☀️ Eight Shot ☀️

Start from the beginning
                                    

"Eww, move your ass now. Late ka na!"sagot niya at inirapan pa ako. Sinarado ko na ang pintuan ng kotse at kumaway sa kanila.

Saktong 7:00 AM nang makarating ako sa room namin. Agad naman akong sinalubong ni Cindy ar pinaupo.

"Wala pa si sir kaya magdadaldalan muna tayo. Upo ka na. Tanggalin mo na 'to."sabi niya at tinulungan akong alisin ang backpack ko at kinuha niya rin ang paperbag na hawak ko kung saan nakalagay ang flipflops ko.

Madalas kasi tuwing uwian pinapalitan ko ang school shoes ko. Ang sakit kasing ilakad kapag umiikot kami sa mall. Kaya mas magandang handa palagi.

"Bakit anong meron? Anong chismis nanaman ang baon mo?"tanong ko nang makaupo sa tabi niya.

"Napanood na namin  nila Rona at Hazel ang last installment ng The Avengers. Nakakaiyak lang kasi tapos na. Hindi na sila ang magiging casts if ever gagawa ng bagong movie. Hindi na sila nag-renew ng contract kaya nakakalungkot. Alam kong naiintindihan mo ito kasi... duh... we're a huge marvel fans 'no. Gusto kong maiyak habang nag-eexam tayo."kwento niya.

"Totoo bang namatay si Black Widow?"tanong ko.

"Please, no, don't say that. I'm still grieving. I need a hug."sabi niya at hinatak ako para yakapin.

Nagulat pa ako pero nang makit ko si Rona na sinesenyasan akong yakapin ko siya pabalik at i-comfort mas lalo akong nataranta kaya natulak ko si Cindy. Hindi ako sanay na magcomfort sa ibang tao kahit nga si Rena kapag umiiyak siya, para akong estatwa na nakatitig lang at hindi alam gagawin.

"I-I'm sorry 'bout that. Kasi... uhm... I'm so sorry."hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kaniya.

Maya-maya pa ay dumating na nga ang adviser namin at pinalabas na ang mga folder at pinalagay sa harapan ang mga bag namin. Ang natira lang sa desk ay ang ballpen, extra pen, yellowpad, folder and liquid eraser. The rest, hindi na p'wedeng dalhin sa desk namin. Nakaayos na rin kaming lahat at may space sa bawat upuan. Hindi tulad before na magkakadikit kami at dahil thirty kami sa strand, hinati sa dalawa ang section. First batch muna ang mag-eexam ngayong umaga at mamayang hapon naman ang second batch para mas madaling mabantayan kaming lahat.

Tumagal ng forty minutes ang pagsagot namin sa unang subject at pagkatapos namin ay isa-isa kaming pumunta sa harapan para i-submit ang mga papel namin.

Matapos ang dalawang subjects ay pinagbreak muna kami ng adviser namin. Dahil exam week namin ay araw-araw kaming may isang oras na break. Kaya mas masaya pa kami tuwing exam kaysa sa normal week lang ng pasok dahil mahaba kaming nagbbreak.

"Saan tayo kakain nito?"tanong ni Cindy.

"May baon akong dala."sabi ni Guia.

"Anong ulam mo/ Pahingi ako."sabay na sinabi ni Hazel at Cindy at sinilip ang bag niya.

"Siyempre nakakahiya sa mga hindi nagbabaon dito kaya dinamihan na ni ate ang niluto."sagot ni Guia.

Sa una nagsagutan pa si Hazel at Cindy kung saan kami kakain lahat. Gusto sana kasi ni Cindy sa foodcourt ng mall pero kailangan namin bumyahe pa samantalang si Hazel naman ay sa cafeteria na lang ng school. Hindi naman sang-ayon si Cindy sa suggestion niya kaya inawat na namin nila Rona.

Cruel Summer Where stories live. Discover now