☀️ Nineth Shot ☀️

Start from the beginning
                                    

"Sino nga muna sila?"tanong ulit niya na medyo naiirita na sa amin.

"Kaklase kami ni Yana. E ikaw ka ba?"tanong ko pabalik. Napalingon sila lahat sa akin pero diretso lang ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko. "Nandito ba siya o wala? Nasagot na namin ang tanong mo. Ikaw naman ang sumagot."pagpapatuloy ko.

Natawa siya sa akin at ngumisi. "E kung ayaw kong sagutin, anong magagawa mo?"

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at paninigas ng katawan ko. Mabuti na lang at nasa tabi ko si Hazel at Rona na nakahawak sa kamay ko.

"Kung wala siya sa loib ngayon, paki sabi na lang na dumaan mga kaibigan niya."sabi ni Hazel.

"Paki sabi kasama sila Guia. Alam niya na 'yon."dagdag ni Guia.

Malungkot silang naglakad palayo samantalang ako ay nilingon ko ulit ang lalaki. Pinapanood niya kaming maglakad palayo hanggang sa sinarado na niya ang gate.

"Sino ba kasi 'yon?"nanggigil kong tanong.

"Boyfriend ata ni Yana."sagot ni Hazel at nilingon si Guia.

"Siya ba 'yung abusive na bf niya. Sino nga nagkuwento no'n? Ah, si Guia."sabi ko at nilingon din si Guia na tahimik lang na naglalakad.

"May mali. Feeling ko may mali. Kung wala siya sa clinic at impossibleng pupunta siyang hospital knowing na exams week. Magpapahinga lang siya. Pero wala siya sa bahay."sabi ni Guia.

"Kung wala siya sa bahay, nasaan kaya siya?"tanong naman ni Rona.

"Condo? 'Di ba may condo unit siya malapit sa Cornelia High? Baka nando'n siya ngayon."sagot ni Cindy.

"Ede sana kanina mo pa sinuggest."sabi naman ni Hazel na nakasimangot na ngayon.

"Malay ko ba. Nakakahiyang sabihin baka mali e. Mukhang sensitive ngayon kasi ang isa. So, suggestion lang."sagot ni Cindy sa kaniya.

"Hindi rin siya uuwi sa condo unit niya knowing na suspended ang mga babaeng 'yon
May tendency na aabangan siya sa baba ng building. Kahit sabihin nating mahigpit security no'n. Kapag may gusto kang gawin, magagawan mo ng paraan 'yan para matapos mo."sabi ni Kristel.

"So, anong plano? Magpahinga kaya muna tayo at tawagan or message na lang natin siya paulit-ulit."sabi ko. "Maaga pa tayo tomorrow."

"Tama naman si Terry. Isa pa, nagugutom na ako. Kain muna tayo bago umuwi."sabi ni Hazel at nilingon si Guia. Alam na namin na mag-rereact siya dahil ayaw na ayaw niya ang gumagastos.

"Sige, nauuhaw na rin ako e."sagot naman ni Guia at tinulak siya ng mahina.

"Akala ko tatanggi ka nanaman e."sabi ni Hazel at sinabit ang kamay sa braso ni Guia.

Naghanap kami ng malapit na convenience store o kaya naman ay fastfood chain para malagyan ng laman ang mga kumakalam na sikmura namin.

"May bagong bukas pala rito e."sabi ni Cindy.

"Ay alam ko 'to! Masasarap korean noodles nila. Kahit siguro tatlong variety lang ng noodles order-in natin, busog na tayo."sabi ni Hazel at naunang pumasok sa amin. Sumunod naman ako sa kaniya na unang pinuntahan ang ice cream section.

Cruel Summer Where stories live. Discover now