The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)

Start from the beginning
                                    

The Coin

Kung naaalala nyo sa una ko pong confession may binigay sakin si Nadia (not her real name btw but people call her Nadia) 'Coin' po yun. The morning after my 'attempt' nasabi ko po na nasa kwarto ko na ako. Yung coin po na binigay nya sakin that night is hawak ko and that's enough proof for me na hindi ako nanaginip. That coin is from Italy (silver coin na may nakalagay na "L.100" 1979 Republica Italiana) why am I sharing this? Ok I'm 17, mentally unstable, and one reason why is because I can't do what I want. I've always wanted to be a Violinist and since I was a kid I've been dreaming of going to Italy specifically Cremona (both my parents are business people they're the type that don't believe in arts and music). And the coin she gave me that night. It's just weird for me pero malay ko ba baka coincidence lang na may obsession ako sa Italy at meron siyang coin from Italy na bigla nya nalang binigay sakin. One week palang ako sa school diba so wala dapat siyang alam tungkol sakin. Within that first week isang beses ko palang siyang na-encounter nung first day lang. Inisip ko nalang baka narinig nya ako nung orientation (nung 2nd day) tinanong kasi isa-isa kung ano ang mga dreams namin nun at yun na nga sabi ko gusto kong tumira sa Italy at maging pro Violinist. Pero kahit na ganun ang weird pa rin na bigla nalang siyang susulpot tapos bibigyan nya ako ng bagay galing sa lugar na pinapangarap ko. Nasa akin pa rin yung coin till now. I was actually thinking of sending the picture of the coin kaso naisip ko wala namang nakakatakot, barya lang naman ito ang bagay na mga pictures dito sa spookify na mai-feature eh yung nakakatakot talaga. Dun naman sa pagkalaglag ko actually di ko pa rin sure kung ano ang nangyari eh basta ang alam ko lang, di yun panaginip.

Bible Studies

Nabanggit ko rin yung Bible sa first confession ko. Yung Bible po yung pinakaunang book na binasa ko (maliban sa mga school books) Di ko nae-enjoy magbasa I spend all my free time on YouTube (btw, subscribe to PewDiePie).

Balik sa kwento, si Nadia yung nang-impluwensya sakin magbasa ng Bible. Lagi kaming kumakain ng meals namin sa ibang lugar imbis na sa mess hall. Since naging close kami around 3rd week since pumunta ako sa school na ito lagi na kaming sabay kumain. Nag-aalmusal kami sa Rooftop ng East wing. Pag tanghalian sa may chapel kami natambay dun sa may 2nd floor na parang inside balcony (pwesto ng choir) pag gabi naman sa may tower. Every meal nagbabasa sya ng Bible kaya nakiusyoso na rin ako. Nung una na-confused talaga ako kasi todo basa sya ng Bible (kini-kiss nya pa nga bago nya basahin) pero ang sama-sama ng tingin nya sa mga santo. Pag nasa chapel kami orally sya nagbabasa parang nagmimisa ganun. Pero pag sa may tower tahimik na sya magbasa kasi gabi na baka mahuli at mapababa kami.

One time around 'May' lumapit sya sa may crucifix tapos nagsalita sya ng di ko maintindihan alam ko lang galit sya kasi yung mata nya nanlilisik tapos para syang nangma-mock.

At eto around September may ginawa sya na nakapagpahamak samin. Tatlo kami nun kasama yung isa naming schoolmate si Danté (sent here for being gay, parents nya homophobic sobrang lugmok rin ito sa depression). Gabi yun, mga around 11pm tulog na ang lahat pati yung mga guards na dapat nagro-roam natulog nun. Pumunta kami ng chapel nagpasama si Nadia eh. Tanghali palang kinontrata nya na kaming dalawa. Pinakuha nya samin yung Mama Mary. Kahit parang ayaw namin ni Danté na gawin yung utos nya kasi di naman namin alam yung gagawin ni Nadia dun sa Santo sumunod pa rin kami, this is September limang buwan na kaming magkakasama by this time alam na namin na walang madudulot na maganda ang pagsuway kay Nads. Yung Mama Mary nayun Sabi nila naiyak daw yun ng dugo. Pinabuhat nya yun samin ni Danté. Sunod lang kami ng sunod sa kanya nun, tapos sa music room nya kami dinala. Yung music room yung ingay doon di naririnig sa labas parang sound proof ganon. Tapos eto na, hindi namin  expected ni Danté ang ginawa nya. Kinuha nya samin yung 3-ft tall na Santo tapos binalibag nya. Basag. Sabi nila dekada na daw ang tanda nun mas matanda pa sa amin. Tapos nagsalita na naman ng di ko maintindihan si Nads. Nakatulala lang kami ni D nun. Tapos nung sumenyas na si Nadia, lumabas na kami. Habang pabalik kami sa mga kwarto namin ay nakasalubong namin yung guest na Madre ng school. Si Sister ----. Nung una magsasalita sana sya pero tinitigan sya ni Nadia tapos parang di nya na kami nakita dumiretso lang sya. The next day nasa counsellors office kaming tatlo kasi nakita kami sa CCTV. Hindi ko alam kung ano itong school eh, sabi dati parang Catholic, tapos naging hindi, tapos ngayon since Catholic yung head parang unti-unti ulit nag-allow ng Catholic events. Pero Hindi naman pinipilit lahat mag-participate, maraming from iba't ibang religious background dito. At since naging  head nga yung ngayon unti-unti ng napupuno ng Santo yung chapel na dati simpleng maliit na building lang. Dati lahat ng bata pwedeng mag-pray at mag-meditate dun, ngayon medyo ilang na, wala na ngang natambay dun kami nalang kasi nga yung iba hindi talaga fan ng mga rebulto.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now