Chapter 2: Meet Mr. Fernandez

482 17 3
                                    

LAYTINA

SO boring.

“Quiet class.” ma-awtoridad na saad nitong bagong teacher namin pero na sa kin ang tingin niya. Titingin mo d’yan? Dukutin ko mga mata mo eh.

Umiwas ako ng tingin at tumingin na lang dito sa katabi kong bruha na kinikilig. Duh, ang haling naman nitong si Daphne sa lalaking ‘yon

“So, i'll introduce myself first then you are next, understood?” sambit pa ni Sir at tumingin sa amin. Hindi ko naman siya pinansin at  umub-ob lang ako sa aking desk. Pake ko sa’yo?

“Well, I am Dwayne Carl Fernandez. Graduated in Lennox Academy. I'm 23 years old. My subjects in you is Statistics and Probability. Also, i’m your new teacher in Physical Education. So, expect me to give you many activities in P.E. That’s all. Do you have any questions?” tanong nito pero hindi ko pa rin siya pinansin. Tsk. Akala ko ba, statistics lang? Bakit pati P.E, inangkin niya?

Eh, di sya na ‘yong gum-raduate sa L.A. Psh. ‘Kala mo, kung sino.

“WAH! 22 lang talaga kayo, Sir?”

“ANG BATA N’YO PA PALA! I'M 17!”

“ANG GWAPO N’YONG TEACHER!” irit nitong katabi ko kaya lumayo ako dito. Ang iingay! Grabe! Hindi pa ba sila nagkikita ng gwapo? Ano sila? Mangyan? Napaka-papansin naman ng mga ito.

“QUIET!”

Napasinghap ang ilan nang biglang sumigaw si Sir. Lahat sila natahimik. Ayan. Ano kayo ngayon? Kung gumagaya kayong lahat sa akin. Tahimik lang. Hindi namamansin. Psh.

“Bessi, ikaw daw muna mag-pakilala.” bulong sa akin ni Daphne kaya mabilis akong umiling-iling at sinamaan ng tingin ang bagong teacher na nakatayo sa unahan.

Anong akala niya sa akin? Uy, nasa huli ako naka-upo. Bakit ako agad? Hindi ba puwedeng ‘yong nasa unahan muna ang magpa-kilala? Siraulo ba siya?

Napatingin ulit ako kay Daphne at nakangiti siya ng sobra. Tinaasan ko lang siya ng labi atsaka naub-ob lang ulit sa aking desk.

“Bessi, huy. Ikaw daw muna---”

“Bakit ba ako?” inis na tanong ko at tumingin sa mga kaklase kong nagbu-bulungan. Tsk. Ang yayabang!

“Because, i want you to introduce yourself here first. Any problem with that, Miss?” sabat ng teacher namin kaya tiningnan ko siya. Bakit ba napakailamero niya?

Napa-tsk naman ako bago tumayo at tahimik na pumunta sa unahan. Humarap muna ako sa teacher na ito at nakangiti siya sa akin na para bang inaasar ako.

I know, you already know me. Kaya huwag ako, Sir. Kung ayaw mong suntukin ko ‘yang gwapo mong mukha.

“Bakit ba kailangan pa naming magpa-kilala rito sa unahan? Eh, kilala naman na namin ang isa’t-isa. At kung gusto mo rin naman kaming makilala, tawagin mo na lang kami base sa aming attendance. Why? Wala ka bang attendance na dala?” tanong ko at tumingin sa aking mga kaklase na nagbubulungan pa rin. Merong ilan na masama ang tingin sa akin at ang iba naman at tinatawanan ako.

Nakita ko namang napa-hawak si Daphne sa noo niya habang umiiling-iling.

“Miss, can you just introduce yourself? Hindi ko kailangan ng opinyon mo.” sabi ni Sir kaya napa-tingin ako sa kaniya. Ah, so balak niya pa rin pala akong magpa-kilala sa kabila ng lahat ng aking sinabi? Haha, sayang naman ‘yong mga laway ko.

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Where stories live. Discover now