Chapter 1

45 9 2
                                    


"My beloved students of Cirramono Inris University. The wait is finally over, This is the memorable day of your life. The day of your signed off as a student of CIU. The day of our graduation. Sometimes we faced many problems and different trials in ourlives. But doesn't mean we can stop chasing our dreams until we're succeed."
Naririnig niyang pahayag ng principal ng CIU at siya ring may-ari ng school na pinapasukan niya.

Kasalukuyan nilang ipinagdiriwang ang araw ng pagtatapos mula sa kolehiyo sa isang napalaking auditorium ng isang private place. Medyo may kalayuan rin ang lugar na 'yon sa syudad nila pero halos malapit lang sa Cirramono building kung saan siya nag-aaral. Kaya naman hindi na niya isinama pa ang Lola niya. Bagama't sanay naman iyon sa mahabang lakaran.

"Obcourse, I would like to thank to my special friend for sponsoring us to this wonderful event. Kung hindi dahil sa kabaitan ng puso niya hindi tayo makakapagdaos ng ganitong klaseng pagdiriwang." Saad pa nito. "Everyone, please welcome the succesful woman and a one of a kind person i've ever met. Mrs. Madeliene Vavine. The CEO of Hotel and Restaurant Management."

Umusbong ang masigabong palakpakan ng lahat sa paglabas niya. Kasabay noon ay ang malakas na pagkabog ng dibdib niya nang makita niya ito. Mula sa malaking screen ay kitang kita ang mala-porselana nitong kutis at mala diyosa nitong mukha na nasa edad 40's.

Bagama't nagsisimula na itong magpahayag ng ilang liham pananalita ay nasa iba naman ang atensyon niya. Titig na titig siya rito na dati-rati ay sa litrato niya lamang nakikita. Kapag kuwan ay hinihilig niya ang sariling ulo tsaka mainam na pinagmamasdan ang pigura nito. Labis ang kursyuridad na pumapasok sa isipan niya. Tinatanong niya ang sarili kung saang parte at aspeto kaya sila may pagkakapareho.

Habang pinagmamasdan niya ito mula sa malayo ay naramdaman niyang may ilang butil ng luha ang dumausdos sa kaliwang pisnge niya na kaagad niyang pinunasan.

"Thank you for having me to this beautiful night. Goodluck for the next journey and best wishes to all of you. Congratulations everyone!"

Masyado siyang nalibang kaya ito na lamang ang speech na narinig niya mula sa rito. Ngunit bago pa matapos ang tagpong 'yon ay nagkatitigan sila. May kung ano siyang nakita sa mukha nito na hindi niya maintindihan. Tanging mata lamang nito ang nababasa niya. Mga matang katulad rin ng sa kaniya. Pagkatapos noon ay kaagad ring nawala ang ina na hindi niya alam kung kailan niya ulit makikita.

"Brie!"

Napatingin siya kay Sulli na kasalukuyang tumatakbo sa direksyon niya. Nakita niya pa ang dala-dala nitong bulaklak at sertipikong natanggap nila kanina sa Graduation.

"Happy graduation!" Masayang bati nito sa kaniya at niyakap siya.

"Happy graduation." Sabi niya at pabalik rin itong niyakap. Sa likod ni sulli ay napansin niyang naroon ang mga magulang nito na kanina pa nakatingin sa kanila.

"Mom and Dad. This is brie siya po iyong matagal ko nang sinasabi sa inyo." Pagpapakilala ni Sulli sa kaniya. Ngayon niya lang nameet ang mga magulang ni Sulli at nahihiya siyang malaman na matagal na pala siyang kilala ng mga 'to.

"Kumusta po kayo." Masayang bati niya sa mga magulang ni sulli at dahan-dahang tumungo. Ang una niyang napansin ay ang mama ni sulli na kanina niya pa nakikitang nakangiti sa kaniya.

"Mabuti naman kami, hija. Kung ganoon ikaw pala ang sinasabi na kaibigan ng anak namin. Lubhang napakaganda ng mukha mo." Sabi nito sa kaniya tsaka gumuhit sa mukha nito ang isang matamis na ngiti.

Mukhang masiyahan ang mama ni Sulli katulad niya.

"Nako, lubos po kayong mas maganda kumpara sa'akin." Nahihiyang sabi niya rito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Breiayne Madeliene SandovalWhere stories live. Discover now