PROLOGUE

1.6K 37 0
                                        

PAGPAPAKILALA♥

NICOLE'S POV

Hi every badeyyy! My name is Nicole Chichi Santiago! I am 16 years old. Kapatid ako ni Nathan Ace Santiago at sakanila ako nakatira sa asawa niya hehehe.

Busy kasi ang mama ko at papa ko sa business nila kaya duon na ako tumira hila ate Layne. Mabait naman si Ate Layne saakin at para ko na din siyang pangalawang nanay.

Mas gusto ko siyang maging second mother kaysa sa teacher, kasi dapat mother's help daughter pero bakit ang teacher hindi ako tinutulungan pag nage-exam?! Makatarungan ba'yun?!

So yah.. That's ol :>

"Nicoleeeeee!! Gisinggggg!! Malalate na tayoooo!!" sigaw ng isang chakang palaka sa labas ng kwarto ko.

"Ito na! Maliligo na!" Sigaw ko naman pabalik.

"Ano?! Sinasabi mo bang hindi ka pa naliligo?! Jusko ko naman Nicole! 6:46 na!" sigaw niya kaya naman nagulat ako.

Oh shit mader pakerr!! Malalate na ako!! Hangaaalll!!

Nagmamadali akong naligo at pagkatapos kong maligo ay agad kong sinuot ang school uniform ko at Glasses ko. Hindi kasi ako nakakakita kapag wala ito, at ngumisi din ako sa salamin at nakikita ko ang braces ko na kulay yellow.

Nang matapos na ako ay agad kong kinuha ang bag ko at ang mga libro ko.

"Jusko ba't ang rami mong dalang libro" sabi ni Cassie at tumingin sa pito'ng libro na dala ko.

"Tanga ka ba? May quiz tayo ngayon sa history, exam na din na'tin sunod bukas tas may--" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Blah blah blah! Alam ko na lahat yan! Tska! Kung makatanga ka ah?! Hindi porket matalino ka eh sasabihan mo na ako ng ganyan?!" sabi niya at nag piece sign naman ako.

"Chichi! Cassie! Bumaba na kayo! Kumain na kayo!" sigaw ni Ate Layne at agad naman akong bumaba.

"Tapos na po akong kumain Tita Layne" Nakangiti na sabi ni Cassie at ngumisi din naman ako kay ate Layne dahilan para makita ang braces ko.

"Aray! Ang sakit sa mata!" biglang sigaw ni Cassie kaya naman sinapak ko siya.

"Hahahaha! Hay nako mga bata kayo!! Sige na, kumain ka na Chichi. Alam ko namang gustong gusto mo ang luto ng kuya mo" sabi ni Ate Layne at agad naman ang umupo sa upuan at lumabas naman si Kuya Nathan dala dala ang favorate ko!

"Sinigang!" sabay naming sigaw ni Cassie.

"a-ah.. Tita pwede kumain" sabi ni Cassie kaya naman natawa ako.

"Sige iha! Kumain ka lang" nakangiti na sabi ni ate Layne. Umupo Na si Cassie at kumain na kami.

Pagkatapos ay naglakad na kami papunta sa school, sakto naman na nakita ko si crush sa harap ng gate na naglo-lollipop habang nakapikit.

"Hoy Jayseah Scott! Hindi ka pa ba papasok?!" biglang sigaw ni Cassie kaya naman sinapak ko siya sa braso.

Minulat ni Jay ang mata niya kaya naman napayoko ako.

"Why do you care nerd?" cold na sabi niya.

Alam ko naman na hindi niya ako magugustohan dahil isa siyang sikat na lalaki! Gwapo at mayaman! Eh ako?! Pangit! Hilig niya ay magaganda at sexy.

"M-mabuti pang umalis na tayo Cassie, it's already 7 may pasok pa tayo" sabi ko kay Cassie at hinila hila siya.

"Hoy Jay! Hindi porket sikat ka dito hindi mo na kami gagalangin?! Isang SSG President at V-President ang kausap mo!" sigaw ni Cassie kaya yumuko nalang ako at hindi nalang nakialam.

"So what? Anak naman ako ng may-ari ng school na'to" cold parin na sabi ni Jay.

"Correction mister Scott only half of this school is your's pero yung kalahati ay pagmamay-ari ng Santiago family" sabi ni Cassie while greeting her teeth.

"Tsk" sabi ni Jay saka umalis na habang nakalagay ang kamay niya sa bulsa niya.

"Ang harsh mo sa crush ko Cassie" sabi ko sakaniya at lumingon naman siya saakin.

"Dapat lang! Kala niya papayagan ko siyang mag cutting?! Putulin ko yang paa niya eh! Para hindi na makapasok!"

Siyangapala, Meet JAYSEAH DAYNE SCOTT. Anak ni Tito Dave na Bestfriend ni Kuya Nathan. Hindi ko alam kong bakit ako nahulog sa lalaking yun? Pero ang alam ko nahulog na ako sa kanal ng makita ko siya :>

----

Pak! Ganern! Season 2 iz heyr!! Haha! Ang dami nag request saakin sa fb na season 2 daw so ito na nga =) hope you enjoy♥

Miss nerds Revenge (Discontinued)Histórias para pegar e não largar. Descubra agora