Kinabukasan, tanghali na ako nagising dahil wala namang pasok sa school, lumabas ako para pumunta sa baybay at manghingi ng isda, hinanap ng mga mata ko ang matanda pero nkakapagtaka na makitang nag-uumpukan ang mga chismosa. Hindi ko sila pinansin at dire-diretsong naglakad. "Tanghaling tapat chismis inaatupag." Bulong ko. Pagkalagpas ko sa kanila napansin ko na nakatingin silang lahat sakin. Hanggang pagdating ko sa baybay ay naagaw ko rin ang mga paningin nila. 'Weyt. Anong meron, ba't ganyan sila tumingin? Alam ko maganda ako pero di pa ba sila sanay? Joke.' Nasabi ko nalang sa isip ko. Nung pauwi na ako nakita kong nag-iisa ang matandang dayo na nakaupo sa labas. Tiningnan ko sya at ngumiti naman sya sakin. Unang beses nyang ngumiti noon kaya kinabahan ako pero hindi ko ipinahalata, sinuklian ko na lamang din sya ng ngiti. Pagkarating ko sa tapat ng bahay namin, papasok na sana ako sa pinto namin ng makita ko si Lola na naglalakad palapit sakin. Nagulat ako sa mga naging pagkilos ng mga kapitbahay namin. Tulad nalang ng pag-iwas nila kay Lola at masasamang tingin na ipinupukol nila dito. Meron pa na tumakbo ang isang bata at yumakap sa binti ni Lola (yung batang yun ay inalagaan ni Lola sa hilot dahil muntikan ng hindi makapaglakad matapos malaglag sa may bintana at ma-dislocate ang tuhod). Bigla na lamang itong hinablot ng nanay nya at niyakap na animo'y sasaktan ng lola ko ang anak nya at tsaka binigyan ng matalim na tingin ang lola ko. Gusto ko siyang sampalin dahil sa iniasta nya kaya lumapit ako pero nakita ko ang namumulang noo ng lola ko kaya kinabahan ako na baka nadapa sya. "'La, anong nangyari sa noo mo ba't may namumula?" Nag-aaalalang tanong ko. Tumingin sakin si Lola at maya-maya'y dumating ang kaibigan kong si Ces na hinihingal dahil sa pagtakbo. "Ayos ka lang ba Lola Luna?" Tanong ni Ces. Naguguluhan na talaga ako. "Teka, teka. Bakit Ces? Ano bang nangyari?" Tanong ko na medyo naiinis na. "Si lola Luna kasi galing sa baybay, habang nagbabaliktad ako ng mga binilad kong isda, nakita kong binato sya ng bawang nung grupo ng mga babaeng nagbibilad dun. Ayun pinagsabihan ko." Paliwanag ni Ces. "At tsaka Yuks, usap-usapan na dito satin na si Lola Luna daw yung Aswang." Dagdag pa nya. Parang nagpanting ang tenga ako at feeling ko lumalaki ang ulo ko sa sobrang inis na para bang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at nag-iinit ang tenga ko. Humahapdi ang mata ko dahil naiiyak ako sa ginagawa nila sa Lola ko at hindi ko papayagang mangyari yun. "Ahh kaya, kaya pala ganyan kayo magsiasta. Kasi ang buong akala nyo ang lola ko ang aswang sa baryo na ito? Teka nga. Matanong ko nga kayo, sa loob ba ng isang taon na paninirahan namin dito may masama na bang nangyari sa inyo?
May umaaligid na ba na ganoong nilalang sa inyo? Wala diba? Sa totoo lang, ang sasama nyo para pagbintangan ang isang taong walang ginawa kundi ang makatulong sa inyo" kumadrona at manghihilot ang Lola ko). Mangiyak-ngiyak na sabi ko sa mga kapitbhay namin. Akala ko sa teleserye lang may mga ganitong eksena. Nangyayari din pala sa totoong buhay. Ayun umeksena din ako na mala-teleserye. Naglabasan ang iba pa naming chismosang kapitbahay. "Sino ang nagpakalat ng chismis na yan?!" Sigaw ko. Nanggigil na talaga ako. "Si Aling Doray." Nahihiyang sagot ni Kris (isang batang ina. anak nya yung yumakap sa binti ni Lola) "Ano?! At sino namang nagsabi sa kanya?" (si Aling Doray ang kumupkop sa matandang dayo). Naiinis talaga ako, inaawat ako ng Lola ko pero hindi ko na mapigil pa ang sarili ko lalo na at sya ang napag-uusapan dito. Mahal na mahal ko ang Lola ko. Dali-dali akong pumunta sa bahay ni Aling Doray at sumunod naman ang ibang kapitbahay namin. "Aling Doray lumabas ka diyan!" Sigaw ko sa labas ng bahay nila. "Oh bakit ineng? Bakit ka nagsisisigaw?" Tanong nya sakin pagkalabas nya. "Sino po ang nagsabi sa inyong Aswang ang Lola ko? Isang taon mahigit na kaming naninirahan dito pero walang aswang na nababalita dito." Naiinis na sabi ko, inaawat ako ng Lola ko pero hindi na ako mapigilan dahil nag-iinit na ang ulo ko. Nakita kong sumilip sa may pinto ang matandang dayo kaya sumigaw ako. "Hoy Aswang! Marahil ikaw ang nagsabi kay Aling Doray nito. Ang lakas ng loob mong baliktarin ang Lola ko? Mapagpanggap ka e halimaw ka naman. Bakit kaya hindi mo nalang ipakita ang tunay mong anyo? Oo! Mga kapitbahay! Sya ang tunay na aswang! Hindi ba kayo nagtataka? Mula nung dumating yan dito saka lang nagkaroon ng halimaw dito. At alam ko kung bakit mo binabaliktad ang Lola ko, yun ay para pagtakpan yang tinatago mo! Wag ka nang magkaila dahil kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano kang nagbago ng anyo! Sige, ipakita mo yung sugat mo diyan sa Likuran mo! Matagal gumaling hindi ba? Kasi buntot pagi ang inihampas sayo ni Kuya Buboy. Wag mo kong tititigan ng masama dahil hindi ako natatakot sayo kahit pa aswang ka!" Pagkasabi nun ay hinila ako ng lola ko pauwi. "Bakit mo sinabi yun? Tumigil kana. May sayad ka ba?" mukhang na-badtrip si Lola Luna. Sa kaloob-looban ko ay takot na ko pero ayaw makisama ng bunganga ko, panay dada. Pinalayas sya sa Baryo namin, dahil kung hindi daw sya lalayas ay susunugin sya ng buhay. Umalis naman sya ng maayos sa Baryo namin, pero bago sya umalis ay pumunta sya sa bahay namin at pinapasok naman sya ng Lola ko. Humingi sya ng tawad sa Lola ko at sinabi ng Lola ko na naiintindihan naman daw nya. Marahil ay natakot ang matandang dayo dahil may nakakita sa kanya kaya binaliktad nya ang Lola ko. tumingin sya sakin bago umalis. Sa totoo lang ay nakaramdam  ako ng awa sa kanya sa mga oras na yon pero nananaig ang inis ko dahil inilagay nya sa kahihiyan ang Lola ko. Hindi naman namin alam kung ano talaga ang pakay nya kaya mas maigi na ang mag-ingat. Naging tahimik muli ang Baryo nmin.

•UULITIN KO PO. THIS IS NOT A FICTION! Totoong nangyari po ito.
• Kung gagawa man po ako ng Fiction Story ay mas maigi nga na sa wattpad ko nalang sya isulat, pero NO shini-share ko dito dahil based on true experiences lahat ng story ko.
• Itong 'Dayo' ang unang dapat na ise-send ko kay Admin pero pinili ko pong unahin yung 'Dyablo Island' kasi near death experience ko rin po yun with my family at hindi po biro ang pinagdaanan namin doon.
• At kaya ko hindi sinasabi kung anong province namin or kung saan matatagpuan yung so-called 'Dyablo Island' dahil tulad ng sabi ni Ninong ay ayaw nilang isapubliko. I do not have any proof kung totoo ba yung kwento nya sakin about sa Dyablo Island pero kung ano ang sinabi nya ay yan din ang inilagay ko sa story at yun na po ang pinaniwalaan ko kasi nga na-experience namin. Di ko na rin naman binanggit or tinanong kahit kanino yun. Matagal-tagal na ring nawala sa isip ko yun pero naisipan kong i-share dito, baka sakali kasi na may alam kayong mga ganoong uri ng Isla. Sa nakakahula kung saan mtatagpuan ang islang iyon I guess tama kayo. About sa foreigners, they are Adventurers at aware sila sa magiging kahihinatnan nila sa loob ng isla kaya hindi na sila hinanap.

• Anyway Thankyou sa patuloy na nagbabasa at sumusuporta.
Godbless you all!
Spread the Love.

-Yukari.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon