun at di naman tayo mukhang ganun..."

" Kaw na bahala saken Chie ha. wala ako alam dito eh... Sunod sunuran lang ako sayo... nag-aalalang sabi ko kay Menchie."

" Ako bahala sa gabi mo friend. Magchichill lang tayo dito..."

                Nasa loob na kami, lalo ako namangha sa ganda ng interior design, makikita mo ang elegance ng place pati na ang mga tao na andito, hindi ito basta basta lang na tambayan dahil may mga kilalang tao ako na napansin na pumapasok at lumalabas ng place. May tumutugtog ng piano sa kabilang side, at may isang way naman papunta sa mga gusto mag Disco. At sa taas ata yung Casino. May elevator kasi at may sign na casino sa wall going up.

                " Dito tayo Kaye..." turo saken ni Menchie, sa isang round sofa na may mini table sa gitna. Dun kami malapit sa may piano.

" Maya maya lipat tayo dun sa disco, cocktail lang naman drinks dun, mild lang sya."

" Hindi ako iinom.. Panget lasa nun di ba?"

" Eh anu gagawin natin kung di ka iinom? Tutunganga?"

                Di naman ako nakasagot kay Chie, anu ba naman kasi tong pinasok ko, buti pa natulog na lang ako.

                Maya maya may lumapit na waiter, may dalang menu.

" Anu gusto mo Kaye?"

" Kaw na bahala basta yung di ako malalasing ha."  Natawa naman si Menchie pati ang waiter. Infairness cute sya, kaya naman pala todo pacute si Menchie eh. Sya na din ang umorder para saken.

                May mga napapansin akong mga babae na makapal kung mag-make up.

" Chie, anu yang mga yan... pointing my lips to the girls.

" Yan yung sosyal na GRO Kaye. Iniiscortan nila yung mga matatandang mayayaman na nagpupunta dito..." bulong saken ni Chie.

Tango lang naman ang nasagot ko.

Sa di kalayuang table, may napansin ako na isang babae, kapareho ang bihis nya sa mga girl escorts na sinasabi ni Chie. Nakilala ko sya nung tumayo ang girl at napatapat sa ilaw.

" Sasha?"

 (O.O)

(O.O)

(O.O)

(O.O)

(O.O)

(O.O)

 Laki ang mga mata ko sa sobrang shock.

I never thought na sa ganito mapupunta si Sasha, samantalang kaya pilit na binenta ni Tita ang bahay sa Bagiuo dahil sa kolehiyo nya, pero anu kaya nangyari at dito sya napunta?

               " Hoy! gulat saken ni Menchie. Bakit ba parang nakakita ka ng ghost jan?"

" Pinsan ko sya friend..."

" Sino?" hanap naman ni Chie?

" Wag ka obvious jan... yun oh isang escort girl ba yun?" turo naman ng nguso ko sa kanya.

" escort gurl? pinsan mo?"

" oo nga, gulat ka noh?"

" hindi, di ko naman sya kilala eh, hahaha "

" baliw ka talaga Chie."  tawa lang ako sa naging reaksyon nya.

                Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. I saw her na pumasok sa isang pamprivate na room, transparent glass ang wall pero blurred ang mid nya para di makilala ang nasa loob. Parang may kinausap sya sa loob, maya maya lumabas na din sya at tumigil sa harapan ng private room na yun.

               Di pa natatagalan ay may sinalubong sya na may edad na lalake, nasa mid 60's na ata ito. Napapaligiran ito ng mga body guard. Nakita ko humalik sya sa matanda, na lalo ko ikinagulat.

" Nakita mo yun friend..." tanong saken ni Chie

" Oo kita ko, bakit mo alam?" curious kong tanong kay Chie.

" Tinitignan ko din eh, titig na titig ka kasi kaya nacurious na ko sa babaeng yan....Tignan mo oh, may isa pang parating, ang pogi nya friend...look..." kinikilig na wika ni Chie habang pilit na hinaharap ang mukha ko sa may entrance.

This time di lang nanlaki ang mga mata ko, napatayo pa ko sa kinauupuan ko.

"Jiro?"

" Jiro? ....sya ba yung matagal mo na hindi nakikita friend?"

" Oo Chie, sya nga, di ako pwede magkamali."

                Di ko na palalampasin pa ang pagkakataong ito, alam ko sya yun kahit pa nag-iba na ang hitsura nya at ang style ng buhok nya. Sa lakas ng tambol ng puso ko, kahit puso ko umaayon sa nasa isip ko.

" Oh san ka na pupunta? wait..." tanong ni Menchie

" Di ko na to palalagpasin, jan ka lang..."

" JIRO!!!"

" JIRO!!!" tawag ko sa pangalan ng lalaking kakapasok lang sa Bar. Pero hindi ito lumilingon... Bakit may mga bodyguard sya? At bakit ganito sya mag-suot?

" JIRO!!!" 

" HINDI MO NA BA KO KILALA?" muling tawag ko sa kanya, baka this time lumingon na sya, pero hindi pa rin, parang wala sya naririnig. Hindi ako maaaring magkamali, sya talaga yun.

                I tried to get closer to him, pero pinigilan ako at hinawakan ng mga body guard nya.

" Jiro anu ba? Alam ko ikaw yan... Anu ba bitawan nyo ko, bitawan nyo ko..." tumulo na ang luha ko sa kirot sa puso na naramdaman ko dahil sa pambabalewala saken ni Jiro.

                Mas masakit kesa nung unang beses ko sya makilala na hindi nya ko kinikibo. Galit ba sya saken?

               " Jiro, Kausapin mo ko! Please..." pero lalong humigpit ang hawak ng mga body guard nya saken, nakita ko na lang  sya pumasok sa loob ng cubicle kung saan dinala ni Sasha ang may edad na lalakeng sinalubong nya kanina. Nakita ko si Sasha, alam ko kita nya ko at nakikilala nya ko, kaya naman ganun na lang ang tingin nya saken, may pang-aasar. At sa tabi pa nya naka-upo ng time na yun si Jiro.

  -----------------//////>>>>>> GIF of      SASHA aka AMANDA, cousin of KAYE

 I divide this Chapter into 2 parts. I noticed kasi na 7 pages sya. Eh dapat one Chapter should have 2 to 3 pages only.

Forbidden Love : Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon