Plot Twist #3 - "Huling Hiling Ni Darling",

7 0 0
                                        

Plot Twist #3 - "Huling Hiling Ni Darling", The Virgin Labfest XV @ the CCP

This will be one of the best ng aking 2019 after 'Maldives' & 'Ang Probinsyano'.

Specific ang prayer goal ko for 2019. Makasali sa play sa Virgin Labfest.
Sinulat ko talaga. 'Virgin Labfest'. I got so inspired watching the Labfest the previous year at naexcite ako.

Sabi ko, sana ako din. Makasampa uli ako ng stage. Sabi ko pa kay God, "Lord since I have this undying desire to perform and hindi cya nawawala sa heart ko baka naman pwedeng ako din." Sa isip isip ko pa noon, "Dedeamahin ko yung trapik papuntang Pasay (kung san andun ang CCP)".

BTW, Virgin Labfest is more of a "script writers" festival. Masaya kasi theater community andito at nag-gagather sa season na ito. Reunion feels.

Around May of last year yata ang audition.
Aktwali, napagod na ako mag-audition. The last time, final callback lang ako tapos nganga na.

Undecided ako. Kakapagod ang rejection. Nagisipa ako if 'calling' ko ito. Sabi ko pa sa prayer ko "If calling ko ito please let me know".

Ito pa ung audition na late na ako dumating, as in nagliligpit na ng lamesa sa registration at siya namang dating ko. Sabi ko, "Pwede pa po ba?". Oo daw.

Nasalubong ko pa si Ian (co-actor ko na direktor na ngaun) sa labas. Sabi niya, "Naku casted na yung akin" pero anjan pa sila sa loob. Go ka na"

Eh di go. Kung alam ko lang na kilala ko yung panel nag CR na lang sana ako sa CCP at di na nagaudition pa. Andun si Bong Cabrera, Kuya Paolo OHarra at Topper. Hi & Hello. Introduce yourself. At monologue.

Muntik na ako lumabas. At manakbo pauwi. Tinuloy ko hindi ko alam kung sa kahihiyan o hiya o napasubo na ako. May 📷 pa sa loob.

After nung 'monologue' lumabas ako at umuwi. At sising sisi na nag audition pa ako.

But God had other plan pala. He was about to fulfill my faith goal for that year.

I got a text a week after the audition na I passed and got role for "Huling Hiling". Ang saya.

Writer nito mahusay, si Mr. Raymund Barcelon. Script reading. Maganda yung story. Masarap gawin. Hindi ako inantok. Hindi pa-deep. Very pinoy ung story.

Thank you Direk Ricardo Magno sa tiwala.

Maikli man role ko. Sa theater walang small or big roles. Pero maikli talaga siya.
Ang totoo din niyan - I wanted to watch the process. Mag-observe. Mag apprentice. Ang tagal na din kasi.
Kakapanuod ko lang kay THE Ms. Sherry Lara sa 'Night Mother' ng PETA with Eugene Domingo at ang galing niya doon. Siya kasama ko dito sa play.
Student mode ako during rehearsal.

Inaaral ko na din ung lines nung male lead just in case. Understudy na din.
Ang professional talaga ng theater peeps. Pagdating ready na sila. Focus. Walang masamang ugale. Lahat manlilikha. Magaan. Walang star. At kwentuhan on and off the record. Mga ganun.
Kasama na harutan sa backstage at mga chismis sa batis.

Enjoy na enjoy ako sa rehearsal. Para kong nililipad un byahe from "lakad pa-MRT then akyat ng stairs tapos lipat LRT then sakay ng ponkan na dyip pa CCP minsan lakad kasi mas mabilis pa paa ko sa trapik pa CCP".
'Rush hour at trapik ka lang, theater actor ako'. Ganun ang battlecry ko for almost a month ng rehearsal.

Araw araw ganun. Then from Pasay uwi pa-Taytay. Minsan sa opis na tulog ko para mas madami time ko matulog. Sacrifice. Ginusto ko.

Pero maligaya ako. Busog kaluluwa ko. Walang pera na makakatumbas sa nararamdaman ko.
"One life to live Kenjie. Make the most out of it." Thought bubble ko lagi.

Pinanunuod ko ung buong set ng play. Set A kami. Per set, kasi tatlong maiikling play. Gitna kami. Nanunuod ako ng unang play. At ung last play after namin for free since cast ako. Ang huhusay nila.

Going back sa rehearsal- I observed my co actors. How they prepare. How they attack a certain role. Yung choices nila sa unit at crux ng mga dialogue. Namiss ko kaya script analysis class ko with Direk Nonon Padilla. Ibang level yun.

Bilib na bilib ako sa kanila. Special mention kay Sherry Lara - grabe umatake ng role. Halimaw.
Saka si Sky dalawang play sa Virgin Labfest. Grabe. Memorize kung memorize.

Gamit na gamit ng mga actors sa CCP noong rehearsals namin ang "Angkas"

Director: Nasan na si Sky
Stage Manager: Padating na po nag-Angkas na daw po cya.

Angkas. Angkas. Angkas.
Hello LTO at Philippine Government - mga adik kau tigilan nyo 'Angkas' if hindi pagawa kau ng cable car sa EDSA at buong metro manila. Dami niyong alam. Trapik lang hindi.

Kung walang Angkas ilang actors kaya late noon. Grabe laking blessing niyan mga damuho kayo.

Anyway, grateful ako for this opportunity to act and reunite with my theater friends and colleagues. Nakabalik sa first job at first love ko.

Salamat Unibers. Salamat Lord.

Sabi ng iba maikli yung role ko. Sabi ko, nagenjoy ako at saka regalo ng langit yan. Importante ginagawa ko ung passion ko. Hindi man busog bulsa ko pero busog yung kaluluwa ko.
Hindi pera pinunta ko doon. Makasampa ng stage, pakiramdam ko isda ako na binalik sa karagatan.

At dahil sa play na yan, naalala ako ng agent ko for soap opera. Akala yata nila nasa abroad pa ako. Kaya nakalabas ako sa soap ng abs cbn.

Next time, hihingin ko sa langit medyo bida role naman.

Malay natin. Libre mangarap kaya taasan at lakihan at lawakan mo na.

#VirginLabfestXV
#July2019
#ActorModeOn🎥🎬

#DiaryofaSkinnyGuyWhere stories live. Discover now