Compiled Stories 11

Magsimula sa umpisa
                                    

So yun kinuwento ko ito sa ka-agent ko, timing yung isang ka-agent ko open yung third eye nya so bale yung station nya ay kaharap lang ng vacant room then yung vacant room ay may glass window na kita sa loob, one time daw when she's on the middle of her call, may nakita daw syang babae sa loob ng room nakaharap daw ito sa window, mataas daw ang buhok so sa isip ko nga baka si Rose lang yun kasi si Rose lang yung mahilig matulog dun palagi, tinignan nya yung schedule namin sa email, nagtataka sya kasi day off si Rose. Hindi na din nya inisip at hindi nya agad sinabi kasi baka matakot kami. Marami na din ang nakitulog sa room na yun at lahat kami nakaranas ng sleep paralysis at hindi na kami natutulog dun simula sa mga nangyari. So ayun lang po, dasal lang talaga yung magpapaalis sa mga bad spirits. Don't forget to pray all the time. Prayer is really powerful and helpful. Wag tayong papatalo sa bad spirits. Thankyou for reading.

- A

3am

Have you ever tried waking up from a nightmare at exactly 3am for 3 consecutive nights? No alarm clocks — nobody in the room but you alone. Hindi ko talaga makakalimutan ang oras na yun, yun yung tatlong madaling-araw na nagpabukas sa third eye ko, yun yung tatlong madaling-araw bago namatay ang teacher ko, yun yung tatlong madaling-araw na sunod-sunod ang bangungot ko na nagsimula nung unang gabi, nagpatuloy nung pangalawa at natapos nung pangatlo.

March 20, 2009 – ang unang gabing hindi ko inakalang may pinapahiwatig. Sa likod ng classroom namin, maraming puno ng mahogany, doon din ginawa ang compost-pit namin. Ang istorya ng unang bangungot, anim kaming mag-aaral at yung teacher namin ay nasa gilid palibot ng compost-pit, sabi ng teacher namin, maglalaro daw kami ng habulan pero may twist, dun lang kami sa gilid ng compost-pit, at ang mahuhuli ay siyang taya, pero ang mahuhulog mamamatay, nagsimula na ang laro, Ang kaklase ko ang unang taya, nasundan lang, Paikot-ikot lang kami (naririnig ko pa rin ngayon ang mga tawanan namin), at nagising ako. Tiningnan ko yung oras sa cellphone ko, eksaktong 3am at natulog na ulit ako.

March 21, 2009 – ang pangalawang gabing di ko inaasahan na magpapatuloy sa panaginip ko. Kung sino ang huling taya sa unang gabi, siya pa rin ngayong gabi, paikot-ikot pa rin kami, nang nahuli ako ng kaklase ko. At nagising na naman ako, pagkatingin ko sa cellphone ko, eksaktong 3am na naman, napaisip na ako bakit nangyayari sakin ito, pero pinagwalang bahala ko nalang.

March 22, 2009 – ang pangatlong gabing hindi ko makakalimutan. Ako ang taya sa laro namin sa panaginip ko nung pangalawang gabi, pinagpatuloy ko ulit, Paikot-ikot lang kami, at pansin ko na sa mga kaklase ko at sa teacher namin na pagod na sila, nang biglang natumba yung teacher namin at nahulog sa compost-pit. Nagising na ako, at sa pangatlong beses 3am pa rin. Binalewala ko nalang, pagkagising ko ng 6am, may balitang bumungad sa akin na namatay na daw yung teacher namin nang madaling araw ng March 23, 2009 – Lunes yun at hindi ako nagkakamali, malapit na ang recognition namin at ako ang nagbalita sa mga kaklase ko.
Simula nung araw na yun, hindi na ako mapakali dahil yung inakala kong panaginip na walang meaning, yun pala ang panaginip na may pinapahiwatig. Dala-dala ko pa rin sa memorya ko yung panaginip na yun, dahil hindi ko makalimutan yung ngiti sa mukha at saya ng mga kaklase ko at ng guro namin. Simula nung araw na yun, may nakikita na akong hindi nakikita ng ordinaryong mata, natatakot pa ako non, kaya sa tuwing may nahahagip ang mga mata ko, pinipikit ko nalang ang mga ito at nagdarasal nalang ako.

Marami pa akong kwento pero hanggang dito nalang muna. Sana'y naintindihan nyo ang kwento kong ito.

Zeph
Zamboanga Sibugay

Saint Thomas 5ft floor

Share ko lang yung naranasan naming magkakaklase sa Siena College of Taytay way back 2012.

1st year college kami noon BSIHM at nagpa-practice kami noong magkakaklase sa 5th floor ng Saint Thomas para sa play namin sa english subject namin noon. Bandang mag 5pm na, yung iba samin umuwi na at yung iba nagpaiwan muna para sa mga roles pa nilang kakabisaduhin. 'Ber months na yun sa pagkakaalala ko kaya mabilis ding dumilim sa labas that time. Habang kami ay nagpa-practice pa, bigla nalang may kumalabog ng malakas sa pintuan ng room na pinagpapractisan namin, as in sobrang lakas. Nagtaka kami lahat kasi sarado naman yung pinto hindi sya pwedeng sumara ng malakas, tas naisip naming tignan yung labas baka kasi pinagtitripan kami ng iba naming classmate na umuwi na. Pero pag-check namin sa labas wala namang tao maski sa ibang room sinilip namin wala talaga. Dun na namin napagdesisyunan na umuwi na lahat sa takot namin at saktong padilim na din. Ayaw din naming maabutan yung 6 o'clock prayer na Angelus. Though prayer sya pero the way kasi magsalita yung naka-record na pine-play nila mas nakakatakot sa pandinig eh.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon