Chapter 46

1M 12.3K 4.3K
                                    


Copyright © ScribblerMia, 2012

"I'm proud of you, Misis."

Ano raw? Tama ba ang narinig ko? Hindi ba ako nagkamali ng narinig sa sinabi niya? Proud daw siya sa akin? Weh? 'Di nga? Maygad! Okay. Me already! Ang sweet naman ni KJ (paminsan-minsan). Kinabog ko si Rapunzel sa haba ng buhok. Kinikilig ang balunbalunan, atay, baga, tiyan (tiyan? parang mali yata isali iyon, parang majejebs na ako no'n e).  Sige, erase. Kinikilig ang puso ko. Ayiii.

"Awww." Hirit ng mga CW members.

"O, tama na iyan. Dadagain ang UPLB sa kakesohan niyo," Kenji snorted.

"Hiya naman kami sa ka-sweetan niyo," Zach added.

"Woooo. Sige. Iwan na ang mga lovebirds na iyan. Tara na, mga pre. Mang-chicks muna tayo." Sigaw ni Trace. Tinaas pa niya ang kanang kamay na animo'y susugod sa gyera, pero ang totoo, mambababae lang talaga. Hay. Boys will be boys.

"Let's go sagow." Hirit ni Jigger.

Kinantyawan pa nila si KJ na kasalukuyan nang namumula sa kahihiyan. Kung wala marahil ako rito, nakatikim na ng tig-iisang suntok ang mga ito kay Supremo. At ayon na nga. Sabay-sabay naglakad palayo ang CW papunta sa kung saan mang paraiso (kung saan maraming dilag).  Ang ingay-ingay nila habang naglalakad, pinagtitinginan tuloy sila ng mga estudyante. Akala yata may rally na.

"Kahit kailan talaga, nakakahiya ang mga kumag na iyon," KJ muttered.

Napatawa na lang ako sa sinabi ni KJ.

"Astrid," Cess shouted.

Napalingon ako sa pwesto nila, na kanina pa rin nakatayo at nagmamasid sa mga pangyayari. Mababakas sa mga mukha nila ang pinipigil na kilig.

"Sibat na rin kami ha?" Maarteng sabi ni Philip.

"Bye," Sabay-sabay nilang sabi, sabay kindat.

What the heck!

Bago pa ako makasagot ay nakatakbo na silang tatlo palayo. Ito ha, matinong tanong ito. Kaibigan ko ba talaga sila or nagpapanggap lang na mga kaibigan? 'Yong totoo? Alin doon? Hay naku. Sarap sabunutan ng kilay ng mga iyon.

"Ehem." Eksaheradong tikhim ni KJ na nakapagpalingon sa akin. Mababali na yata ang leeg ko kakalingon.

"Tara na." Nakangiting sabi niya. Bigla na lang niya akong inakbayan na talagang ikinagulat ko. 

Nagsimula kaming maglakad habang akbay-akbay niya ako. Ilang segundo rin akong natigilan bago natauhan.

"H-hoy! Ka-kamay mo. Pakialis." Hindi magkandatutong sabi ko.

"Ayaw," sabay iling nito, mas lalong hinigpitan pa ang akbay niya.

"Nakakahiya. Ano ba!" Namumula na yata ako. Feel ko.

"Pake ko." Bale-walang sabi niya sabay ismid. Diretso sa daan lang ang tingin niya. Hindi pinapansin ang mga tao sa paligid na nakatingin sa amin.

Hindi kasi kami showy ni KJ. Hindi kami PDA. Kaya siguro nagtataka ang ibang students nang makita kaming magka-akbay. Seryoso, ngayon lang sila nakakita ng magjowa na magka-akbay? O siguro, dahil na rin sa reputasyon ni KJ. Crush ng bayan ang lokong ito e. Mukhang playboy. So hindi mo aasahan na ganito siya ka-sweet. Aww.

"Nakakahiya nga sabi sa kanila." Nginuso ko ang ibang estudyante na nakangiti habang nakatingin. Ang iba naman ay susulyap lang sa amin pero diretso pa rin ang lakad papunta sa kung saan man. Hindi naman sa nag-iinarte ako or whatsoever, hindi lang ako kumportable sa ganito. Bago kasi sa akin ang ganito. Si KJ ang first boyfriend ko, kaya so far, medyo hindi pa rin ako sanay sa mga ganitong bagay.

The Boy Next Door (Completed)Where stories live. Discover now