Chapter 4

212 12 2
                                    

DARLEEN's POV

"Ah yes ok lang ako" sagot ko sa kaniya. Pero ok nga lang ba talaga ako? Please wag kang tutulo! Wag kang tutulo! At hindi ko na nga natigilan ang pagtulo ng luha ko

"Ate anong problema?" Tanong niya

"S-si Blake kasi nakita ko k-kanina sa katapat na r-restaurant may kasamang b-babae, tapos nakita ko din na hinalikan niya yung babae" sabi ko at patuloy padin sa pagbuhos ang luha ko

"Sa labi niya ba hinalikan yung babae?" Tanong niya saakin. Umiling lang ako dahil hindi ko klarong nakita kung saan humalik si Blake "Eh hindi naman pala eh. Malay mo ka meeting niya lang yun tapos nakipag beso siya. Alam mo naman na classy si kuya Blake eh. Ang OA mo din kasi minsan, magpahinga ka naman ate puro ka kasi trabaho eh" sabi niya pero may point din naman siya

"Sige na aakyat na ako. Ikaw din ha! May pasok ka pa bukas!" Sabi ko sa kaniya at natawa lang siya at umakyat na din ako sa kuwarto ko

Nag half bath muna ako bago matulog para matanggalan naman ako ng kahit kaunting stress sa katawan ko
———————
*Kinabukasan*

Pagtingin ko sa orasan sa gilid ko ay 6:30 palang naman ng umaga. Naghilamos muna ako bago bumaba. Pagkababa ko ay dumiretso na agad ako sa kusina at nakita ko si Anne na kumakain na

"Himala ang aga mo atang gumising ngayon!? May inspiration ka na ba tuwing gigising ka kaya maaga ka" Natatawang pangaasar ko sa kaniya at umupo sa tapat niya

"Grabe ka naman ate hindi ba puwedeng gusto ko lang mag bagong buhay" sagot naman niya

"Oh gising kana pala" sabi ni tita galing ata siya sa CR

"Good Morning tita" bati ko sa kaniya at nagbeso kami

"Good Morning din hija. Kumain ka na ba? Meron diyang scramble egg, tuyo, longganisa, tocino saka may sawsawan ding kamatis diyan" sabi ni tita ang sarap ha. Yung nga favorite ko pa talaga

"Tita talagang yung mga favorite ko po yung niluto niyo ha" sabi ko at kumuha na ng pagkain

"Oo naman eh minsan kasi hindi kana nakakakain dito ng umagahan eh" sabi niya

"Sorry po madalas po kasing may mga emergency sa office eh" sabi ko at nagpatuloy kumain

"Kamusta naman yung cute na buisness partner mo?" Tanong niya na dahilan at napatigil akong kumain

"Pffftt tita si Mr. Morales???" Natatawang tanong ko sa kaniya

"Oo yun ata yung sabi ni Anne" sabi naman niya

"Yan talagang babae nayan apaka daldal. Tita ok naman po kami mabait naman po siya" sagot ko at sinubo ang huling pagkain na nasa kutsara ko

"Ayaw mo ba don? Mabait naman pala eh" sabi niya dahilan ng pagka tigil ko nung patayo na sana ako

"What do you mean tita?" Curious na tanong ko sa kaniya

"Diba nga marami nang nagsasabi na chicboy yang si Blake at marami ding mga babae" sabi ni tita

"Pero tita siguro hindi lang po maganda yung naging relasyon niya sa mga naunang girlfriend niya" sagot ko naman

"Eh yung sa inyo ba? Hija kung alam mo ikaw nalang ang lumalaban at ikaw na ang talo hayaan mo na. Pakawalan mo na, God Will make a perfect time para matagpuan mo ang talagang para sayo. Hindi puro puso ha saka hija wag mo sanang masamain... pansin ko lang ha, para kasing ikaw lang maeffort sa relasyon niyo" sabi ni tita sabay tapik saakin at kinuha na niya ang pinagkainan ko

Natulala nalang ako sa sinabi ni tita. What if tama si tita? What if pinaglaruan niya lang din ako? What if kagaya lang din ako nga mga babae niya from the past? Arrrgghhh!!!! Pag talaga ako pianglalaruan lang nitong si Blake



















SISIGURADUHIN KONG MAGSISISI KA NA AKO ANG NILOKO MO!














•~•~•~•~•~•~•~•~
Sorry po sa mga typos and grammatical errors. Don't Forget to Vote and comment
Thanks for reading!💗

It's Pay Back timeWhere stories live. Discover now