Kulam Adventures (Parts 1-3)

Start from the beginning
                                    

Marami pa akong kwento sa susunod nalang ulit next na ay nung yung lola ko naman ang ginamit nila. Hanggang sa susunod. Ola! Laging magdasal at humingi ng gabay sa Diyos dahil walang ibang mas malakas kundi sya lang.

Part 3

Hi guys! Sorry matagal ang update super busy lang po kasi. So ang ise-share ko po sa inyo ay yung about naman sa nangyari sa lola ko (nanay ng mama ko).

Si Nanay Helen ko, diabetic sya. Every time na tumataas yung sugar or bumaba. Natatakot talaga kami para aa kanya dahil minsan para na syang ma-i-stroke. So ayun nga this happened nung isang beses inatake sya ng pagbaba ng sugar nya. Kakagaling ko lang nun sa school nung naabutan ko si nanay na nakahiga sa higaan nya habang binabantayan sya ng mama ko. Nakita ko na may timba dun na may suka. Kaya agad kong tinanong kay mama kung anong nangyari. Sabi nya bumaba na naman daw yata yung sugar ni nanay. Tinatanong namin si  nanay kung gusto nya magpaospital pero ayaw nya. Tumagal ng ilang araw na nakahiga lang sya as in kailangan mo talaga syang alagaan kasi hirap siyang tumayo at gumalaw ng mag-isa. Pero kahit ganun hindi naging ugali ng lola ko na magpabantay sa bahay nya. Bale para kasi kaming isang compound dati. Isang gate lang tas sa loob mga bahay na namin. Una doon ay yung tindahan namin. Next ay yung bahay ni lolo at lola ko, bahay namin. Isang abandonadong kubo na dating bahay ng lolo at lola ko. At sa dulo yung maliit na babuyan ng lola ko. So mabalik tayo. Every weekend umuuwi yung pinakapaboritong apo ng lola ko si Kuya Mark dun sya tumutuloy sa lola ko kapag nauuwi sya samin. Kaya nung gabi na yun sya muna yung nagbantay sa lola ko. Kinabukasan nagsabi si kuya na bakit ganun si nanay ang bigat-bigat daw parang habang inaalalayan lalong bumibigat. Kaya lalong nag-alala sila mama. Kinagabihan nagsabi si Kuya Mark na dun muna sya sa kaklase nya matutulog dahil sa thesis nila. Kaya wala na namang kasama si nanay sa bahay nya. Mga bandang alas 3 ng madaling araw nagising ang mama ko dahil naririnig nya na parang umuungol yung lola ko. Kaya lumabas sya ng bahay at sinilip sa bintana si nanay. Pagkakita nya kay nanay nandudumilat daw ang mata at tinatawag daw nito yung mga kamag-anak namin na namatay na kaya ang ginawa ni mama tinawag nya si nanay at nagulat daw sya ng magulat din daw ito sa kanya na parang nakakita ng multo. Sinubukan niyang buksan ang pinto ng bahay ng lola ko pero hindi nya mabuksan kaya ginising nya ang kapatid ko upang ipabukas dito ang pinto. Kaya kasing buksan ng kapatid ko yung pinto ni nanay gamit lang yung id. Pagkabukas ng pinto napahinto daw si mama dahil parang may malamig daw na hangin na sumalubong sa kanya. Pero hindi na nya ito pinansin dahil chineck nya muna si nanay. Siniguro muna ni mama na ok si nanay at iniwan nalang niyang bukas ang ilaw dahil sabi ni nanay huwag na daw siyang samahan dun. Kinabukasan ganun pa din si nanay nanghihina na di maintindihan. Kaya mga bandang 5pm pinaayusan samin ni Kuya Mark si nanay dadalhin daw sa manggagamot (albularyo) after ko siyang bihisan nagpasama sya sakin na mag-cr. Nung papunta na kami ay kaya nya namang lumakad pero may gabay ko pa din pero after niyang mag-cr hindi na sya makatayo sa bowl kaya tinawag ko na si Kuya Mark dahil bigat na bigat ako sa lola ko. Agad namang pumasok si Kuya Mark pero kahit dalawa na kami ay ganun pa din. Napakabigat nya talaga tinawag na din namin ang mama ko para magpatulong. After namin siyang mailabas sa cr ay umalis na sila mga 8 siguro yun nung umuwi sila sakay ng sasakyan ng tita ko. Pag-uwi ay tinanong ng tita ko kung ano ang ginawa kay nanay. Ang sabi ng mama ko may karga (sapi) daw si nanay. Nung una daw at hinihilot lang daw si nanay pero bigla daw nag-iba ang pakiramdam ng albularyo kaya kumuha ito ng isang bato at pinalagay ito sa noo ng lola ko dito na nagsimula na magsisigaw ang lola ko. Tinanong sya kung sino daw sya ang tanging naging sagot lang daw nito ay "Demonyo! Papatayin ko silang lahat!" Kaya matapos nilang gamutin si nanay ay nakauwi na ito ng nakakalakad na pero kinabukasan ay napilitan na sila mama na ipaospital si nanay. After ng mga ilang araw ay na-discharge na sya pero dahil sa takot na baka kung ano ng mangyari sa kanya sa katigasan ng ulo nya ay mas minabuti nila mama na iuwi muna si nanay sa bahay. Halos dalawang linggo rin siyang ganun na halos dun na sya sa higaan nya nakakaihi. Mahinang-mahina na para bang ilang araw nalang ang itatagal nya. Bumisita na rin ang kanyang mga kapatid at ilang kakilala dahil sa mga senyales na pinapakita nya na parang mawawala na sya. Sobrang awang-awa kami nun sa lola ko. Pero isang madaling araw bigla nalang nagising ang mama ko dahil naririnig nya ang tawag ng lola ko. Paglabas nya sa kwarto nakita nya yung lola ko na balisa sa higaan. Kaya nilapitan nya ito at pinunasan, pero habang pinupunasan nya ito ay walang tigil ito sa pagsabi ng "Anak huwag mo akong iiwan dito." Sa pag-aalala ay kinuha ni mama ang cellphone nya at sinubukang tawagan ang mga kapatid nya at maging ang kapatid ng lola ko. Pero sa oras na yun ay wala siyang matawagan kahit kami ay hindi nya magising. Kaya bumalik nalang sya sa tabi ng lola ko at pinunasan nalang ito ulit. Pero habang pinupunasan nya ito ay nag-iiba ang hulma ng mukha pero maniwala man kayo o hindi ay ang mukha ng kamag-anak namin ang lumalabas. At sinabi nito na patawarin daw sila, natatakot man si mama sa mga nakikita nya ay tinapangan nya at hinawakan nito ang mukha ng lola ko at sinabi "Ano bang kasalanan namin sa inyo? Bakit pati ang nanay ko ay ginaganyan ninyo? Ang layo namin sa inyo pero bakit pati kami dinadamay ninyo? Umalis na kayo sa nanay ko! Huwag nyo siyang pahirapan dito sa iba nyo nalang gamitin yan! Dahil hindi naman namin kayo inaano! Umalis ka sa katawan ng nanay ko! In Jesus Name! In Jesus Name! Amen!" At unti-unti ay bumalik sa dati ang mukha ng lola ko at mga ilang araw ay bumuti na ang lola ko.

Pasensya na po kung mahaba. Sa susunod naman po yung iba. God bless!

Jelay
QC

Scary Stories 5Where stories live. Discover now