Chapter 5

227 10 9
                                    

Chapter 5

                "Boss, naaawa na ko sa kanya... kung pwede lang.... sabihin ko na sana kanina eh."

"May tamang panahon Ben. Malapit na, hindi ko na rin kaya na makita sya na nahihirapan, gagawan ko ito ng paraan..."

"Yan ang gusto ko sayo boss eh.. Idol talaga kita..." di ko naman pinansin comment nya, ganyan naman sya palage hehehe.

                "For the mean time, ikuha mo muna ng apartment si Kaye. And look for the new owner of this house and lot in Bagiuo. I need it soon."

"Wow...  Sure! agad agad boss..."

                "Yung magiging comfortable at magugustuhan nya ha?

"Boss naman kelan pa ba sumablay ang taste ko"?

               "Siguraduhin mo lang ha, taste mo? Baka maasim na yan, ayusin mo"

 "Kaw naman Boss...Sigurado, Garantisado...Sige na Boss, alis na ko"

                "Sige Sige"

---------------

"Chie, pwede ba sa inyo na muna ako makituloy?"

"Bakit anu nangyari sa apartment mo?"

"Pinalayas na ko nung nakaraan eh, kaya nga nalate ako  remember..."

"Eh nasan ang mga gamit mo?"

"Wag ka maingay huh!!! Andun sa Linen room. Tinago ko dun." bulong ko kay Chie

"Haha loka ka, buti wala nakahuli sayo.." bigla nya ko nahampas sa balikat ng malaman nya.

"Muntik na Chie, nagtago lang ako sa kumot..." Hagikhikan kami dalawa na magkaibigan...

"Kaloka ka Kaye...Wait lang ha... palit lang ako ng damit, out ko naman na eh..."

"Sige, pano yung mga gamit ko?"

"Kunin naten after ko magpalit..."

                Nasa labas na kami ng hotel at naghihintay ng masasakyan...

"San  kayo girls?"  Si Brent...

"Uuwi na Sir.." Si Chie ang sumagot nagpapacute pa...

"Eh bakit kasama ka Kaye?"

"Tatambay lang ako sa kanila Brent..." siniko ko naman si Chie para gatungan ako.

"Oo  Oo Sir, Tama tatambay lang kami sa bahay..." sagot naman agad ni Chie

"Eh anu yang mga bagahe na dala nyo?"

(Patay! Bakit ba kasi ang tagal namin makasakay eh, tsk) sabi ko sa isip ko...

"Ahhh eh...basta papaliwanag ko na lang sayo sa sunod.." mabilis kong sagot.

Buti na lang nagring ang phone ni Brent, mukhang may urgent meeting sya.

"I have to go. Ingat kayo... Bye Kaye. I Love You!"

"Bye Sir...Ayiiieee ang sweet naman talaga ni Brent, bakit ba kasi di mo pa sagutin Kaye?" Si Chie kinikilig na nakatanaw pa din sa papalayo na kotse ni Brent.

Forbidden Love : Book 2Where stories live. Discover now