Deja Vu

7 0 0
                                        

Papunta ako ngayon sa gym para manood ng practice ni Valerie ng volleyball. Bestfriends kami since elementary at hindi kami mapaghiwalay. Last year na namin ngayon sa high school, kaya naman todo training at practice siya para makuha ulit sa huling pagkakataon ang trophy bago tumuntong ng college. Naabutan ko siyang nagtatali ng buhok at ayun nanaman yung puso ko'ng parang nakikipag-karera sa bilis.

"Val!" tawag ko at lumingon naman siya.

"Uy Yuan!" lumapit siya "Uwi ka na?" nakangiting tanong niya. Ang ganda shemay!

"Nah! Papanoorin pa kita eh haha" sabay kindat ko sa kaniya.

"O-kay?" natatawang aniya saka bumalik sa loob ng court.

Pinanood ko siyang maglaro. Napapangiti ako kapag nakikita ko siyang nakangiti o tumatawa. Mahal niya talaga ang volleyball, bagay naman kase sa kaniya. Matangkad siya, pero mas matangkad ako, maganda rin kaya marami gusto manligaw. Ang kaso magkasama kami lagi at madalas pagkamalan na 'kami', sana nga. Sobra kase ang pagiging sweet at clingy ko sa kaniya, pero bestfriend lang tingin niya sakin. Ako lang naman tong na-fall sa kaniya kahit na alam kong bestfriend lang talaga tingin niya sakin.

Nang matapos ang laro nila ay inabot ko sa kaniya yung tumbler niya at pinunasan ko ang pawis niya sa noo.

"Yieee! Ang sweet naman niyang bestfriend mo!" kantyaw ni Caitlyn, Team captain nila.

"Oo nga! Bestfriend lang ba talaga yan? Hahaha!" biro rin ni Micah.

"Mga sira! Hahaha!" sigaw ni Val sa kanila. Palasigaw-.- "Thank you!" bulong niya sakin nang nakangiti.

'Wag ka ngumiti ng ganiyannn>.<

Ngumiti naman ako pabalik "You're always welcome!" sabay pisil ko sa ilong niya.

"Yieeeee! SANA ALL!!!!" sigaw ng teammates niya.

Dumating ang finals at nag-focus ako sa pag-aaral. Hindi ako nakanood ng mga practice niya, madalang ko rin siyang makasama, hindi ko na rin siya nahahatid pauwi.

After the examination, napagdesisyonan ko na manood ng practice ni Valerie. Namiss ko yung maganda niyang ngiti UwU. Palapit na sila sa bench nang dumating ako sa gym.

"Val!" tawag ko at lumapit sa kaniya.

"Uy yuan!" nakangiti niyang bati.

"Tapos na practice?" inabot ko ang tubig niya gaya ng lagi kong ginagawa.

"Thank you!" aniya at uminom. Pupunasan ko sana ang pawis niya sa noo pero umiwas siya at kinuha ang towel sakin. "Ako na." ngumiti siya bago tumalikod.

"Ihahatid na kita." nakangiting sabi ko. Humarap siya sakin at ngumiti.

"Ahm.. Hindi na siguro, ihahatid ako ni Ken." kumunot ang noo ko.

"Ken?" saktong may dumating na lalaki

"Hi babe!" umakbay siya kay Val.Babe!?

"Hi!" nakangiting bati niya dito.

"Val?" naguguluhan ako.

"Oh! Ken si Yuan nga pala, bestfriend ko. Yuan si Ken, boyfriend ko." nakangiting aniya.

"What!?" nagulat sila sa pagsigaw ko "I mean since when? Hindi mo yata nakwento sakin?" I laughed, a fake one.

"Psh. Busy ka kase nito finals!" singhal niya. Oo nga, pero bakit parang ang bilis?

"Let's go, babe?" yaya ni Ken kay Val.

"Ahh sige. Uy Yuan! Una na kami ha! Next time ko na lang ikwento sayo." paalam niya.

Deja Vu [ONESHOT]Where stories live. Discover now